Episode 16

24.9K 1.4K 1.3K
                                    

Larby

Twenty Minutes Before Agatha's Death

"Luv." Agatha snaked her arms around my body. "Mahalaga ba iyang sasabihin mo? Bakit may pa-meet at the roof top ka pang nalalaman?" She chuckled.

Bumuga ako ng hangin.

Mami-miss ko 'to. Mamimi-miss ko ang yakap niya. Ang pakiramdam ng kanyang mainit na katawan sa tuwing dumidikit siya sa akin. Mami-miss ko siya. Sobra. Sobra pa sa sobra.

Ito na marahil ang huling pagkakataon na yayakapin niya ako nang ganito dahil sa napili kong desisyon.

Matapos nito, hindi na niya talaga ako mamahaling muli.

I pull away from her hug. Bigla niyang ibinaling ang kanyang tingin sa aking mukha. Halata ang pagtataka niya sa aking ginawa.

Huminga muna ako nang sobrang lalim bago magsalita. "Let's break up."

Umawang ang kanyang mga labi.

Napapakurap, nagpatuloy siya sa pagtingin sa akin. Bakas sa kanyang mga mata ang pagkalito.

"Sorry, Agatha..." I said but on the back of my mind, I'm doubting myself. Will this be worth it?

"Nagjojoke ka ba?" She said. It wasn't a question. It was a pursuading statement.

Itinungo ko ang aking ulo. Pinanatili ko ang aking mga mata sa sahig. Natatakot na kapag napatingin ako sa malungkot niyang mga mata ay bigla ko na lang bawiin ang aking ginawang desisyon.

"Hey, nag-jojoke ka lang, 'di ba?" She tried to hold my hand but I jerk it away.

"Maghiwalay na tayo." I said. My voice is as soft as jelly. Conviction can't be heard from it.

Katahimikan.

Napuno kami ng katahimikan nang ilang segundo.

"Bakit?" Her voice began to break. "Bakit ang bilis naman? Ang bilis mo na namang bumitaw?" Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "May iba ka na naman ba? May pumalit na naman ba sa akin?"

Patuloy na nakatungo, umiling ako.

"Edi nag-sawa ka lang talaga? Pinagsawaan mo na naman ako? Iiwan mo na naman ako sa ere kasi wala lang? Kasi nag-sawa ka lang ulit?"

Malungkot ang mga mata, tumingin ako sa kanya. Umiling akong muli.

"Edi bakit?" Napasapo siya sa kanyang noo. "Sabihin mo na lang kung bakit, please."

Nagbabadya na ang luha sa kanyang mga mata. "Mahirap kasing mag-move on kung hindi mo naman alam kung bakit natapos. Mahirap hanapin muli ang sarili mo kung ikaw na mismo ang nangangapa sa dilim kakahanap sa lecheng rason kung bakit ka iniwan."

"Kung wala kang ma-irason, mag-imbento ka. Okay lang kahit na mag-sinungaling ka. Gumawa ka ng rason ngayon. Pero sana, iyong rason na hindi ako masasaktan. Iyong hindi na naman ako mahihirapan. Iyong hindi mahapdi sa dibdib." She covered her face as her tears started to cascade down her cheeks. "Please."

I let out a desolate sigh. I should tell her the truth. She deserved to know it.

"Death threats," my lips turned down. "I've been receiving death threats lately and it was from a killer that I've known for years. Pinapili niya ako. Ang makipaghiwalay sa iyo o ang patayin ka. I chose the former because I can't afford to see you be killed because of me. Alam ko kung anong kaya niya. Alam kong kaya ka niyang patayin kahit na ano pang pag-protekta ang gawin ko sa iyo." Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya.

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon