Prologue

139K 4.4K 1.6K
                                    

"May tumalon daw na student dito sa school building natin!"

"Hala, totoo?"

"Seryoso ka ba diyan?"

"Hindi magandang biro 'yan. You must be just kidding."

"Why would I effin joke around?! Seryo--"

"Guys!!! It's freaking true!!!"

"Totoo nga, OMG. Kitang kita dito mula sa bintana ang katawan niya!"

Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ng mga classmate kong maingay. Sa hindi malamang dahilan ay para silang natatarantang mga langgam habang tumatakbo palabas ng classroom namin.

Uminat muna ako at saka kinusot ang aking mga mata habang pinagmamasdan sila. Para akong bangag na wala pa sa tamang katinuan. Napapangiti pa ako habang pinagmamasdan silang magtakbuhan.

"Hey, y'all look stupid." I absentmindey chuckle.

But I suddenly snapped out of my trance when someone unintentionally nudged me on my shoulder.

Bigla akong napakurap.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa loob ng classroom at sa corridor.

Ako na lang ang tao sa aming classroom. Samantalang may mga ilang nagtatakbuhang mga estudyante ang corridor.

Anong nangyayari?!

May sunog ba?

Teka, wala naman akong naririnig na fire alarm, ah?

Dahil sa halong takot na baka nga nasusunog ang school building namin, mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon kung saan sila nagsisitakbuhan.

Nang makalabas na ako ay napatigil ako sa pagtakbo. Punong-puno ang dulo ng corridor ng mga estudyanteng nagpapanic na makalabas ng building.

Ang iba ay nagsusumiksik para maka-alis sa siksikang kumpulan ng mga estudyante. Ang iba naman ay maluha-luhang naghihintay na makarating na sa labas ng school building.

Ako? I busy myself with examining the whole place.

Kumunot ang aking noo.

Wala namang usok.

Walang amoy ng nasusunog.

Wala ring apoy.

Joke ba 'to?

O baka may lindol?

Pero bakit hindi nila ginagawa iyong natutunan namin sa lintik na earthquake drill last week?!

Jusko, kung isa 'tong prank, makakasapak ako.

Nang makarating na ako sa hagdan ay naisip ko nang makipagsisikan at makipag-unahan. The situation is too chaotic and unpeaceful. Somehow, it only fuels the panic that we are all feeling right now.

Maya-maya'y hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng tatlong lalaking nasa harap ko.

"Sino kaya 'yung student na 'yon?" Sambit noong matangkad na may kulot na buhok.

Humarap naman sa kanya iyong may katangkaran din pero may mahabang buhok. "Ewan nga, eh."

"Baka depressed." Sabat naman noong lalaking pinakamaliit sa kanilang tatlo.

"I agree, sino bang tatalon mula sa school building natin na may anim na palapag nang walang dahilan?" Sagot noong lalaking may kulot na buhok bago sila tumakbo at magmadaling bumaba sa hagdan. Sa loob ng ilang segundo ay nawala na sila sa aking paningin.

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon