Episode 15

21.2K 1.3K 746
                                    

Cath

Twenty One Days After Agatha's Death

Napaawang ang aking bibig.

Kasunod noon ay walang ano-ano kong binuksan ang pintuan ng cabinet.

Bumungad kami ni Luigi sa nanlalaking mga mata ni Stephanie. "Anong ginagawa niyo dito?!" Bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkabigla.

Ang kaninang pag-asa ko na mabilis na naming mabibigyang hustisya ang pagkamatay ni Agatha ay napalitan ng pagkalito dulot ng mga narinig ko mula kay Lucas. Naglaho ito na parang bula at nakakalungkot na baka hindi ko na ito maibalik pa.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Para bang nakulong ako sa kwentong puno ng plot twists.

Hindi ko na rin alam kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan ko o kung kailangan pa ba akong magtiwala sa kahit na sino man.

"Totoo ba ang narinig ko, Lucas?" Nanghihina ang aking boses. "Kung totoo man 'yon, may matibay ka nga ring motibo para patayin si Agatha." Bumuga ako ng hangin, nadidismaya. "Ginawa mo lang ba lahat ng 'to para paniwalain kami at makatakas ka sa kasalanan mo?"

Umiling-iling siya na parang batang hindi makapaniwala sa binintang sa kanya. "What made you assume that?!" Binaling niya ang kanyang mukha kay Stephanie na para bang hindi niya narinig ang mga sinabi ko.

Hindi sumagot si Stephanie kaya't marahas niyang hinawakan ang mga braso niya. Sa tingin ko ay napakahigpit noon. Ramdam na ramdam ko iyon sa pag-ngiwi ni Stephanie.

"Sagutin mo ako! What made you assume that?!" Patuloy ni Lucas.

And just like a bomb, sumabog sa galit si Stephanie. "I saw everything!" Her voice comes like a loud squeal. "Naghahalikan kayo sa gilid ng basketball court!" Nagpumiglas siya kay Lucas. "Hindi ako tanga! Hindi naman kayo maghahalikan nang wala lang, 'di ba?!" Biglang bumitaw si Lucas sa pagkakahawak sa kanya. Tila bang nagulat siya sa mga sinabi ni Stephanie. "Agatha is a two-timer! Pinagsabay niya kayo ni Larby at iyon ang puwedeng dahilan mo para patayin siya!"

Lucas stumbled but he kept his balance. "So what happened two years ago leads you to your wrong assumption on who Agatha really is?" His jaw clenched but his voice continued to soften.

He stepped backwards, tila bang patuloy na nanghihina ang kanyang mga tuhod. "The truth was I forced her to kiss me, that time. I caught her off-guard. Because I have no choice."

"No choice with what?!"

"To prevent her from seeing Larby kissing another girl."

Natigilan si Stephanie. She blinked as she continued staring at Lucas with her fuming eyes.

Kami naman ni Luigi ay taimtim na nakikinig. Pareho kaming lito at walang ka-aalam alam sa pinag-uusapan nilang dalawa.

"That time, kahit anong pigil kong gawin kay Agatha para 'wag pumasok sa locker room ay wala akong magawa. Ayaw niyang magpa-pigil. Wala akong nagawa kundi ang halikan siya."

"Magalit man siya sa akin. Lumayo man siya sa akin. Murahin man niya ako. Okay lang. Basta 'wag lang siya ang masaktan sa makikita niya sa loob ng locker room. After all, sanay na naman akong masaktan sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti nang hindi ako ang dahilan. Wala nang bago. Wala na lang sa akin iyong kirot sa aking puso."

Lumunok siya at umalon ang kanyang adam's apple. "Tangina kasi. Ang sakit makitang ituring na basura ng iba ang taong pinapangarap mo. Ang saklap tumayo at magkunwaring wala lang," he threw his hand in the air, "na wala lang talaga ang makitang masaktan ang mahal mo sa isang taong hindi niya naman deserved." Bumuga siya ng mahapding hangin. "Iyong tipong para kang inutil na walang magawa kundi ang manood na lang. Iyong wala kang magawa kundi ang tumunganga na lang habang iyong mahal na mahal mo, nasasaktan sa taong mahal na mahal niya."

Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon