Ikaanim na Pahina: Panalo at Pagkatalo

110 4 0
                                    

"May paparating na mga bago! May paparating!"

Nagsasampay kami ng mga nalabhang damit ng magsisigaw si Maria papunta ng likod bahay kung saan nandoon kaming mga nakatoka sa paglalaba. Nagpunas ako ng kamay sa aking palda at sumali sa usapan nila Dolores.

"May mga kasama na naman silang bagong mga sundalo at magugulat kayo kung sinu-sino ang mga iyon!"

"Sino?"

"Sabihin mo na, Maria!"

"Mga kalahi natin, hindi ba?" may pang-uuyam sa boses ni Ana at napailing na lamang.

"Totoo ba iyon, Ate Maria?" tanong ni Luz.

"Oo. Mukha silang mga Pilipino ngunit hindi ko sigurado kung totoo. Malalaman natin mamaya kapag binigyan na natin sila ng makakain." sagot pa niya. Nagtanguan ang mga kasama namin.

Tumabi ako kay Ana na nakapangalumbaba at malayo ang tingin. Wala na akong makita na kasiyahan sa mukha niya. Madalas na siyang tahimik at galit sa mundo. Hindi na siya tulad ng dati na palabiro at buhay na buhay ang personalidad.

Minsan nga ay hindi ko na siya makilala sa laki ng pinagbago ng ugali niya ngunit hindi ko siya masisi sa dami ng nangyari sa amin.

"May dinaramdam ka na naman, Ana."

Napatingin siya sa akin noon ng bahagya at binalik ang tingin sa kawalan. Ang iba naming kasama ay naghahanda ng pananghalian.

"Kalahi man natin o hindi, isa lang ang ibig sabihin noon, may dadagdag na naman sa mga mang-aabuso sa atin." ani Ana. Hindi ako nakasagot dahil hindi malabong mangyari iyon.

Napahinga siya ng malalim at hinampas ang mesa na kinagulat naming lahat. "Nakakasawa na! Nakakapagod na ang ganitong buhay! Paulit-ulit!"

Umalis siya pagkatapos sumigaw at bumalik sa loob ng bahay. Naiwan kaming lahat na nakatulala lamang sa nangyari.

"Anong nangyari kay ate?" tanong ni Dulce ilang minuto ang lumipas. Hindi na lamang ako sumagot pa dahil palagi naman siyang aburido nitong mga nakaraang araw.

Nang matapos kaming magsampay ay tumulong na rin kami sa pagluluto ng ginisang gulay. Una naming binigyan ang mga sundalong naghihintay sa pagkain at nang matapos ay saka pa lamang kami makakakain.

"Pilipino nga ang mga bago. Narinig ko silang nagsalita ng tagalog."

"Nakausap ko nga rin ang isa roon, ate! Sapilitan silang pinagsanay para maging sundalo." kwento ni Luz sa mga kasama namin habang kumakain. Naisip ko bigla sila Lorenzo. Hindi kaya ginawa rin silang sundalo?

"Faustina, dalhan mo ng makakain si Ana sa itaas." ani Dolores sa akin at inabot ang pinggan na naglalaman ng gulay at kanin. Tumango na lamang ako at pumasok ng bahay. Matapos kitilin sila Tonya ay ilan pa sa mga kasama namin ang pinatay ng mga Hapon dahil sa hindi pagsunod sa utos at sa kadahilanang gusto lamang nila.

Hinayaan na rin nila kaming makalabas pasok sa bahay ng walang bantay. Alam nilang walang magtatangkang tumakas dahil nataniman na kami ng takot sa aming sistema.

Naabutan ko si Ana na nakatulala sa tabi ng bintana nang pumasok ako sa aming kwarto. Malakas ang pagsabog ngayon sa mga kalapit na lugar ngunit wala na iyong epekto sa amin. Sanay na kami sa walang katapusang ingay ng pagsabog at mangilan-ngilang putok ng baril.

"Ana."

Napalingon siya sa akin at napabuntong-hininga. "Pasensya na sa inasal ko kanina. Marami lamang akong iniisip."

"Pwede mong sabihin lahat sa akin, Ana. Handa akong makinig."

Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi niya. Ang mga mata niya ay nakikitaan ng matinding kalungkutan. Minsan ay natatakot ako sa tumatakbo sa isip niya, sa mga kaya niyang gawin kapag ganitong babang-baba ang nararamdaman niya.

GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon