Mahaba ang chapter na 'to. Bear with me. Enjoy!
**"
"Lorenzo."
Napatingin ako sa tumawag sa akin at ang kasintahan ko iyong si Rodora. Tumabi siya sa akin sa upuan at tinignan lamang ako. May lamlam ang kanyang mga mata.
"Rodora..." Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa kanya ang bagay na ito. Napabuntong hininga ako. Nangiti naman siya sa akin ng malungkot.
"Ito na ang araw na iyon, hindi ba?" Napatingin ako sa kanya. "Ito na ang araw na tatapusin mo ang namamagitan sa ating dalawa dahil napagtanto mong mas mahal mo siya kaysa sa akin. Tama ba ako?"
"Patawarin mo ako, Rodora. Minahal kita. Sa buong relasyon natin ay minahal kita, totoo ang nararamdaman ko sa iyo pero-"
"Iba na ang tinitibok ng puso mo ngayon? Ganoon ba iyon, Lorenzo? Ganoon ba ako kadaling palitan sa puso mo? O sadya lang talagang siya ang nandoon umpisa pa lang..." May mga luha sa mata ni Rodora at napakasakit noon para sa akin. Hindi ko gustong masaktan siya ngunit kailangan niyang malaman ang totoo. Parehas lamang kaming makukulong at masasakal kung ipagpapatuloy namin ang relasyong ito.
"Alam ko noon pa lang ay malapit ka na kay Faustina. Tanggap ko iyon at ginagalang ko ang inyong pagkakaibigan ngunit hindi ko akalain na gagawin mo ito sa akin!" May galit at panunumbat ang boses niya. Tinatanggap ko naman iyon dahil ako ang nagkamali. Ako ang sumira ng aming relasyon.
"Kailan pa? May relasyon ba kayo?!"
"Wala kaming relasyon, Rodora. Hindi ko magagagawa iyon sa iyo."
Nagpahid siya ng kanyang mga luha habang nakatingin sa akin. "Dapat ba akong maniwala sa'yo?"
"Ako lamang ang may sala rito, Rodora. Walang kinalaman si Faustina sa bagay na ito. Hindi niya alam ang nararamdaman ko."
"Talaga ba?"
Tumango ako ng mariin. Natahimik siya ng ilang minuto hanggang sa magsalita siya. "Hindi naman kita mapipilit kung hindi na ako ang minamahal mo..."
"Patawarin mo ako, Rodora."
"Gustong-gusto kitang saktan, gusto kitang sabihan ng masasakit na salita pero hindi ko kaya, Lorenzo. Masakit pero tinatanggap ko. Isa lang ang hinihiling ko sa'yo ngayon, huwag mo munang sabihin kay Faustina ang nararamdaman mo. Hintayin mo muna akong makalimot sa iyo bago ka pumunta sa kanya, Lorenzo. Kahit iyon na lang ang ibigay mo sa akin. Kahit iyon lang..." pakiusap niya at kaagad naman akong sumang-ayon. "Uuwi na ako."
"Ihatid na kita."
"Ikaw ang bahala..." Tumayo siya at naglakad palayo sa akin. Sumunod naman ako sa kanya. Habang naglalakad sa daan ay nakasalubong namin sila Ana, Ador at Faustina. Kaagad na kumunot ang noo ni Rodora at umiwas ng tingin sa tatlo.
"Kanina ka pa namin hinahanap sa bahay." Tinapik ni Ador ang aking balikat. Binati niya si Rodora na nakahawak sa aking braso ngunit wala itong imik.
"Halika't maglakad-lakad muna tayo, Rodora, Lorenzo. Punta tayo sa plaza." aya pa ni Faustina sa aming dalawa ng nakangiti. Hindi siya pinansin ni Rodora at nilingon ako.
"Gusto ko ng umuwi, Lorenzo." aniya at tumango na lamang ako. Nilingon ko sila Faustina na halatang nagtataka sa kilos ng kaibigan niya.
"Sa susunod na lamang kami sasama."
Napatango na lamang sila at nauna na kaming umalis na dalawa. Tahimik lamang kami ni Rodora hanggang sa makarating sa kanila. Humarap siya sa akin. "Hindi na kita papapasukin sa loob. Hindi na rin kita kakausapin. Hindi na tayo magkaibigan pero sana tuparin mo ang hiling ko, Lorenzo."

BINABASA MO ANG
Gunita
Fiksi SejarahPaano nga ba mabuhay sa panahon ng pananakop ng mga Hapon? Ano nga ba ang kinahinatnan ng mga kababaihan sa panahon ng digmaan?