Chapter Three

1 0 0
                                    

Three


"Are you really sure about your decision?" naka-kunot noong tanong ulit ni Melody. Ilang ulit nang ganiyan ang tinatanong niya kaya napapagod na rin akong sumagot. Napabuntong-hininga na lamang ako sa kakulitan niya. Mas masahol pa siya kay Hailey. Napalingon naman ako sa anak kong abalang-abala sa pagkain nang paborito niyang ice cream.

"What about Hailey? Do you think she will accept your decision? Alam mo kung gaano kamahal ni Hailey ang daddy niya."

"I know Mel.. It's just that our relationship will not work anymore. Hihintayin ko pa bang nagkakasakitan pa kami bago makipaghiwalay?" Sumasakit na din talaga ang ulo ko sa kakaisip kung paano ba tatanggapin ng anak ko ang tungkol dito.

"How can you say so? Have you try it already?" tanong ulit ni Mel.

"No. But we're not happy anymore. Maybe we are both tired of each other." sagot ko. Yun lang naman ang naiisip kong dahilan. O dahil ba sa mali nagsimula ang lahat? But I will never regret having Hailey. She's my everything. If it means experiencing all the hardships again I will gladly do it knowing that Hailey will be my daugther again.

Hirap na hirap akong bumangon, bahagya ding nanakit ang balakang ko. Anim na buwan na din ang tiyan ko  at laking pasasalamat ko talaga kay Maam Lou na kumupkop sa akin sa kabila ng kalagayan ko. Kahit masakit ang balakang ko ay pinilit ko pa ring bumangon. Kelangan kong pumasok ngayon kahit pinagbabawalan na ako ni Maam Lou. Dalawang empleyado ang day off ngayon kaya tiyak ko na mahihirapan sila Chris at Linda ngayon. Mga kasamahan ko sila yung dalawa kase day off nila ngayon. Nasa sampu lang kase kaming empleyado ni Maam Lou. Tatlo sa kusina, dalawa sa cashier area habang lima naman ang nagse-serve ng mga pagkain. Nagmamadali ko nang inayos ang sarili ko kahit medyo may umbok na din yung tiyan ko at nahihirapan na din akong gumawa.

"Oh ate Iris bat kase pumasok ka pa? Kaya na namin to ano ka ba? Mamaya mapagalitan ka pa ni Maam Lou niyan e." saad ni Linda isa sa mga nagse-serve. Nginitian ko na lang siya at pumunta na ako sa pwesto ko. Nginitian naman ako ni Vina at pinaghila pa ako ng upuan.

Buong araw ay naging busy kami sa kaniya-kaniyang trabaho. Mabuti na lamang at hindi naisipan ni Maam Lou na bumisita ngayon kung hindi tiyak na sesermonan na naman ako nun.

Nagpatuloy pa ang dalawang buwan at malapit na akong manganak. Hindi na talaga ako pinayagan ni Maam Lou na magtrabaho. Siya na daw muna ang bahala sa magiging gastos sa panganganak ko kahit na sinabi ko naman na may ipon ako. Naglalakad-lakad ako dahil makakatulong yun para madali kong mailabas si baby.

Hayaan mo baby. Mommy will do her best to deliver you safely.

Nakangiti ko pang hinaplos-haplos ang tiyan ko. Naka-admit na ako sa hospital kahit two days pa bago ang due date ko sa pangaganak. Mapilit kase si Maam Lou kaya wala na din akong nagawa tutal nasakit na rin naman ang tiyan ko.

Nang maramdaman kong sunod sunod na ang pananakit ng tiyan ko ay agad na akong nagtawag nang nurse. Agad naman akong isinakay sa wheelchair dahil pumutok na ang panubigan ko. Hindi ko mapigilang kabahan. Kung andito lang sana si Mama may maipapayo siya sa akin. Pero tinatagan ko ang loob ko kahit na nga ba hindi naging madaling manganak. Parang hinahati ka sa dalawa at hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko. Naghalo na ang pawis at luha ko pero nawala lahat nung sakit na naranasan ko nung marinig ko ang malakas na pag-iyak ng anak ko.

"Mommy why can't you and daddy live with one house just like the old times?" inosenteng tanong ng anak ko na nagpabalik sa naglalayag kong kaisipan. Gulat akong napalingon sa kaniya. For a while I dont know how to answer her question.

"Honey, I know you're still young but I want you to understand me and your Dad situation okay? I will tell you the reason once you gets older alright?"

Inosenteng tumango-tango naman ang anak ko sa sinabi ko. I didn't expect her sudden question. I know that in time she will ask me but I didnt expect it right now! Ito ang isa sa kinatatakutan kong mangyari. Hailey is only five years old but she's intellegent just like her Dad. Greg is a billionaire businessman and I know his capability. I'm just thankful that he is not that ruthless. Dahil kung ganung uri siya ng businessman ay tiyak kong madali lang niyang makukuha sa akin si Hailey.

"Good night honey" bulong ko kay Hailey at hinalikan ko pa ang noo niya. Kanina pa pala siya tulog hindi ko lang napansin dahil binabasahan ko siya ng paborito niyang story which is Cinderella. Saka ko lang napansin nang tumahimik na siya. Kadalasan kase ay madami siyang tanong once na may hindi siya maintindihan. Nagulat pa ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.

"Hello"

"How's my princess?" saad ni Greg.

"She's fine. She's sleeping already" mahina kong saad. I know he's worried about Hailey. That's what I admired about Greg. He's a responsible father to Hailey.

"I talked to my lawyer earlier and he told me that we have some option to make our annulment easier. The effective one to make it easier is one of us need to proved that we have mental issues. And definitely the court will not believe it if I will be the one who will do it." mahabang saad ni Greg. Hindi ko mapigilang mapa-buntong hininga. Both of us knew that we can't do that. First, the court will not believe him if he have mental issues because he is a freaking CEO. At kung ako naman ang magpapanggap, surely hindi ko na maaring makasama pa ang anak ko dahil aalisin na yun nang korte sa sandaling malaman nilang may problema ako sa pag-iisip.

"Is that the only way Greg?" pagod na tanong ko. I don't know what to do anymore.

"Yes that's the only way to make it quick and easier. So what's your decision? Are you willing to make it?"

"Of course not!" naiinis na saad ko! Hindi ko yata kakayanin kung malalayo ang anak ko sa akin.

"So what shall we do? You do knew from the start that it will be hard for the both of us right? You can't expect me to taint my name isn't it?" pagod na pagod na sabi ni Greg. I can sense the pain on his voice. I know he's also tired just like me. I understand his situation. He has reputation that he needs to protect and I respect it.

I don't know anymore Greg. Ano pa nga ba ang dapat kong gawin?







Masakit ang ulong nagising ako. Nagtaka pa ako nang nagmulat ako ng mata at hindi ko makita si Hailey. Nagmamadali akong naghilamos at hindi ko mapigilang titigan ang repleksiyon ko sa salamin? Mugto-mugto ang mata ko at bahagyang namumula pa ang mata ko marahil ay dahil sa pag-iyak ko nang nagdaang gabi. Hindi ko na din maintindihan. Umiyak ba ako dahil nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon sa kinahinatnan ng relasyon namin ni Greg o dahil ba sa nahihirapan kami sa sitwastyon namin ngayon na mapawalang bisa ang aming kasal?

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon