Fifteen
Greg
"Pre tama na yan" saway sa akin ni Paulo. Inaagaw pa nito ang baso sa kamay ko.
"Wag mo akong bawalan Pau." sabi ko. Patuloy kong nilalagok ang alak na kasasalin ko lang sa baso. Matapos ang hearing ay dumiretso na ako kaagad dito. Kanina pa ako umiinom. Hindi ko alam kung ilang beses na akong umo-order kay Bito, ang paborito kong bartender. Siya siguro ang nagsabi kay Paulo na umiinom ako ngayon dito.
"Ano bang problema? Tumawag sa akin si Bert kanina. Ang Tito pala niya ang kinuha mong Lawyer." dagdag pa ni Pau na may hawak na din na baso. Alam niya sigurong hindi niya ako mapipigilan kaya uminom na lang din.
"She's really determined to push through this damn annullment!" galit na saad ko. Inis na napatingin pa ako sa red box na nakalapag sa mesa. Ibinalik ni Iris ito kanina nang matapos ang hearing. Gusto ko pa sana siyang kausapin pero hindi siya pumayag. Nakita ko ang sakit at hapdi sa mata niya at duon ako mas lalong nasaktan. Ano bang nagawa ko? Bakit ganun na lang ang kagustuhan ni Iris na matuloy ang annullment na to?
"Pare kung talagang desidido na siya wala ka nang magagawa pa. Ano ba talagang nangyari sa inyong dalawa?"
Hindi ko din maisip kung bakit. I don't really know why Iris doing this! The only thing that came my mind is that 'night'. That night when I went home and I can't find where Iris is. Hailey is so hard to stop from crying. She's asking me where her Mommy is but fuck I can't answer my daughter. Nang makatulog ang anak ko ay hinanap ko si Iris pero kahit ang mga katrabaho niya at Mommy Lou ay wala ding alam kung nasaan siya. After almost one week she went home not saying anything even telling me where she came from. Started from that day, she became cold to me and if not for Hailey maybe she will leave me right away. Months after that she told me about the annullment. Binalak niya din lumipat pero hindi ako pumayag kaya ako ang umalis. Mabuti na lang at hindi naman niya ako inalisan nang karapatan sa anak namin.
"That's why I told you Pre. Married man feel sucks!" sabi ni Paulo na natatawa. Wait till he marry someone!
"How about Hailey? Mawawalan ka ba ng karapatan sa bata?" seryosong saad ni Paulo. Napailing naman ako at bahaw na natawa.
"That's the only thing I'm thankful for Pau. I can still see my daughter"
"Is your wife already have someone?" bigla ay tanong ni Paulo. Napatigil naman ako sa pag-inom dahil sa sinabi ni Paulo. Napatiim ang bagang ko sa naisip. Hindi nga kaya may balak magpakasal ni Iris sa iba? Fuck! Hindi niya pwedeng gawin ito? And what about Hailey? She can't have another Daddy aside from me. Napakuyom na lang ang kamao ko. Maybe I have to do something to stop Iris from marrying someone. If I have to do everything just to keep my wife. I will even use my power to stop her from getting away from me.
Iris
Asar na pumunta ako sa bahay ng Papa ni Greg. Nalaman ko lang naman na imbes na umuwi ng maaga si Greg ay naglasing pa ang magaling! And worst he even had the guts to show himself drunk to our daughter! How dare he! Umagang-umaga ay sira na agad ang araw ko dahil sa lalaking iyon. Tumawag ako sa anak ko at iyon agad ang ibinungad sa akin. Tinanong pa ako ni Hailey kung bakit daw ang 'weird' ng Daddy niya. Kaya naman sinabi ko dito na ibigay kay Nanay Merced ang cellphone. Nakumpirma ko lang naman na naglasing nga ang magaling na lalaki. Hindi na siya nahiya sa anak niya! Talagang makakatikim sa akin si Greg ng sermon!
"Good morning Mommy!" ngiting-ngiti na saad ni Hailey. Nawala naman saglit ang asar ko ng makita ko ang anak kong nakapajama pa at may hawak na baso ng gatas sa kitchen. Ngumiti na lang ako kay Nay Merced na nagluluto, tahimik na tumango na lang sa akin ang matanda. Bigla ko tuloy naalala kung nasaan ang damuho na yun!
BINABASA MO ANG
Complicated Love
RomansaShe thinks divorce is what they really needed but it turns out not. Greg pursued her but when past came back to her memory she started to feel afraid and run away... Will Iris succeed of running away from the father of her child or not?