Chapter Eight

0 0 0
                                    

Eight


Pagod na ibinagsak ko ang katawan sa kama. Naging sobrang busy ang araw na ito para sa aming lahat lalo na sa akin. Bukod kase sa pagtra-train sa mga empleyado ay isinabay ko na din si Grace na i-train para sa magiging posisyon niya oras na umalis na ako. Halos dalawang linggo na din ako dito sa Aurora. Nakakatuwa na kahit mahirap para sa akin ang umpisa nang pag-aayos ng mga problema dito sa cafe ay sulit naman dahil maraming natutunan ang mga empleyado sa akin. Nagulat pa ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello Greg" sagot ko sa kabilang linya.

"Hi Mommy! I miss you!" masayang boses ni Hailey ang narinig ko imbes na ang baritonong boses ni Greg.

"I miss you too baby. How's your day so far? Are you enjoying yourself?" nakangiti kong pangungumusta. Nasa Mother Falls kase sila mula pa kaninang umaga. Pinilit nga nila akong sumama kaso kelangan ko pa ring tutukan ang mga employees dito especially si Grace na tatayong Manager. Nakokonsensya nga ako kanina nang makitang sumimangot ang anak ko.

"Yes Mommy. Sayang nga e your not here. Hindi mo tuloy nakita how beautiful their mother falls here!" I can hear the joy and excitement in her voice. It makes me happy and lost the feeling of being tired when I heard Hailey's happy voice. Totoo talaga na nakakawala nang pagod ang marinig ang boses ng anak mo.

"I'm really sorry baby but I promise before we go back to Manila we will go to Ermita Hill. You said you want to go there right?" I said convincing my daughter.

"Yes Mommy! I'm excited to climb up there to see the big cross!" masayang saad ni Hailey na ikinatawa ko na lang. She is really fascinated about historical places and I don't even know where she inherited that kind of trait.

"Hailey wear your slippers were going home already." I heard Greg talking to our daughter. Napatingin tuloy ako sa relo ko and it says 3 pm.

"Mommy I'm gonna give back the phone to Daddy because I still need to fix my slippers. Bye Mommy. I love you" she said sweetly.

"I love you too baby" I said smiling. Hailey is really a sweet girl.

"Uhmm did you just say ' I love you too' to me?" Greg said and I can hear the amusement in his voice.

"Excuse me! That was suppposed for Hailey!" I said covering my cheeks as if Greg will know that I'm blushing.

"Really? Anyways I need to hang up now. By the way I love you too baby" Greg said giving emphasis to the word baby. Sasagot pa sana ako nang marinig kong pinatay na niya. Hindi ko tuloy mapigilang mamula nang husto. Pakiramdam ko ay halatang-halata na apektado ako sa sinabi ni Greg. Well you cannot blame me because it's my first time hearing him say I love you too to me. Ni minsan ay hindi niya yun sinabi sa akin kaya hindi na rin ako nag-expect pa. But today he said it to me even if it's just a joke on his part. I felt a little pang of pain in my heart.

***

"Mommy wake up. Were here already!" nagising ako sa malakas na boses ni Hailey.

"Hailey quiet your Mom is sleeping let her rest first" Greg said. I wanted to smile for what he said. It seems like he is concern to me.

"No its fine Greg. Hi baby!" masaya kong sabi at pinupog nang halik si Hailey. Humagikhik naman ito at maging kami ni Greg ay nahawa sa nakakatuwang pagtawa ng anak namin.

"Have you eaten already?" tanong ko kay Greg.

"I already ate Mommy but not Daddy" Hailey said while yawning. Napalingon naman ako kay Greg. Agad naman siyang napaiwas nang tingin.

"Do you want to sleep now baby?" malambing na saad ni Greg sa anak namin halatang binabago niya ang usapan kaya hinayaan ko na siyang buhatin si Hailey at inayos ang higa nito. Nagulat pa ako nang tumabi din si Greg sa anak. Gusto ko sana siyang kausapin kung may problema ba siya at hindi siya kumain. Marami naman akong pinack na baon nila for lunch. Bumaba ako sa kitchen at chi-neck ang mga tupper ware. Kumunot yung noo ko nang makitang wala namang natirang pagkain. Did I heard right what Hailey said or it's just one of my weird imagination? Pero hindi e! Narinig ko talaga ang sinabi ni Hailey. I also noticed Greg's expression a while ago. He seems so sad and I wonder why. May problema ba sa kompanya niya? Bigla tuloy akong na-guilty sa naisip. Greg left just to come with us and yet I talked to him the other day if we can extend our stay for one week. He agreed and didn't even complain that's why I thought its alright with him. Di bale kakausapin ko siya bukas. Pwede naman siyang mauna o di kaya ay isama na lang niya si Hailey at ako na lang ang maiiwang mag-isa. Sa ngayon kase hindi pa masyadong maayos sa cafe kelangan ko pa silang bantayan lalo na si Grace na papalit sa posisyon ko.

"It will be better if you will record and compile all the sales report everyday so it will be easy for you to report it every month" bilin ko kay Grace na matamang tumatango. Hindi ako nagkamali sa napili ko dahil madaling maka-catch up si Grace at attentive din siya sa pakikinig kaya siguro madali lang niyang natututunan bawat sinasabi ko.

"Maganda din na magkaroon ka nang magandang relationship sa mga staffs ng Sienna's cafe para mas maganda at masayang magtrabaho. Also you can let the staffs suggest some of their great ideas about the cafe. If they suggest some ideas acknowledge it. Pag-aralan mo at kung sa tingin mo makakabuti sa cafe why not right?" patuloy ko pa.

"Yes Maam." magalang na sabi naman ni Grace na isinusulat pa ata ang mga bilin ko. Napangiti ako dahil nakikita ko sa kaniya ang sarili ko noon. Masipag akong magsulat noon lalo na noong mga panahon na tinuturuan ako ni Maam Lou nang tungkol sa business. Nakaugalian ko na din kase mula noong nag aaral pa ako. Nawala lang ang atensyon ko kay Grace nang may kumatok.

"Come in"

Nagulat pa ako nang si Greg pala yung kumatok. Napalunok pa ako nang makitang basang-basa pa ang buhok niya kagagaling siguro sa paliligo. Bahagyang basa pa ang puti niyang t-shirt. At hindi maikakailang napakagwapo niya kahit sa isang simpleng kasuotan.

"Sir Greg ikaw po pala? Sige po Maam mamaya na lang po natin ituloy." sabi ni Grace. Nagulat na lang ako at walang nasabi nang tuluyan nang umalis si Grace. Dun ko napagtanto na dalawa lang pala kami ni Greg sa loob nang maliit na opisinang ito.

"Uhmm.. You may sit down G-Greg" nauutal kong sabi. Pinipilit kong tatagan ang boses para hindi mautal pero sablay! Bakit ka ba kinakabahan Iris? Si Greg lang yan ang supposed to be your ex-husband soon-very soon.

"I want to talk about what I said the second day we got here if you remember? So I'm here to ask what's your decision?" tuloy-tuloy na sabi ni Greg. Hindi ko tuloy agad na-process sa utak ko kung ano ba ang sinasabi niya.

"Can you please enlighten me?"

"Seirously Iris?! I gave you almost two weeks to think about it but you just forgot about it!"nanggagalaiting saad ni Greg.

"What?! Sa tingin mo ba sa dami ng trabaho ko dito sa coffee shop maalala ko pa yung sinasabi mo?!" inis na sabi ko din! Namumula ang pisngi ko sa sobrang bwisit ko sa kaniya. I felt like exploding! I need to breath! So I left him inside the office!

Great! Just great! Ilang beses akong nagbuntong-hininga habang naglalakad sa dalampasigan. Sa dagat ako dinala nang mga paa ko. Nakaka-relax ang sariwang hangin at kalmadong tunog nang dagat. Hindi ko talaga napigilang sumabog kanina stress na nga ako sumasabay pa si Greg. Naalala ko na kung ano ba yung sinasabi ni Greg. It's about my decision whether to continue the annullment or stop it and reconcile for the sake of Hailey. Pero diba nga yun na ang ginawa namin noon. We decided to get married because of our daughter and then what happen? Diba nauwi din kami sa annulment? Hindi ko yata kayang masaktan nang sobra-sobra ulit. I cannot take again the pain like losing your own self. Unti-unti kong binuo ang sarili ko for almost one year at hindi pa rin yun sapat dahil hanggang ngayon sariwa pa ang sakit. May pilat pa din. Napahinto ako sa paglalakad ng may humila sa braso ko.

"Iris please... Let's talk about this." Nakikiusap na saad ni Greg. Pinahid ko muna ang luha ko na hindi ko namalayang tumulo pala.

"Yes let's talk" mas malakas ang loob na sabi ko. Nang makitang may malilim na puno nang niyog ay lumapit ako duon at umupo. Agad namang sumunod si Greg at umupo din sa tabi ko.

Tumikhim muna ako at kinalma ang sarili.
"Well about what you're asking. Naisip ko na ang posibilidad na masasaktan at maiipit si Hailey sa ating sitwasyon pero matalino ang anak natin Greg. I can expalain to her the situation and she will understand it. Hindi kita aalisan nang karapatan sa ating anak Greg kung yun man ang inaalala mo." mahaba kong sabi. Nakakahanga nga na hindi man lang ako pumiyok habang nagsasalita.

"So what are you saying?" galit na saad ni Greg. Marahil ay alam na niya ngayon kung ano ang desisyon ko.

"My answer is no Greg. Yes I wanted a complete family for Hailey but not this kind of situation. A happy family is what Hailey deserve but sadly we can't give it to her fully. Kung ititigil natin ang annulment at ipagpapatuloy ang sira na nating relasyon sa tingin mo ba matutuwa si Hailey? Naiintindihan mo ba ako Greg?"

Done chapter eight😇
Hope you like it guys☺

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon