Twenty One

0 0 0
                                    

Twenty One

"Naku! Sinasabi ko nga ba Iris! May itinatago yang bruha mong kapatid! Ahas pala!" nanggigil na saad ni Melody. Nakaalis na ang dalawa kaya ngayon dumadaldal si Melody. Mas galit na galit pa nga siya kesa sakin. Hindi na lang ako umiimik dahil hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang kirot sa puso ko. Nahagip ko pa kung paano hinalikan ni Greg sa pisngi si Louisse. I just felt like he ripped off my heart that it bled. I don't know but it is really painful. Ang mas masakit pa dun bakit si Louisse pa? Bakit yung kapatid ko pa? He can have any girl he wants! Not my sister! And especially not on my sight!

"Naku! Ang landi talaga kanina! May pahawak hawak pa ng kamay kanina! Dyuskoo gustong gusto ko na talagang hilahin ang buhok kanina!" nanggigil pa ding sabi ni Melody. Kanina pa siya ganiya at hinahayaan ko na lang. She's lil' bit protective when it comes to me so I understand. While me I choose to hurt in silent. Kahit sa loob loob ko gusto ko talagang umiyak. But I can't cause I can't show them how painful this is for me. I won't let them feel the satisfaction of hurting me.

"Oy! Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik ah!" puna ni Melody. Nilakihan pa ako ng mata ng bruha!

"Don't tell me hahayaan mo lang yung dalawang yun! Kung ako sayo sasabunutan ko talaga yung bruha na yun ng magtanda!" sambit niya pa na galit na galit. Tinawanan ko na lang siya at umiling. Hindi ko yun gagawin kay Louisse. I will talk to her and I will not resort into violence. If this is what she's planning I better  tell her to stop. Tumayo ako at dali-daling inayos ang mga gamit ko. Nang mailagay lahat ang gamit ko sa bag ay humalik agad ako sa pisngi ni Melody. "I'll get going Mel. Thank you I appreciate your care and love for me." I said then head out to my car. Paaandarin ko na sana ang sasakyan ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali kong kinuha ito at sinagot.

"Hello Iris. I just wanna inform you that I'm going to fetch Hailey from school. I hope it's okay for you." Greg said on the other line. Kahit gulat pa ay sinagot ko na lang siya ng "Yes" kahit bahagyang nanginginig pa ang kamay ko.

Nang makauwi sa bahay ay naglinis muna ako. Nakasando at short ako na ako nang bumaba, narinig ko na kasi ang tunog ng sasakyan ni Greg. Buhat buhat ni Greg si Hailey na bahagya nakahilig sa Daddy niya. Humalik pa ito sa pisngi ko ng mamataan ako. Kinuha ko naman siya para paliguan ko. I also told Greg to put some potato on his Adobo that he's planning to cook. Tumawa pa ito dahil sumimangot si Hailey. Matapos paliguan at pagbihisin si Hailey ng Pj's niya ay bumaba na din kami kaagad. Naamoy ko na ang mabangong amoy ng Adobo. Naabutan ko pa si Greg na tinitikman ang Adobong niluto niya. Tumikhim ako. Napalingon naman siya at bahagyang nataranta.

"Ddy' let's eat I'm already hungry" Hailey said. Dali-dali namang naghain si Greg at tumulong na din ako. Ako na ang naghain ng kanin. Ako na din ang naglagay ng ulam sa plato ni Hailey. Bahagya pa itong sumimangot ng makita ang patatas na inilagay ko sa plato niya. Nilakihan ko tuloy siya ng mata. Nakita ko namang ngumiti si Greg sa anak. Tahimik kaming kumain ng hapunan. Si Greg na din ang nagpatulog sa anak namin. Naligo muna ako matapos maghugas ng pinagkainan. Ng pumunta ako sa kwarto ni Hailey ay naabutan ko pa si Greg na nakatitig kay Hailey. Napansin niya yata ako dahil lumingon siya sa akin.
"Can we talk?" I ask him and he nodded. Kaya lumabas ako at pumunta sa garden. Umupo ako sa swing habang hinihintay siya. Nakita ko naman agad siya na papalapit sa akin. Tinanguan ko siya at agad naman siyang umupo sa katabi kong swing.

"Alam mo bang kapatid ko si Louisse?" tanong ko. Mariin akong tumitig sa kaniya.

"Yes. She told me too." Hindi ko alam pero masakit pala na marinig mo mismo sa bibig niya ang kumpirmasyon.

"Are you dating her?"

"Yes" he said. Tatlong letra at isang salita pero lubusan nitong dinurog ang puso ko. Yumuko ako at itinago ang mata kong naluluha. How dare he!? Hindi ko alam pero sa sobrang galit ko nilalabanan ko na lang ang sarili kong sampalin siya. Sa totoo lang hindi lang sampal ang nararapat sa kaniya.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon