Nine
Pagod na umupo ako sa pwesto ko. Maraming costumer ngayon at inaalala ko pa si Hailey. Kanina ay may sinat siya. Ayaw ko pa sana siyang iwan kanina dahil nag-aalala akong baka lagnatin siya. Napilitan lang ako nang maalala kong wala nga pala si Maam Lou ngayon. Ako na ang manager nang shop at hindi ko gustong pabayaan ang Sienna's shop.
"Ate papuntahin mo na lang kaya si Hailey dito nang hindi ka na nag-alala diyan." biglang saad ni Linda.
"Oo nga ate. Na-mi miss ko na din yung bibong bata na yun e!" segunda naman ni Chris.
"Pero hindi ko din siya maaalagaan dito" napapabuntong hiningang saad ko.
"Edi kami ni Chris ang mag-aalaga sa kaniya. Tsaka kaunti na ang costumer ngayon ate" pamimilit pa ni Linda sa akin.
"Naku!! Nakakagigil talaga to'ng baby mo ate!" tuwang-tuwa na saad ni Linda. Halatang gustong gusto na niyang kurutin sa pisngi ang anak ko. Pinipigilan lang ni Chris kaya natatawa naman etong anak ko. Natutuwa yata siya dahil nag ma-make face si Chris habang binibwisit si Linda. Natatawa na lang ako sa kanilang tatlo. Inupo ko si Hailey sa stroller niya. Nakikisama ata ang panahon dahil kakaunti lang ang costumer ngayon kaya nababantayan namin si Hailey. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi tumuloy sa lagnat ang sinat niya kaninang umaga.
Pati ang mga costumer ay tuwang-tuwa din sa baby ko na bibong bibo. Tawa kase ito nang tawa sa ginagawa ni Chris."Cappucino" ani nang baritonong tinig. Nagulat pa ako dahil nakatutok ang atensiyon ko kay Hailey. Ako kase ang kasalukuyang nakaupo sa counter dahil may inutos ako pansamantala kay Mitch.
"Here's your Cappucino Sir" saad ko habang nakatingin pa din kay Hailey. Although nakabantay naman si Linda ay nag-aalala pa rin ako.
"Thanks" duon na ako tuluyang napalingon. Parang pamilyar kase sa pandinig ko ang boses niya. Kumunot pa ang noo ko nang makitang nakangiti din siyang nakatingin kay Hailey. Pangungulila ba ang nakikita niya sa mga mata nito? Pinilig niya ang ulo at nilapitan ang anak.
"Chris pwede bang ikaw na muna sa counter I need to to feed Hailey first." I told Chris and carry Hailey.
"Are you hungry baby?" nakangiti kong sabi habang ginagawa ang cereals ni Hailey. Mukha gusto niya naman dahil inaabot na niya ang kutsaritang pinanghahalo ko. Natatawang nilayo ko muna ito sa kaniya dahil baka mapaso siya.
"Wait a minute honey it's still hot." I told her.
"Ate dinala ko na dito yung stroller ni Hailey para hindi ka na mahirapan pang magpakain dito sa bibong bata na to" saad ni Linda. Natatawang hinalikan pa nito ang matambok na pisngi ni Hailey bago ibinaba ang stroller sa tabi ko.
"Naku salamat Linda. Medyo makulit na nga itong si Hailey inaagaw yung spoon niya" natatawa ko ding sabi.
"Gustong-gusto na talaga kainin ang cereals na gawa nang Mommy niya" Natatawa pa ako nang mag-make face ito pero hindi pinansin ni Hailey dahil abala ito sa pag-agaw sa akin nang Hello Kitty niyang spoon.
"Ay suplada! Nakakita lang nang cereals e! Anyway labas na ako ate baka madaming costumer kawawa naman dun si Chris! Tsaka ang hot nung nasa table 5" natatawang sabi ni Linda at kinindatan pa talaga ako. Marahil yung lalaki kaninang umorder ng capuccino ang tinutukoy niya.
"Naku! Antakaw na talaga ng baby ko! Naubos lahat ng hinanda ni Mommy na cereals" natutuwa kong sabi at pinupog pa siya nang halik. Tumatawa naman si Hailey dahil nakikiliti yata siya sa ginagawa ko.
"Ang saya naman netong mag-ina na to! Rinig na rinig pa namin sa labas yung tawanan niyo" nangingiting sabi ni Linda.
"Ay pasensya na Linda. Nabulabog ba namin ang buong coffee shop?" namumulang saad ko.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
RomanceShe thinks divorce is what they really needed but it turns out not. Greg pursued her but when past came back to her memory she started to feel afraid and run away... Will Iris succeed of running away from the father of her child or not?