One
Ilang gabi pa nga ba ang kailangan kong tiisin para makasama ang nag-iisa kong anak na si Hailey. Alam kong ito ang konsekwensya ng desisyon kong hiwalayan ang papa nito. Kesa naman manatili kaming dalawa sa isang relasyon na pareho naman kaming hindi masaya. Hindi ko lang talaga matanggap na Papa's girl si Hailey dahil mas gusto pa nito sa Papa nito kesa sa akin. Ang sabi nga ng kaibigan kong si Melody kasalanan ko din naman daw kung bakit mas gusto ng bata sa ama nito kesa sa akin na Mommy niya.
Nitong mga nakalipas na buwan kasi naging busy ako sa trabaho at annulment papers namin ni Greg kaya di ko na napansin napapabayaan ko na pala ang aking Anak. Napatuwid ako ng upo ng marinig na tumutunog ang aking telepono.
"Hello Greg"
"Hello Mommy! How are you po?" excited na boses ni Hailey ang narinig niya."Hello baby. Mommy is fine don't worry. How about you? Are you enjoying your stay at you're Daddy's house? "
"Yes mommy! I had so much fun today with Dad . We went to Lolo's house and I enjoyed talking to him."
"Really? Good for you baby. How about your Dad baby? "
"Daddy is fine Mommy. He played with me together with Lolo and Aunt Therese."
"Aunt Therese? Did I heard it right baby? "
"Yes mommy she's with us. "
"Can you please give the phone to your daddy. I just want to talk to him. Love you baby. " nagtitimpi niyang saad. Matalino ang Anak niya at ayaw niyang malaman nito na gallit na siya.
Ang Hudas na Greg na iyon! Pinapakita pa talaga sa Anak nila ang pambababae nito!"Hello Iris"
"Greg Hailey said you're with Therese is that right? What are you thinking? You let our daughter witness you womanizing! Start packing Hailey's things now! I will fetch her" madiin niyang sabi. How dare he?!"Relax Iris! Calm down alright? Therese and I isn't what you are thinking right now okay?"
"No do what I say Greg! Pack Hailey's things right now if you don't want me to get mad and never let you see my daughter ever again! Naiintindihan mo ba ako!" nagpupuyos ang loob na saad ko!
"Whoa! Wait! Stop there Iris! Hailey is my daughter too! So don't you ever stop me from being with her! What's your problem anyway? Therese is my friend and there's nothing wrong to be with her unless you're jealous?"
"How dare you to say that? Hindi ako nagseselos kahit habang-buhay pa kayong magsama! Masunog sana ang kaluluwa niyong dalawa sa impyerno!" umuusok ang ilong na ibinagsak ko ang aking telepono!
Ang kapal ng mukha! Ako pa talaga ang sinasabi niyang nagseselos huh?!Inis na hinilot ko ang aking sentido! I just want a normal and happy life but what did I get? Is this my punishment for being stubborn with my parents? Eto na ba ang kapalit nang hindi ko pakikinig sa lahat ng mga paalala nila?
Lumaki ako sa isang simpleng pamilya. Hindi naman ganun kahirap ang buhay namin dahil isang guro si Mama sa amin at nagtatrabaho naman si Papa sa banko. Habang dalawa lang kaming magkapatid at ako ang panganay. Si Louise ang bunso at siyang lagi na'y masunurin kila Mama at Papa. Kabaligtaran ko siya dahil habang sinusunod niya ang lahat ng bilin nila Mama ay siya namang madalas kong pagsuway sa mga bilin nila. Well nanaig lang siguro sa akin ang inggit dahil palaging na kay Louise ang kanilang atensyon. Pinilit kong unawain pero hindi ko na matiis kaya naman nagsimula akong maging rebelde! Sumama ako sa mga barkada kong pumunta sa bar. Uminom ako ng alak at nakipag-sayawan kung kani-kanino.
At paggising ko kinabukasan nasa isang hindi ko kilalang kwarto ako habang katabi ang isang lalaking hubo't hubad! Dahil sa murang isip hindi ko alam kung ano ang gagawin! Kaya dali-dali akong nagbihis at umuwi ni hindi ko man lang inalam kung sino ba yung lalaking nakakuha ng aking pagkababae!
Pinilit kong kalimutang ang lahat ng nangyari ngunit sa di inaasahang pangyayari nalaman kong buntis ako! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Kung sasabihin ko ba ito kila Mama at Papa. Hindi ko lubos maisip kung ano ang dapat kung gawin! Buong araw akong nagkulong sa kwarto dahil sa hindi ko alam kung paano ipapalam kila Mama na buntis ako. Tiyak na magagalit sila!
Nagulat na lang ako paggising ko dahil galit na nakatingin sa akin ang mga magulang ko. Napansin kong hawak-hawak ni Mama ang pregnancy kit na ginamit ko. Namumula na rin ang kaniyang mga mata habang matalim na nakatingin sa akin si Papa. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kanila.
"Bumangon ka diyan at sabihin mo sa amin kung sino ang ama ng batang dinadala mo?!" halos mapapikit ako sa malakas at galit na boses ni Papa. Napilitan akong bumangon at umupo sa kama. Nanginginig na rin ako sa takot dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na hindi ko alam kung sino ang ama ng batang dinadala ko?
"Magsalita ka Iris! Sino ang ama? Alam ba niya ang kalagayan mo? Handa ba siyang pakasalan ka?" sunod-sunod na saad ni Papa. Habang ako naman ay hindi na alam ang gagawin.
"Anak please sabihin mo kung sino ang ama ng batang dinadala mo?" nakikiusap na si Mama marahil dahil alam niyang galit na galit talaga si Papa.
"Hindi ko po alam Mama. Nagising na lang po ako sa hotel at hindi ko po kilala kung sino ang lalaking yon." nanginginig ang boses na saad ko.
"Ano? Nagpabuntis ka at hindi mo alam kung sino ang bumuntis sayo? Naglolokohan ba tayo Iris?! Sabihin mo ngayon kung sino man ang lalaking iyon kung ayaw mong malintikan sa akin!" galit na galit na saad ni Papa habang pinapakalma siya ni Mama. Patuloy naman akong umiling-iling habang patuloy naman sa pagbagsak ang mga luha ko na ayaw na atang tumigil sa pagpatak! Anong sasabihin ko? Hindi ko talaga alam!
Napakurap ako ng maramdamang hilam na ang mga mata ko dahil sa luha. Hindi ko mapigilang maiyak sa tuwing naalala ko ang araw na yun kung kelan ako pinalayas ni Papa dahil hindi ko masabi kung sino ang ama ng batang dinadala ko. Nagmakaawa ako kay Papa ngunit hindi siya nakinig. Maging si Mama ay walang nagawa dahil batas ang salita ni Papa sa bahay. Umalis ako dala-dala ang aking maleta, wallet at cellphone. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko pang may laman pa ang aking wallet at credit card. Baka pati iyon tanggalan ni Papa ng laman. Kaya naman pumunta agad ako sa malapit na ATM machine. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman na may laman pa ito kaya winidraw ko na lahat.
Hindi ko alam kung paano ako naka-survive na hindi kasama ang pamilya ko idagdag pa na buntis ako. Mabuti at nakahanap agad ako ng trabaho kahit pa undergraduate ako ng college. Naging cashier ako sa isang coffe shop. Nung una kinakabahan pa ako na baka matanggal ako pag nalaman ng boss ko na buntis ako. Laking pasasalamat ko dahil nang malaman ng boss ko ito ay hindi niya ako tinanggal sa halip binawasan niya pa ang working hours ko dahil buntis daw ako at masama para sa akin ang mapagod. Siya si Ma'am Lou na purong kabutihan lang ang pinakita sa akin at sa anak ko na si Hailey. Dun din sa coffee shop ko nakilala si Gregorio Valdez ang biological father ni Hailey.Napabuntong-hininga ako dahil naalala ko na naman ang nakaraan.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
RomanceShe thinks divorce is what they really needed but it turns out not. Greg pursued her but when past came back to her memory she started to feel afraid and run away... Will Iris succeed of running away from the father of her child or not?