Chapter Ten

0 0 0
                                    

Ten



Balisa akong palingon-lingon sa pintuan nang coffee shop. I'm afraid about that guy! He said he's Gregorio Valdez and I found out that he's a powerful and ruthless businessman! I search about him last night because I can't sleep! Did he saw my daughter? Stupid! Of course he saw Hailey! Nabanggit pa nga ni Linda na nangingiti ito sa tuwing maririnig ang halakhak ni Hailey! Alam na ba niya? Alam na kaya niyang si Hailey ay kaniya? Napansin na din ba niya ang resemblance nilang dalawa? Hailey did get his jet black hair and and his eyes! I confirmed that day when I look at him directly. They both have beautiful brown eyes! While mine is black! Paranoid ako buong umaga!

"Ate kanina ko pa napapansin ang aligaga mo? May sakit ba si baby girl?" nag-aalalang saad ni Chris sa akin!

"H-hindi! Marami lang akong naiisip e" saad ko at lumingon ulit sa pintuan. Sakto naman na paglingon ko dun siya ang pumasok! Lalo akong namutla!

"Okay ka lang ba ate?" untag pa ni Chris. Napansin ata niya ang pamumutla ko.

"Yes okay lang ako. Sige balik muna ako sa office" kinakabahang sabi ko. Nagprisinta kase ako kanina na magbantay muna sa counter para malaman ko kung pupunta ba ulit si Gregorio! Bago ako umalis ay nakita ko pa siyang naka-kunot ang noong nakatingin sa amin ni Chris. Nakangiti namang tumango si Chris kaya nagmadali na akong bumalik sa office.

Napasandal ako sa swivel chair at napahilot sa batok. Kanina ko pa gustong simulan ang naudlot kong trabaho ngunit hindi ko mapigilang isipin yung lalaking yun! Ipipilit niya ba ang karapatan niya kay Hailey? I know that he already know by now that Hailey is his daughter. Kung gusto niyang kunin si Hailey ay wala akong magagawa! He is a big businessman and I am just a manager here! Obviously wala akong laban sa kaniya pag umabot to sa korte! Kung ano-ano nang naiisip ko. Ano kaya kung itakas ko si Hailey? Pero san kami pupunta? At saka paano tong coffee shop? Wala pa rin si Mama Lou hanggang ngayon. Natuloy sa bakasyon ang plano nila. Napailing-iling ako! He has a big connection! Siguradong madali lang para sa kaniya ang hanapin kami ni Hailey lalo na dito sa Pilipinas. Kinwenta ko sa isip ang ipon ko at napabuntong hininga ako! Siguradong hindi yun kakasya sa amin ni Hailey. Ilang buwan lang ang itatagal nun! Saka anong trabaho ang makukuha ko e undegraduate lang ako? Nakakahiya na rin humingi nang tulong kay Mama Lou. She has done many things for me and Hailey. Saka alam kong marami pa siyang problema regarding to Sienna's situation. I can't do that to Mama Lou. Marami pang pumasok sa isipan kong gawin pero sa huli alam kong wala akong magagawa para takasan to. Naisip ko tuloy bigla pano kung umuwi ako kila Papa? Pero napailing ako sa naisip. Noon nga na pinagbubuntis ko pa lang si Hailey hindi na nila matanggap ngayon pa kaya? Nasaktan ako sa desisyon nila pero hindi ko din naman sila masisisi. Parehong respetado ang angkan nang Mama at Papa ko. Hindi sila papayag na dungisan ang pangalan nang angkan namin kaya nga nila ako pinalayas noon diba? Naisip ko tuloy kung kamusta sila? Ano kaya ang natapos nang kapatid ko? Nagtatrabaho pa din ba sila Mama at Papa? Napapitlag lang ako nang may biglang kumatok.

"Pasok" maikli kong saad. Bigla akong napatayo nang pumasok si Greg! What is he doing here? Nag-hi histerikal na ako sa nangyayari? Bakit pumayag sila Linda na papasukin siya sa office ko?

"Ah Maam.. Pasensya na ho. Nagkaroon ho kase nang kaunting problema. Natapunan ho kase siya ni Chris nang kape at gusto magreklamo" saad ni Linda na namumutla. Napataas naman ang kilay ko sa nalaman? Natapunan? Talaga lang huh? Nakangisi kong naisip! Hah! Hindi ako tanga! Matagal nang nagtatrabaho si Chris dito sa coffee shop wala pa ako nun dito? Tumango ako kay Linda at sinenyasan siyang umalis muna.

"Sige Maam. Si Chris ho pinag-pahinga na ho muna namin. Mamaya na lang daw niya kayo kakausapin" pahabol pa ni Linda bago tuluyang umalis.

"Nice tactic you have there Mister Valdez?" nakangisi kong sabi. Bahagya siyang nagulat pero bumalik ulit sa pagiging arogante ang bukas nang mukha niya. Ang kapal pa nang mukha dahil umupo na agad ito kahit hindi ko pa sinasabihan.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon