Chapter Thirteen

0 0 0
                                    

Thirteen



"I don't want to eat Mmy!" nagrereklamong saad ni Hailey. Kanina pa siya nagta-tantrums at hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa kaniya. She doesn't want to eat without Greg. But it's already 8 pm so I'm really worried about Hailey not eating her dinner. I tried calling Greg's phone but he's not answering maybe because he's busy in a meeting.

"But you need to eat baby. Come on Daddy will be here any minute now" I assured her but she's till pouting. Maya-maya ay napilit ko na rin namang kumain si Hailey. Kahit pa nakasimangot pa din ito hangga't ihatid ko sa kwarto niya.

Alas dose na ngunit wala pa din si Greg kaya nag-aalala na talaga ako. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero nakapatay ata ang phone niya. Humiga na ako at bumuntong-hininga. Hindi ako pwedeng magpuyat dahil makakasama yun sa baby.

Kinabukasan ay maaga pa din akong nagising para ipaghanda ng breakfast si Hailey. Kumunot pa ang noo ko dahil naabutan ko si Greg na tulog sa kwarto ni Hailey. Bakit dito siya natulog? Napabuntong-hininga ako at hinayaan na silang mag-ama. Mukha kasing ang himbing parehas ng tulog nila.

Hanggang sa trabaho ay nagtataka pa rin ako bakit dun natulog sa kwarto ni Hailey si Greg? May problema ba kami? Kanina ay tahimik lang din kami habang kumakain ng breakfast. Attentive siya sa lahat ng gustong kainin ni Hailey kanina. Hindi na rin kami nakapag-usap dahil naging pareho kaming abala sa pag-aayos para sa trabaho.

"Kanina ka pa diyan tulala. Problema?" nagtatakang tanong ni Chris. Hindi na lang ako umimik at tiningnan ang dala-dala niyang meryenda para sa akin.

"Salamat Chris." nakangiting sabi ko. Alanganin syang ngumiti at tila may gusto pang sabihin pero hindi na itinuloy siguro nahalata niyang wala akong balak na magsabi sa kaniya. Hindi ko alam pero bahagya ako natatakot sa bilis ng mga pangyayari. Hindi pa nakatulong na buntis ulit ako. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan kong uminom ng pills. Hindi naman porket kasal na kami ay kampante na ulit ako. Napabuntong-hininga na lang ako. Namomroblema pa ako kung pano ko sasabihin kay Greg ang tungkol sa ipinagbubuntis ko. Hindi ko alam kung ikakatuwa niya ba ito kaya kinakabahan ako. Napatigil ako sa pag-iisip ng malalim ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello hija" tinig ng Daddy ni Greg ang nasa kabilang linya.

"Hello po Pa" kimi kong bati. Medyo nahihiya pa ako sa pagtawag ng Papa sa Daddy ni Greg.

"I just want to ask how are you and Greg hija? I hope the two of you are really going well."

"We're fine Papa. Kayo nga ho ang dapat kong tanungin Papa kung kamusta kayo" nangingiti kong saad. Papa Grego is so sweet. In fact he is much sweeter than Greg.

"Wag mo akong alalahanin anak. I'm strong just like a bull you know" humalakhak pa ang matanda. Nahawa na din ako at napatawa.

"Anyway hindi niyo pa ba balak na sundan si Hailey? Perhaps a baby boy and please do me a favor of naming him" maririnig ang labis na excitement sa tinig ni Papa.
Napalunok naman akong bigla at napahawak sa sinapupunan ko. 'Actually I'm already pregnant'. Gusto ko sanang sabihin pero wala akong lakas ng loob. Hindi pa din ako handa sa magiging reaction ni Greg. I'm still preparing myself so maybe in time I will keep it to myself until I am ready enough to say it to Greg. I hope he will be happy.

Mabilis kong tinapos ang sales report for the whole month. Maaga akong nag-out sa trabaho ngayon. I'm planning to consult my condition to an Ob-gyne. May malapit na hospital dito sa Sienna's cafe kaya duon ko na napiling kumuha ng appointment. Nakapag-paalam na din ako kay Mommy Lou at sa mga staff.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon