Chapter Twenty Two

0 0 0
                                    

Twenty Two

"Did you try to talk about it with Hailey? I mean you should. Alam mo naman sigurong siya ang unang-una sa maaapektuhan diba?" Melody said. Tumango ako dahil tama naman siya. But I tried that already I just can't stand seeing my daughter's cry that's why I stop myself.

"Maybe I will explain it to her once she's old enough to understand about our situation."
Napabuntong-hininga na lamang ako. I'm just hoping that Hailey will understand me someday. Sana hindi siya magalit o magtampo sa akin dahil iyon ang hindi ko kakayanin. Tumango na lang si Mel sa sinabi ko. "OMG!!" tili ni Mel kaya nagulat talaga ako ng bonggang-bongga! Balak ko na sana siyang batukan nang matauhan ang bruha! Pero ang bruha hinila lang ako at nagtago kami sa likod ng mga damit. Nandito kasi kami sa paboritong boutique ni Mel. "What?!" sikmat ko sa kaniya dahil wala talaga akong maintindihan sa mga ikinikilos niya. Pinanlakihan pa ako ng mata at sinenyasan akong tumahimik. Nakisilip na din ako sa sinisilip niya. Parang bumigat yata ang pakiramdam ko nang mamataan ko si Greg at Louisse na masayang nagbibiruan. Nakakapit pa si Louisse sa braso ni Greg. Kahit sino talaga iisiping magkasintahan ang dalawa.

"Ahas talaga yang kapatid mo Iris." umiirap na saad pa ni Mel. Hindi na lang ako umimik. Umalis na din kami agad sa pinagtataguan namin ng mawala na sila Greg at Louisse. I don't really know what to feel. I felt like they are both betraying me. But this is what I want right? Pero bakit ako nasasaktan? Bakit parang pinupunit ang puso ko ng makita ko silang dalawa? Akala ko talaga naka-move on na ako. Ang totoo pala hindi pa dahil hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin si Greg. Nakampante lang siguro ako noon dahil walang babaeng umaaligid  kay Greg. Nakakasama din ng loob na parang walang pakealam si Greg sa nararamdaman ko gayong alam niyang kapatid ko si Louisse. I don't know if this is what my sister's plan. Higit sa lahat hindi ko yata kakayanin kung pati si Hailey ay masasaktan. Di bale nang ako na lang kaya kong tiisin yung sakit wag lang ang anak ko. Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay yun ang tumatakbo sa isipan ko. Kanina ko pa gustong tawagan si Greg at tanungin. Pride at hiya na lang ang pumipigil sa akin para gawin iyon.

"But Mom I want to see Tita Louisse!" nakasimangot na saad ni Hailey. Kanina pa kami nagtatalo dahil gusto daw niyang maka-bonding si Louisse. Katatapos lang namin magsimba kaya inaya ko siyang gumala sa mall. Ang kaso iba pala ang plano ng anak ko. I want to scold her but I can't. Hailey doesn't know what's happening. I can't just tell her that her Dad and Aunt are dating! Napahilamos ako sa mukha at naiinis sa sitwasyon. Kung bakit ba naman kasi hindi ko mahagilap ang bruhildang si Mel. Edi sana hindi ako nahihirapan ngayon. Kanina ko pa tinetext kaso mukhang busy ata ang bruha. Hindi din sinaasagot ang tawag ko.

"Mom please... Pretty please" pakiusap ni Hailey na naka-pout. Bumuntong-hininga na lang ako sa kakulitan niya.

"Mommy.."

"Fine!Fine!" inis na saad ko at dinial ang numero ni Louisse.

"Oh hello my dearest sister!" umikot ang mata ko sa sinabi ni Louisse. Dearest sister my foot!

"Can I ask you a favor?" walang ligoy kong sabi. Wala akong panahon makiplastikan sa kanya ngayon.

"Anything for you my dear" she sweetly said.

"Hailey wants to see you. Can you meet us? I'll just text you the location"

" Oh! My dearest niece miss me. Tell her I miss her too.I'll  just wait for your text. " pagkarinig ko sa sinabi niya ay inend ko kaagad yung call. Napapairap talaga ako sa inis. Hindi ko lang pinapakita kay Hailey dahil tiyak na magtatanong ito. Dumiretso kami sa mall. Pinakain ko muna sa Jollibee si Hailey bago kami tumuloy sa timezone. Napataas ang kilay ko nang makita si Louisse na nakangiti ng matamis sa lalaking kausap niya. I thought she's into Greg.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon