Chapter Six

0 1 0
                                    

'Mahirap manghusga ng walang alam
Pero minsan kailangan mo nang lumaban
Nagmahal ka lang kaya di ka dapat masaktan
Bobo na lang ang mang-iiwan ng walang dahilan'

    -Nicole

Six

Nakakatuwang pagmasdan si Hailey na nakapaang nakikipaghabulan sa mga alon ng dagat. Nangingiti din ako dahil halatang alalang-alala si Greg sa anak. Sa tuwing nadadapa si Hailey ay agad-agad na siyang umaalalay na akala mo naman ay masasaktan na agad si Hailey. Samantalang tuwang-tuwa naman si Hailey kahit nadadapa pa ito. Samantalang noon ang liit-liit pa niya. Naalala ko pa tuloy nung one year old pa lang siya..........

"Ate umuwi kana kaya? Gabi na o kawawa naman si Hailey" nag-aalalang saad ni Linda. Isa sa mga kasamahan ko sa coffee shop.

"Pero madami pa tayong costumer e. Nakakahiya naman sa inyo ni Chris." sabi ko habang binibilang kung ilan ang kita sa araw na to. Tutulong din ako mamayang maglinis at isara itong Sienna's Shop.

"Oo nga naman ate Iris kami na bahala dito ni Linda madali na lang naman to yakang yaka na namin to!" panggagatong pa ni Chris na ikinangiti ko.
 


Napakaswerte ko talaga sa mga naging kasamahan ko dito sa coffee shop. Bukod sa masisipag na ay mababait pa.

"Naku maraming salamat talaga sa inyong dalawa ha. Hayaan niyo't sa sweldo natin ay ililibre ko kayong dalawa"

"Kahit hindi na ate. Alam naman naming pinagkakasya mo lang ang sweldo mo para sa inyong dalawa ni Hailey." nakangiting sabi ni Chris.

"Oo ate basta ha minsan dalhin mo ulit dito si Hailey at nang makurot ko ang matatambok niyang pisngi." nakangising  sabi ni Linda na ikinatawa ko lang.

"Maawa ka naman sa bata Linda. Paiiyakin mo pa e!" saway naman ni Chris dito. Umirap naman sa kaniya si Linda. Natatawa na lang akong iniwan sila. Kung wala lang sigurong boyfriend si Linda ay bagay na bagay ang dalawa.

Nang makauwi ako sa apartment ay naabutan ko si Ate Pia na buhat-buhat si Hailey na umiiyak. Dali-dali ko namang ibinaba ang mga gamit ko at kinuha si Hailey na agad din tumigil ang pag-iyak ng makita ako.

"Sshh baby Mommy's here already" pang-aalo ko sa kaniya.

"Kagigising lang niya Iris at ayan ikaw nga ang hinahanap agad. Nang hindi ka makita ay tuluyan nang umiyak." paliwanag ni ate Pia na tinanguan ko lang.

"Ate pasenya na talaga dito kay Hailey ah. Salamat sa pag-alaga. Eto na ho pala." sabi ko at inabot sa kaniya ang sahod niya sa pag-aalaga kay Hailey. Mula Monday at Friday kase ay siya ang nagbabantay kay Hailey. Laking pasasalamat ko din dahil nakilala ko si Ate Pia. Mabuti na lamang at Friday ngayon kaya makakasama ko si Hailey ng dalawang araw.

"Sorry anak kailangan kase ni Mommy mag-work e. Pero bukas ipapasyal ka ni Mommy"

"Pasyal?" nauutal na saad ni Hailey. Nakakapagsalita na si Hailey na kakaunti tulad ng Mommy, Ate at Daddy. Nung una ko nga siyang marinig magsalita ay sobrang tuwang-tuwa ako na halos mapaiyak pa ako. Vinideo ko din siya at hanggang ngayon nasa cellphone ko pa din.

"Yes baby mamamasyal tayo tomorrow" at tuwang-tuwa naman siyang pumalakpak. Natutuwa ko naman siyang pinupog nang halik sa pisngi hanggang leeg.

***

"Grace can you please give me the sales report for the last few months. I just really need to review it. Thank you" pakiusap ko kay Grace. Isa sa mga pinakamatagal nang empleyado ng Sienna's Cafe dito sa baler.

"Yes Maam" at agad naman itong umalis para kuhanin yung kelangan ko. Kasalukuyang nakaupo ako sa isa sa mga table dito sa receiving area. Sinabi naman ni Mama Lou na mag-relax muna ako bago ayusin ang problema dito sa cafe kaso hindi ko pa yun muna kayang gawin. Lalo na nang malaman kong iilan na lang pala ang tauhan nang cafe at madami pang kapalpakan ang ginawa ng dating manager dito. Ang masama pa nito tinakbuhan pa ang problema dito sa cafe sa halip na resolbahin. Napapailing na lang ako nang mamataan ang kakaunting tao sa cafe. Mukhang hindi rin masyadong na-train ang mga empleyado rito dahil ni hindi man lamang ngumiti ang isang waitress sa isang paparating na costumer. Pati pala serbisyo ng mga empleyado problema din. Napapa-buntong hininga na lang ako nang makita ko pa ang isang waitress na muntikan nang mabitawan ang tray na hawak. Siguradong kakailanganin ko pa silang i-train muna. Mabuti na lamang at may natutunan din akong sa kursong kinuha ko na business management sa college kahit na nga ba hindi ko pa ito natapos noon. One of the things I've learned in business management  is to always welcome your costumer with a beautiful smile and please them by showing your good service so they will not regret that they have chosen your business, like this coffee shop.

"Eto na po Maam"  saad ni Grace at inabot na sakin ang pinapakuha ko sa kaniya.

"Salamat Grace" I said smiling to her. Sa lahat ng employee na nakita ko kanina sa kaniya pinaka-magaan ang loob ko. Siguro dahil sa maganda niyang ngiti. Maybe I can teach her to influence her co-workers so they will know how to smile to the costumers too. Hindi yung parang pasan na nila ang mundo para hindi na sila makangiti man lang. Binuklat-buklat ko ang sales report and as expected sobrang baba nga nang kita ng coffee shop. Mukhang napabayaan talaga ito dahil sa irresponsableng manager dati. Alam kong pinapahanap na ni Mama Lou ang dating manager dito pero sadyang magaling atang magtago dahil limang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin ito nakikita.
Talaga ngang malaki talaga ang problema dito, sumasakit tuloy ang ulo ko kung paano ko ito maaayos sa loob lamang ng isang buwan. Iyon ang usapan namin ni Greg bago umalis ng Manila. Actually two weeks lang dapat kaso nakiusap ako na kung pwede i-extend at iyon nga napahinuhod ko naman siya.

"Coffee Maam?" nakangiting alok sa akin ni Grace. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya. Halos magda-dalawang oras na din akong nakaupo at chine-check ang sales report. Nangangalay na rin ang leeg ko pero determinado akong matapos ngayong basahin ang lahat ng ito.

"Thank you Grace" I said while motioning her to place the cup of coffee on my table. Nagtaka pa ako nang hindi niya pa rin inilalapag ang kape sa lamesa ko. Napatingala tuloy ako. Shocked na napatingin ako kay Greg na basa pa ang buhok. Katatapos lang siguro nitong mag-shower pagkatapos maligo sa dagat.

"Busy?" He asked while combing his hair using his hands. And I felt like drooling at the sight of him. Muntikan ko nang makalimutan ang dapat kong gawin nang biglang marinig ko si Grace. Dala na pala niya ang kape ko.

"T-thanks" nauutal ko pang sabi kay Grace.
Nagkunwari akong busy sa pagbabasa dahil naiilang ako sa lantarang pagtitig ni Greg sa akin. Nagtaka pa ako dahil tahimik lang ito habang nakatingin sa akin.

"Where's Hailey?" pagkuwan ay tanong ko.

"She's already asleep in your room" he said while sipping his own coffee. Napatango naman ako at patuloy na itinututok ang atensyon ko sa pagbabasa. Kahit na nga ba naiilang pa din ako sa presensiya niya. Tumikhim ako at tumingin sa kaniya.

"Why don't you rest too? I mean I know you're tired just like Hailey" saad ko. I want him to leave me alone so I can concentrate myself in doing my work.

"I'm not that tired Iris. Besides I love watching you work." he said while smiling that cause my heart to beat so fast. I also felt my cheeks turn red. Umiwas ako nang tingin sa kaniya. I can't take staring into his eyes for too long. Get a grip of yourself Iris! Paalala ko sa sarili ko.






I'm sorry masyado atang maikli tong chapter na to' but still hope you like it.😇

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon