Chapter Seventeen

0 0 0
                                    

Seventeen



Halos tumagal kami ng isang linggo sa baler. Tinapos ko pag i-settle ang mga properties na ipinamana sa akin ng mga magulang ko. Mukhang hiyang naman si Hailey dahil gustong gusto nito sa beach. Medyo nag-tan ang kulay ko at nang anak ko. Sa loob kasi ng isang linggo nagbabad kami sa dagat. Pati si Greg ay mas lalong naging moreno. Ilang beses ko na siyang pinipilit na bumalik ng Manila pero ang tigas ng ulo. Ako na tuloy ang nag-aalala sa business niya. Tinawagan na din ako ni Mommy Lou nangangamusta sa akin ibinilin pa na wag ko daw alalahanin ang Sienna's cafe dahil maayos ito at kayang kaya niya pang i-handle. Gusto ko pa sanang magtagal dito sa baler pero kung hindi pa kami babalik ngayon tiyak na magmamatigas pa din si Greg na samahan kami dito.

"Are you sure about this?" Pangatlong ulit na tanong ni Greg sa akin. Inirapan ko tuloy sa inis ko sa kaniya. Gusto pa atang kumbinsihin ako na magtagal dito sinabi ko na ngang hindi pwede. Sa loob ng isang linggo naging maayos naman ang pagsasama namin. Hindi kami nag-aaway paminsan minsan lang ay naasar ako sa kaniya kaya nag-aaway kami.

"Hailey come on get your bag were going already" utos ko sa anak namin. Kanina ko pa ito nabihisan at naayos na din ni Greg ang buhok nito.

"At ikaw ayusin mo na din po ang gamit mo kung ayaw mong maiwan dito" sabi ko sa kaniya at tuluyan na siyang iniwan duon. Hayy.. Ang kulit kasi! Kanina pa tanong ng tanong kung sure na daw ba ako! Dyuskoo mas makulit pa siya sa anak namin!

"You can sleep if you want" Greg told me. Maybe he noticed I'm a li'l bit sleepy. I just smiled at him and nodded. Hailey is already sleep at the backseat. We put a lot of pillow at the backseat to make Hailey more comfortable while sleeping. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.

"Hello" inaantok na sagot ko.

"Hello. Is this Greg?" a woman said. Kumunot agad ang noo ko. Sino ba to?

"No. I'm his wife. What do you need from my husband?" naiinis na tanong ko. Ewan ko pero naiinis talaga ako. Babae ba to ni Greg? Nasan nga pala ang kumag na yun?

"Oh! You must be Iris. I'm Therese one of his friends. Can I talk to Greg now" she sweetly said. I just rolled my eyes because I'm really annoyed. Cellphone pala ni Greg tong hawak ko. Bat ba kasi parehas kami ng ringtone?

"I'm so sorry but my husband is really tired. He is still sleeping in our bed" I sweetly answered and end the call. Huh? Akala ba niya papatalo ako sa kaniya. Ibabato ko na sana yung cellphone ni Greg ng makita ko syang papalapit na sa kotse. Hmp! Napilitan tuloy akong ibaba ang phone niya.

"Hi! I bought some food for us. I know you're hungry already" Greg said smiling. Tsk. Akala ba niya natutuwa ako sa pangiti-ngiti niyang yan! Matapos kong kausapin ang isa sa mga babae niya!

"Hey you don't have to look at me like you're gonna kill me right now" natatawang sabi pa niya. Well he's right! I'm really planning to kill him.

"Buti alam mo!" inis na pakli ko! Inagaw ko ang dala dala niyang burger. Nagugutom na din kasi talaga ako. Dagdag pa ang pagtawag ng babae ni Greg. Nanghihinayang nga ako hindi ko naibato yung cellphone niya!

"Epekto ba yan ng pagtulog ng 4 hours?" natatawang sabi ni Greg. Pinandilatan ko tuloy nang mata. Kahit kasi tapos na kami sa pagkain ay masama pa din ang tingin ko sa kaniya. Isn't he aware of the saying ' biruin mo na ang tulog wag lang ang bagong gising' Tsk! Naiinis pa din talaga ako. Kahit sino naman ata maiinis talaga. Kagigising ko lang at boses kaagad ng babae niya ang maririnig ko! Hay peste!

"Seriously Iris. Stop murdering me in your mind. Your giving me creep!" He said hugging himself acting like he's cold.

"Just drive and don't talk to me!" maikling sabi ko sa kaniya at inis na tumalikod sa kaniya. I wish his car has a huge backseat so I can sleep beside Hailey. Ilang minuto ko nang pinipilit na matulog pero hindi pa din ako makatulog. Bwisit! Ang babaero kasi nitong kumag na to! Inistorbo pa ng babae niya ang mapayapa kong pagtulog.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon