Eleven
Nagsimula nang araw na yun hinayaan ko na si Greg na makasama si Hailey. Hindi naman ako nagsisi sa naging desisyon ko dahil naging mabuti ama si Greg kay Hailey. At ngayon nga abalang-abala kami sa pag-aayos ng first birthday nang baby namin. Naloka pa ako nang i-suggest nang Papa ni Greg na isabay na din ang binyag ni Hailey kaya naman ang plano kong simpleng birthday party lang nabago na. Ang 20-30 guests na plano ko naging 100-200 guests na at karamihan duon ay kamag-anak at kaibigan ni Greg. Ano nga bang ine-expect ko e sikat na businessman si Greg! Naloloka na talaga ako sa mga pangyayari! Noong nakaraang linggo lang pinayagan ko si Greg na ipakilala si Hailey sa Lolo Grego nito. Hindi na nga din ako sumama dahil sa tingin ko hindi naman na kailangan. Mukhang enjoy na enjoy naman ang anak ko dahil kahit isang buong araw niya akong hindi nakita ni hindi man lang daw umiyak. Tawag kase ako nang tawag kay Greg nung araw na yun para kamustahin si Hailey.
"Ang haggard mo naman! Ang ganda ganda mo at super hot yung asawa mo naku! Dapat wag ganiyan! Mag-ayos ka aba mahirap na maagawan noh!" saad ni Melody ang dati kong kapit-bahay sa Pasay. Well maituturing ko na din siyang friend dahil bukod sa mabait siya masaya din siyang kausap. Siya din ang kinuha kong birthday organizer ni Hailey. Inirapan ko naman siya! Ilang ulit ko nang sinabi na hindi ko asawa si Greg pero ang kulit ng bruha! Muntik-muntikan ko na talaga siyang batukan nang makitang papalapit si Greg sa amin. Ngumiti lang naman ang bruha kaya pinandilatan ko na!
"Hi Greg!" feeling close na sabi agad ni Melody.
"Hi! Your the organizer right? I'm impressed! You really are amazing organizer!" ngiting-ngiti na saad naman ni Greg. Well totoo naman ang sinabi ni Greg dahil nasunod talaga ang lahat ng gusto naming mangyari. Simple lang pero napakaganda!
"Naku! Salamat naman! Nag-alangan nga ako nang malaman kong mayayamang tao pala ang dadalo! Mabuti na lamang at nagustuhan mo" tuwang-tuwa naman na saad ni Melody.
"Asan nga pala yung inaanak ko?" biglang tanong pa nito kay Greg. Kasama din kase siya sa Ninang ni Hailey.
"Ayaw bitawan ng Lolo niya e!" natatawang sabi at kibit-balikat naman ni Greg! Napangiti na lang ako sa kaalamang natutuwa ang Papa ni Greg kay Hailey. Akala ko kase nung una baka ayawan niya si Hailey kaya natakot ako pero wala naman pala akong dapat ikatakot dahil sa katunayan mahal na mahal nito ang apo! Natawa pa nga ako nang nagpagawa talaga ito nang pink na suit na may hello kitty print sa harap. Tuwang-tuwa naman ang anak ko sa Lolo niya ni halos ayaw na magpabuhat sa iba.
Matapos maubos ang napakaraming bisita sa birthday ni Hailey ay nakahinga talaga ako ng maluwag. Nasu-suffocate talaga ako sa mga taong masyadong mayayaman although hindi naman masasabi na sobrang hirap ng buhay namin noon dahil parehong may matinong trabaho sila Mama at Papa. Napangiti ako nang maalala ang napakasayang mukha ni Hailey kanina. Halatang natuwa talaga at nag-enjoy siya sa birthday party niya. Kaya naman dumiretso ako sa kwarto nagtaka pa ako nang tahimik. Natawa na lang ako nang maabutan ko si Hailey at si Greg na nakatulog na sa kama. Nakapatong pa ang magkabilang paa ni Hailey sa tiyan ng Papa niya. Naawa naman ako dahil alam kong medyo mabigat na rin si Hailey kaya inayos ko siya sa pagkakahiga. Hinalikan ko pa siya sa noo bago nagpasyang matulog na.
Lumipas ang halos limang buwan na laging masaya kami nila Greg at Hailey. Kuntento ako sa kung anong meron kami. Hanggang masaya si Hailey ay wala na akong mahihiling pa. Hanggang sa bigla akong tanungin nang Papa ni Greg.
"Hija I'm sorry but I need to ask this to have my peace of mind." ani Don Grego. Tumango naman ako at halos malaglag ang panga nang marinig ang tanong niya!
"Kelan niyo ba balak magpakasal ni Greg? Lumalaki na si Hailey at gusto kong nakapangalan sa amin ang apo ko hija. Sana maunawaan mo." nakikiusap na sabi ng matanda. Hindi naman ako makasagot dahil wala naman kaming relasyon ni Greg bukod sa may anak siya sa akin ay wala na! Plastik na ngumiti na lang ako at tumango tuwang-tuwa naman si Don Grego na ikinangiwi ko lalo. Nang hapon ding iyon ay dali-dalo kong kinausap si Greg tungkol sa nasabi nang Papa niya.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
RomansaShe thinks divorce is what they really needed but it turns out not. Greg pursued her but when past came back to her memory she started to feel afraid and run away... Will Iris succeed of running away from the father of her child or not?