Chapter Sixteen

0 0 0
                                    

Sixteen


"Grabe! Wala bang pakealam sayo ang kapatid mo? Ni hindi ka man lang tinawagan at sinabihan!" galit na sabi ni Melody. Hanggang ngayon tigagal pa din ako sa nalaman ko. Kung hindi pa pala dahil sa mana hindi ko din malalaman na patay na pala ang parents ko. Hindi ko alam kung paano ko pinirmahan ang papeles na dala ni Ms. Cabreros kanina. Nanlalabo na ang mga mata ko habang pumipirma. Bakit? Bakit hindi ko man lang nalaman na patay na pala sila? Hindi pa ako napapatawad ni Papa. At si Mama hindi man lang niya nasilayan ang apo niya.

"Mabuti pa uminom tayo ngayon. Maaga kong ipapasara ang restaurant ko. Dumiretso tayo sa malapit na bar dito" wika ni Mel at hinila na ako palabas ng restaurant niya. Nagpatianod na lang ako dahil hanggang ngayon lutang pa din at nasasaktan ako sa pagkamatay nila Mama at Papa. At si Louisse? Bakit hindi niya man lang ako sinabihan? Ganun na lang ba ang galit niya sakin?

"Cheers! Eto pa Iris! Bottoms up!" sigaw ni Melody habang tuwang tuwa inaabutan ako ng baso ng alak. Mukhang gusto akong lasingin ng bruha dahil laging puno ang baso ko ng alak. Ininom ko na lang din dahil kahit minsan gusto ko lang maging manhid. Makalimutan lahat ng problema ko. Kahit ngayon lang gusto kong isipin na wala akong problema. Na kahit sa isang saglit maging manhid na lang ako. Umiikot ang paningin ko dahil sa dami ng nainom kong alak. Pupunta akong restroom pero dahil nagkalat ang mga lasing sa bar hindi madaling makapunta sa restroom. Ilang beses akong nabubunggo lalo tuloy akong nahihilo. "Excuse. Excuse me" paulit-ulit kong sabi habang pilit na hinahawi ang mga tao. Lintik! Kung hindi ba naman bingi ang mga to hindi man lang ako naririnig. Sisigaw na sana ako ng may humawak sa beywang ko.

"Iris. Where are you going?" sabi ng malagom na boses. Parang pamilyar ang boses nito. Parang kaboses siya ni Greg.
Tumawa ako at dinuro duro siya.

"Greg.. Ikaw nga! Hahaha ganito pala ang feeling na malasing ano!" sabi ko habang tumatawa!

"Lasing kana. Come on let's go home"

"Go home? Diba hiwalay na tayo? Bat ako sasama sayo?" tatawa-tawa kong sabi. Nasisiraan na ba ng ulo si Greg. Bat niya ako iuuwi? Hay umiikot na talaga ang paningin ko. Tumalikod na ako kay Greg at pinilit na makarating sa restroom.  Naghilamos ako at umihi. Inis na tumingin ako sa reflection ko sa salamin. Bakit ba nagdadalawa na ang paningin ko sa sarili ko. Paglabas ko ay may humila kaagad sa braso ko.

"Ano ba!Sino ka ba?" naiinis kong sigaw. Aba kung makahila sa braso ko akala mo close kami! Tumingin ako dito at kamukha pala ni Greg yung humila sa akin.

"Oy kamukha mo yung asawako hahaha!" tinuro turo ko pa yung mukha niya habang tawa ng tawa.

"Damn! You are really drunk Iris. Let's go I'm taking you home!"



Sapo ang ulong bumangon ako. Shit! Parang binibiyak sa dalawa yung ulo ko!
Masakit ang ulong inilibot ko ang paningin ko. Nasan ba ako? Siguradong wala ako sa kwarto ko ngayon dahil hindi kulay black at white ang interior ng room ko. Masakit pa ang mata ko pero gusto kong malaman kung nasan ba ako? Ano bang nangyari kagabi? Where the hell is Melody?! Kahit medyo hilo pa ay pinilit kong bumangon. Hinanap ko ang cellphone ko at gamit ko. Tinitigan ko pa ang white T-shirt na suot ko. Napakunot pa ang noo ko nang maamoy ang suot kong T-shirt. Shit!

"Good morning wife! How's your head?" nakangising saad ni Greg. What the hell! Lalong sumakit ang ulo ko!

"Come let's eat breakfast first before you freak out again" wika pa nito at iniwan akong tigagal sa kwarto niya. Naligo muna ako at naghanap ng damit ni Greg. Sinuot ko na ang nakita kong t-shirt at pants niya although malaki sya ayos na ayokong suotin ulit yung damit ko kagabi. Naaamoy ko na ang mabangong amoy ng sinangag. Hmm. Bigla yatang kumulo ang tiyan ko dahil sa naamoy. Naabutan ko si Greg na sinasandok ang niluto niyang sinangag at ulam. Oh well hindi na din masama atleast marunong siyang magluto. Tahimik lang kaming kumakain at walang imikan. I guess  it's better if we eat first before talking.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon