The Unexpected [Ch. 6]

846 8 11
                                    

**Chapter 6:

Physics Time na namin. . . . at syempre wahoo! Excited na ako!!!

Alam nyo ba kung bakit? Kasi. . . . .

Matutulog nanaman ako! Hahahahaha!!! Tinatamad ako pagPhysics time na ehh. . . Nakakanosebleed. Haha. Andaming Formulas. Nakakahilo. Agree ba kayo sa akin? :)

"Ms. Santos." Oh, naman kaya kailangan sa akin ng teacher namin?

"Yes Sir?" Lalaki siya, i mean. . . er. . . Halo! Hahahaha!! Pero magaling magturo! Di boring, pero yung subject niya. . . Boring! :|

"Go on the board and answer #1." HUWAAAATTT?!!! Guys, help me!! Remember? Di ako nakikinig dito. Di rin ako nagbasa ng lesson. Ampness.

"Ah. . . Eh. . ."

"Huwag mong sabihing hindi mo alam? Madali lang yan." Anong madali sa Projectile? Free Fall? Momentum? Work? Motion? Velocity? UGH! Kung ano-ano pa.

"A-alam po. . ." Para di ako mapagalitan, sumagot na lang ako sa board. Naku, paano to. . . .

Binuksan ko ung book namin at nakita ko ang isang nakakapandugong problem . . CENTRIFETAL FORCE!! Ano to?

No. 1 : A 400g rock attached to a 1.0m string is whirled in a horizontal circle . . . . blah blah! Tinatamad akong basahin. . . Maghanap na nga lang ako sa book kung paano to. . .

"Mr. Dela Rosa. No. 2."

Oooh.. . Goose Bumps.

"Hi." Napatingin ako sa side ko, at nakita ko siyang nakangiti sa akin at sumasagot na.

"He-hello."

"Oh, bat parang hindi ka maakasagot diyan ha? Eh ang dali-dali lang niyan ehh."

"Che. Alam ko! Huwag mo akong turuan."

"Bahala ka. Kung ayaw mo ng tulong edi huwag."

Ayan kasi, masyado kang Bitter.

-HOY! Di ako Bitter noh! Sino ka ba?

Ako ang iyong konsensya.

-Konsensya? Whatever.

Taray ha! Bahala ka. Sinong pinahirapan mo? Edi sarili mo rin di ba?

Natahan ako dun ha. . . Lunukin ang PRIDE.

'Uhm. . . Ryan."

"Oh?"

"Patulong naman oh. Please? Hehe." Tumingin siya sa akin ng nakakaloko. "Bat ganyan ka makatingin?"

"Akala ko ba you don't need my help huh?"

"Ah. . . Eh.. . Sinabi ko ba yun?"

"Oo naman naku. Ano to, Amnesia? Amnesia?"

"Wateber. Uiy, Patulong na kasi."

"Oh, sige na nga. Pasalamat ka malakas ka sa akin."

"Thank you kasi!"

"Oh, galit ka pa nean ata ehh."

"Hin-hindi noh!! Dali na! Mahuli pa tayo ehh."

"Haha. Okey. Ganito yan kasi. . ." Binasa niya muna ung problem at nagsulat-sulat ng konti sa gilid ko. "Ayun!"

"Oh, ano?"

"Ganito lang yan. . . Di ba nga 400g ung rock?"

"Oh, tapos?"

"Edi iconvert mo muna to kg."

"Ah. . . Okey." Kinonvert ko naman ung sinabi niya. "Oh, ayan. Tapos?"

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon