The Unexpected [Ch.15]

648 6 4
                                    

**Chapter 15

Natapos rin ang game. At ako naman ay naghihintay sa labas ng court. Kakausapin ko na siya! Kaya ko to!

"Pre, ang galing mo kanina ahh. Naka 3 points ka ng sunod sunod. WOW!" Napaligon ako dun sa taong pinupuri nila. Si. . . Kent? Magaling?

Siguro nung umalis ako. Yep, umalis rin ako. Baka panira lang ako sa kanya.

"Sus. Kayo rin naman ehh." Pahumble pa? "HAHAHA!"

"Sige brad, una na kami."

"Sige." Umalis na yung mga kasama niya at siya na lang ang naiwan. Eto na! Pagkakataon ko na ito.

"Kent--"

"RYANN!!" May biglang naghug kay Kent. Sino naman to? "Ryan! You're so great! Ang galing mo. Eto oh towel. Magpunas ka." Yck! Si Casey lang pala. Ang landi talaga. Hello girlfriend here? (Umamin na talaga!)

Napatingin sa akin sila Casey. "Anong ginagawa mo dito babae ka?" WoW! Siya pa ang nagtanong. Eh siya nga ang eepal epal ehh.

"Kakausapin ko lang si Kent. Masama?"

"HAHAHA! Bat mo naman siya kakausapin? Eh halatang ikaw ang naninira ng game niya."

"Aba ang kapal naman ng mukha mo ha. Sino ka naman para dumikit dikit sa kanya na parang linta?"

"Wala. Crush ko lang naman siya ha? Pakealam mo. At leader ako sa fans club niya. Baka ikaw ang dapat kong tanungin? bakit ka ba laging parang alilang susunod sunod sa kanya ha?"

"Alila?! Ha! Ang yabang mo ha. Eh ikaw nga diyan ang mukhang alila ehh. And FYI! I'm his girlfriend!"

"Girlfriend?Wow! Ang galing mo namang mangarap ha? Girlfriend na pinagsasabi mo. Kailan pa magkakagirlfriend si Ryan sa katulad mo ha? Atska that's impossible. Kung girlfriend ka niya, dapat lagi siyang ginaganahan tuwing nanunuod ka. Pero nung nakita ka niya, bigla pumangit ang game. Akala mo hindi ko nakita yun ha."

Awts! Tagos. Tama si Casey may point siya. UGH! Kaya nga ito ehh. Gustong kausapin siya.

"Kung ayaw mong maniwala bat di mo siya tanungin?"

"Sure. Ryan totoo ba yung pinagsasabi-sabi niya?"

~Silence

". . . . " Say yes you moron!

"Ano Ryan?"

"I don't have any girlfriend."

WHAT?! TT___TT

"What? How--"

"AHAHAHAHA! Matulog ka na lang at managinip na kayo ni Ryan. Cause he'll never be yours!"

"Hindi totoo yan. Ikaw mismo ang nagsabi sa akin Kent!! Ano bang nangyayari sayo ha?" Hinila niya ako palayo sa kay Casey.

"Huwag kang susunod." Napakacold ng pagkakasabi niya. Ano ba problema nito? May dalaw ba siya? UGH!

Napadpad kami sa isang ewan na lugar. Hindi ko alam kung nasaan kami. Pero part pa rin ng school. Hindi naman kasi ako ganu na pumapasyal pasyal sa school.

Binitawan na rin niya ako agad. Nakayuko pa rin siya. Ano bang Problema nito.

~Silence

Ano ba yan sobrang tahimik. Nkakangawit pa. Makaupo nga. Maganda dito sa lugar na napuntahan namin. Grassy siya. May mga flowers din na magaganda. arang garden. Pero hindi ko talaga kunggarden siya. Kasi napapalibutan ng maraming puno.

"ano bangnangyayari sayo Kent?"

Nakayuko pa rin siya. At umupo sa tabi ko.

"Nothing."

"Nothing? Pagkatapos mo akong ideny deny ha? Sa harap pa ng babaeng yun!"

"Sorry." Ano ba yan! Puro one word lang ang nasasabi niya. Nakakapikon.

"Kung ayaw mung sabihin, edi magkalimutan na lang tayo. Nakakapikon na ehh. Sasabihin mo sa akin girlfriend mo ako, pero idedeny mo sa iba. Ano bang problema mo ha? Nakakainis! Sobra! Bat di mo sabihin. Alam mo, kahit fake yung naging relationship natin. . . . nagkaroon ng something dito." Sbay turo ko sa heart ko. "Pero minsan sinasabi rin nito" Sbay turo ko naman sa ulo ko. "na dapat hindi mangyari yun. Kasi. . .  kasi. . . UGH! Wala ring kwenta yun! Yun ang masama sa akin. Agad-agad na may nararamdaman ako sa taong nagiging malapit ako. Nakakainis! Ngayon alam mo na ang nararamdaman ko. Simula ngayon, i'll forget everything about you! ayokong ikimkim tong nararamdaman ko habang buhay. Di ako ganun. Agad-agad kong sinasabi. Hmp. Ang masama nga lang, kung mapahiya ako. But still I don't care. Oh siya, mauna na ako. Magsisimula na ang laban namin. Goodbye." Tumayo na ako at umalis.

Ang sakit kaya nun! yung mapahiya ka. Nagsasabi ka ng totoo pero magiging wala ring kwenta. Magiging nakakahiya ka dahil sa katotohanan.

Pagkalabas ko dun sa mga puno. Napansin kong malapit lang pala to sa building namin. Actually salikod lang niya. Pero halatang di nakikita.

Dumiretso na ako sa court. Siguro nagiisip kayo kung umiyak ba ako oh hindi. Actually, hindi ako umiiyak ng basta basta. Hindi mo ako makikitang umiiyak dahil ganun. Minsan lang akong umiyak, siguro last time akong umiyak noong. . . . uhm. Namatay yung aso ko? hahaha! Yep, honestly.

"Lee! saan ka nanggaling? Magstart na niyan yung game niyo!"

"Huh? ah. Eh. Wala. Basta. May pinuntahan lang ako."

"Okey, okey. Dali na."

~~PRRTT!!~~

Pagkadating ko, eksaktong magsisimula na yung game. Kaya agad akong pumwesto.

~~BAAGG!!~~

Nagsimula na ang laban. Ang mata ko nasa game. Pero ang utak ko, nasa. . . 

Kanya. 

"Ashley!"

"Huh?!"

~~BOINK!~~

"Ouch!"

"Ashley, okey ka lang?"

"Ah. . . Oo." sinubukan kong tumayo sa pagkakaupo ko pero. . .  Nahihilo ako.

Nahihilo ako.

Nahihilo.

Hilong hilo.

And it went black.

X-X-X-X-X

"Come with me."

"Who are you?" Nakita ko nanaman si Cloak man. Ganun pa rin, walang mukha. Nakatakip kasi yung face niya.

"Come with me." Hinawakan na niya yung kamay ko. At hinihila papunta sa isang madilim na lugar.

"Let me go!!!"

"AAAAHHHHHH!!!" Tumingin tingin ako sa paligid. Nasa Clinic ako? Sino naman ang nagdala sa akin dito?

"Gising ka na pala." Tumingin ako sa may Nurse's table. Wala si Nurse. Ang nakita ko lang ay si. . .

"Kent? Anong ginagawa mo dito?"

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon