The Unexpected [Ch. 30]

553 5 3
                                    

**Chapter 30

[Ashley's POV]

Hi-hindi to pwede! Bakit ganon? Feel ko naman kasi mahal niya talaga ako..

-Masyado ka kasing mafeeling ehh.. Tignan mo, lumayas na tuloy si Fafa Ryan.. Amp.

"Ashley, anong ginawa mo kay Ryan.. Bakit, bakit mo--"

"AShley, bat mo ginawa yun. KAmi na nga tong tumutulong sa iyo ehh.. Bat ka ba ganyan."

"I'm sorry Lou."

"No, hindi ka dapat sa akin magsorry.. Kay Ryan.. Okey? Bhez, hindi ka ba naniniwala sa kanya?" Umiling iling ako.. "So it means, di ka rn naniniwala sa amin?"

"Hindi naman sa--"

"Lee, nakta namin lahat. As in LAHAT LAHAT. Narinig rin namin ang mga pinag-usapan nila. Alam mo ba.. Si Ryan lahat ang gumawa nito para--"

"Para magbreak kami ni Josh, ganun ba?"

"Ha? Anong pinagsasabi mo? Ang gusto lang naman sabihin ni Lou ehh, ginawa lahat yun ni Ryan para sa iyo. FOR YOUR SAKE. Gusto niyang tumulong."

"Sinasabi mo lang yan kasi bestfriend mo siya Sean.."

"Of course not!!! Bahala ka. Tsk. Sayang lang pala effort natin ehh.. Dapat di na natin siya tinulungan. Ganito ba talaga magthank you tong bestfriend mo Lou? Di naman siya ganito dati ahh.. Tara na nga.. Bahala ka Ashley, sige. Paniwalaan mo yang si Joshua.." Umalis na nun silang dalawa at naiwan akong-- Umiiyak.

~Lunch

Nauna ng lumabas ng room sila.. Iniwan talag nila ako.. :( 

"PRINCESS!" Nagulat naman ako, at bigla akong niyakap ni Josh. Aw.

"hey.."

"Matamlay ka ata? Tara kain na tayo.."

Pumunta na kami sa cafeteria, at nakita namin silang tatlo.. andon sa usual seats nila. Kasama rin yung ibang kaibigan nila Sean. "Tara na, bumili na ako ng food para rin sa iyo." Pumunta nman na kami sa table nila Lou. Naku.. Naku.. :((

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon