The Unexpected [Ch. 46]

518 7 4
                                    

**Chapter 46

"Ano na po ang kalagayan niya?"

"Okey na ho siya. Nabangungot lang naman ho siya." Nabangungot? Sino? "Paggising na ho siya pwede na siyang umuwi."

"Thanks Doc." Ma? Pa? Asan ako? Bat hindi ako makakita?

"Anak.. Palakas ka ha. Ano ba yan. Bat ka nabangungot. Hayy.." Ma? Ako? Nabangungot? Ha? MA!

"Dave, bili lang kami ng makakain ng Papa mo. Bantayan mo si Gayle ha?"

"Sige po." Narinig kong sumara ung pinto. Kuya? KUYA!!!

"Lee.. Ano bang nangyari? Narinig na lang kitang sumsisigaw kanina." KUYA! KUYA! May gustong kumuha sa akin. T___T KUYA! Naririnig mo ba ako?

"May naging problema ba kayo ni Ryan?" Ryan? Wala Kuya. Bati na kami. Kuya, naririnig mo ba ako?

"Hayy.. Gumising ka na please? Natatakot na kami! Sana maya-maya gising ka na. Promise ko talaga! Susunod na ako sa mga suggestions mo! Please lang? Magiging the best brother ako! Peomise. Please Lee." Kuya? Kuya! Natatakot din ako. Natatakot ako dun sa humihila sa akin. Kuya, naririnig mo ba ako? Tulungan mo ako!

"Lee?!! naririnig mo ako?! OMG! Gumising ka nga! bat ka umiiyak?" Umiiyak na pala ako. Hindi ko namalayan. Hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Siguro dala na rin to ng pagod. Naramdaman kong pinunasan ni Kuya ang mga luha ko.

The UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon