Simula

3.3K 60 2
                                    


—Simula —

"She's bleeding," sambit ng pulis na isa sa mga nag-escort kay Minnie papuntang korte. Agad na binuhat ni Riley ang walang malay na si Minnie nang mapatayo si Mrs. Valderama na bakas ang pagkabigla. Sa tingin pa lamang nito kay Minnie ay alam na niya ang dahilan ng kanyang pagdurugo.

Mabilis na dinala ni Riley si Minnie sa ospital at agad na sinuri ng doctor. Hindi alam ni Riley ang gagawin kaya sinubukan nitong kontakin si Uno sa mga numerong ginamit nito noon pero unattended pa rin ang lahat. Maging si Riley ay hindi alam ang kinaroroonan ni Uno at kung ano na ba ang nangyari dito.

Matapos ang ilang minutong subok ay minabuti na muna niyang balikan si Minnie para alamin ang lagay. Nahinto siya at nakiramdam nang may marinig na ingay sa loob ng kuwarto.

"What? Tell me, is she pregnant?" tinig ni Mrs. Valderama. Hinawakan niya ang doorknob at nakinig nang mabuti.

"Yes, Madame, she is." Nahugot ni Mrs. Valderama ang kanyang hininga at kinalma ang sarili dahil sa sinagot ng doctor.

"She can't be," sambit nito. Lumabas ang doctor at binigyang daan naman siya ni Riley, na nanatili sa pintuan at nakinig sa usapan sa loob.

"Maaari kayang si Calixtro ang ama ng dinadala niya?" tanong ni Cortez at matagal na nag-isip ang ginang.

"No. Hindi maaari. Hindi ko pa nade-despatsa ang sampid na 'yon. Hindi ako papayag na may panibago na naman akong po-problemahin. Hindi dapat isilang ang batang 'yan," pigil ang galit na sabi ni Mrs. Valderama.

"Pero paano kung hindi pala anak ni Calixtro 'yan?" tanong ni Cortez.

"Kung hindi ang bastardong 'yon ang ama, sino?" Itinulak ni Riley ang pinto para ilantad ang sarili.

"Ako...ako ang ama ng ipinagbubuntis ni Minnie," saad ni Riley. Saglit na natigilan si Mrs. Valderama hanggang sa marahan siyang tumawa.

"And you want me to believe that? Uno was head over heels with that woman. There's a bigger possibility that Uno is the father of her child," she scoffs.

"Paniwalaan mo na lang ang mga sinasabi ko, Mrs. Valderama. I am the father of the child. Uno doesn't love Minnie. He's just taking all the responsibility sa pagkamatay ng mga magulang ni Minnie kaya niya ito tinutulungan." Mrs. Valderama gritted his teeth out of anger.

"Attorney Quizon—"

"Tungkol sa mga naiwang ari-arian ng 'yong asawa..." pag-iiba ni Riley sa usapan. "Alam mo kung kanino mapupunta ang hundred percent ng properties niya—sa nag-iisa niyang anak. Bukod pa ang magiging parte ni Uno sa shares sa company ninyo na stated as conjugal. You and congressman both have 25 percent shares, 50 percent in total. Oras na tuluyang mapunta kay Uno ang shares ay mahahati ang percentage kaya hindi na kayo ang majority shareholder ng Valderama group of companies,"

"That can't be! Hindi puwedeng mapunta sa iba ang control sa kompanyang pinaghirapan ko!"

"If that's the case, you need to find Uno. Kung buhay pa siya, better. But if he's dead, lahat ng mana niya ay mapupunta sa charities na napili ni Congressman."

"What?"

"Yes, Mrs. Valderama. Kaya hindi mo puwedeng i-despatsa ang anak ni Congressman. Once he was declared dead, every cents will automatically be transferred to different charities,"

"Hindi puwede!" protesta niya.

"Alam kong maraming nagkaka-interes sa posisyon ninyo sa kompanya bilang CEO, na madaling makukuha ng may mas malaking share. But... I can give you time to find ways kung paano mapapanatili sa iyo ang control sa kompanya."

"You'll give me time?"

"Yes. Based on my sources, Mrs. Montillano, ang babaeng kaagaw mo sa lahat ng bagay ay may 30 percent share sa company. Mas malaki sa 25 percent na mayroon ka... Puwede mong mas palakihin ang shares mo sa company at bilhin ang shares ng iba pang shareholders, para just in case na makuha ni Uno ang sa kanya, hindi maaapektuhan ang pagiging majority shareholder mo."

"Gagawin mo 'yon? Ang bigyan ako ng oras?" Tumango si Riley at ngumisi.

"But here's the catch," sabi niya at napataas ang kilay ni Mrs. Valderama.

"I should have known better that you won't help me for free and needed something in return."

"I'll give you time na palakihin ang share mo...kapalit ng kalayaan ni Minnie," sabi ni Riley na tila wala nang ibang pagpipilian ang ginang.

"Gusto mong palayain ko ang kriminal na 'yon?" natatawang tanong ni Mrs. Valderama.

"We both know that she isn't," seryosong giit ni Riley. "Take it or leave it. Alam ko rin namang nagdududa ka pa rin na ako ang ama ng ipinagbubuntis ni Minnie. Pero huwag kang mag-alala, oras na makalaya siya, ilalayo ko siya at ang magiging anak namin,"

"Attorney Quizon, hindi—" Itinaas ng ginang ang kamay para putulin si Cortez sa pangingialam nito.

"I'll take your offer. Kalayaan ni Aguirre, kapalit ng oras at paglayo ninyo."

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon