Chapter 30

817 33 0
                                    

Chapter 30

— Minnie —

Ilang linggo rin ang lumipas nang si Uno ang nakakasama ko tuwing Biyernes sa mga yoga session ko. It was all Riley's fault. Inamin sa akin ni Riley na nakiusap si Uno na babawi dahil sa pag-iwan niya sa akin noong unang beses. True enough, hindi na ulit nangyari iyon. Alas-tres ako sinusundo ni Uno at nagagawa na rin niya akong ihatid.

And today is Friday, kaya aasahan ko ang pagdating ni Uno. I was having a lunch in my own office here in Montillano's. Napasandal ako sa aking swivel chair dahil sa labis na kabusugan. Hinimas ko ang aking tiyan. Napangiti ako nang madama ko ang kalakihan nito. Limang buwan na rin ang tiyan ko at ipinagpapasalamat ko ang pagiging healthy ng pregnancy ko. Hindi ko kinakaligtaan ang lahat ng appointment ko sa aking OB.

Matapos kong kumain ay nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Tita. Seryoso ang kanyang mukha.

"Tita..." I sipped on my iced tea at tumayo para humalik sa kanya.

"Minnie, darling, alas-singko pa naman ang yoga session mo, ’di ba?" tanong ni Tita.

"Po? Opo, may iuutos po ba kayo?" I asked at tumango siya. Bumalik ako sa swivel chair at hinarap si Tita na ngayon ay nakaupo na sa tapat ng aking desk.

"Oo sana. May pupuntahan dapat akong program, kaya lang ay biglang sumama ang pakiramdam ko. Isa ako sa guest speakers at gusto ko sanang ikaw ang pumunta? May inihanda na akong speech, you just have to read it." Tumango ako. Kaya pala hindi maipinta ang mukha ni Tita ay dahil masama ang pakiramdam niya.

"Walang problema, Tita. Saan po ba?" Sinimulan kong ayusin ang mga papeles na nagkalat sa ibabaw ng aking table.

"Serezo Penitentiary." Natigilan ako sa aking ginagawa nang banggitin iyon ni Tita. Ngumiti siya at tumango. Alam niyang doon ako nakulong. "Alas-una ang start ng program, puwede ka nang umuwi ng alas-tres for your yoga," she says. I smiled at tumango.

Nagpaalam na si Tita kaya tinawagan ko na si Riley. Usually ay sa isang resto malapit sa opisina ako sinusundo ni Uno. Kaya ipinasuyo ko kay Riley na sabihin sa kanya na sa isang resto malapit sa Serezo niya ako sunduin mamayang alas-tres. Hindi puwedeng mismo sa Serezo niya ako dadaanan. Baka may makakita sa kanya.

I texted my driver para sabihing maghanda na siya sa pag-alis namin. Sa biyahe ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Babalikan ko ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Ilang buwan din akong hindi nakatapak sa lugar na iyon. Kabisado ko pa ba ang mga taong naroon? May mga nakalaya ba? May mga bagong salta ba? I'm eager to know the answers. Pero nangangamba pa rin ako sa mga alaalang maaaring magbalik.

"Miss Minnie, narito na tayo," sabi ng driver at saka lamang ako nahinto sa kakaisip. May mga nakahilerang sasakyan na sa tingin ko’y pag-aari ng mga bisita sa sinasabing program. Pagbaba ko pa lamang ng sasakyan ay may sumalubong na sa akin.

"Good afternoon, Miss—" Nahinto ang hepe sa tangkang pagpapakilala sa akin. Nagulat siya nang makilala ako.

"Magandang hapon, hepe..." I smirk at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Isang pulis ang bumati rin sa akin na bago sa paningin. Bago yata ito rito sa Serezo.

"I'm PO3 Mariano, police escort ninyo rito sa Serezo," pakilala niya at kinamayan ako. I nodded and he leads the way.

Pagpasok ko pa lamang ay kakaiba na ang aking naramdaman. Serezo Penitentiary feels like home. Ang pagbabalik ko rito ay mas komportable kaysa sa mansyon. Napaaga yata ako at iilan pa lamang ang bisita sa venue. Nakaupo ako sa unahan at unti-unting pinupuno ng preso ang mga bakanteng upuan. Lahat yata ay kasali sa program.

"Minnie!" Nabigla ako nang marinig ang pamilyar na tinig ni Donna. Nilingon ko siya at kasama niyang papalabas ng women's building ang mga dati kong kasama sa selda. Napangiti ako nang tumakbo sila palapit sa akin. Tumayo ako at hinintay ang paglapit nila. I didn't even realize that I miss them badly.

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon