Chapter 39

951 42 4
                                    

Chapter 39

— Minnie —

Right after the ceremony ay sa reception kami tumuloy, na dito lang din ginanap sa loob ng resort. Kaliwa't kanan ang naging pagbati sa amin ni Uno ng iilang bisita.

"Everyone..." Tumayo si Tita na hawak ang isang kopitang may red wine. "I would like to propose a toast for our newly weds..."

Tumayo rin si Boss at nagsalita. "Sa dami ng pinagdaanan ng dalawang batang ’to, ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na hindi mangyayari ang araw na ’to. Noon pa man, alam kong sila ang magkakatuluyan. Why? Dahil kilalang-kilala ko na si Juancho..." Tumawa si Uno at hindi ko napigilan ang pagngisi.

"The way he said, ‘kayo na po muna ang bahala sa batang babae’, alam kong may balak siyang balikan ang batang Minnie noon. Ngunit dahil kinakailangan siyang ilayo ng kanyang ina, hindi na niya nagawa pang bumalik. But love moves in mysterious way. They met again in the most unexpected way. Sa Serezo Penitentiary. Alam kong doon nakakulong si Juancho, at nang malaman kong doon ikukulong si Minnie...Sa mga oras na ’yon pa lang, alam kong hindi na niya pakakawalan ang batang inihabilin niya sa amin noon."

Hindi mawala ang mga ngiti ko habang nakikinig sa sinasabi ni Boss. Nilingon ko si Uno at natatawa niya akong nilingon. Napailing-iling siya dahil sa ibinuko ni Boss.

"It was really a love at first sight, huh?" natatawa kong bulong sa kanya.

"Sanay akong ma-love at first sight. Tatlong beses na nga akong na-love at first sight, e..." Napakunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. "I have loved you since that tragic night. I saw a little girl's face soaking in tears," he says at bumalik ang alaala noong unang beses kaming nagkita ni Uno. I was helplessly crying for help that night. "Second, when you entered Serezo. Third, noong nakita ko ang isang babae na nagmamadaling lumabas ng room noong ipinakilala ako bilang CEO."

He saw me that day?

Tumayo si Uno at naghandang dugtungan ang mga sinabi nina Tita at Boss Simeon. Tiningala ko siya.

"We met when were young. I was twelve and she was six. I never thought that my heart would scream love for a girl who's half of my age..." Nakarinig ako ng mahihinang pagtawa. He grasp my hand at iginiya patayo. Itinaas niya ang kabilang kamay na may hawak na kopita. "I would like to propose a toast for the girl I love the most. Para sa babae na siyang naging sagot sa lahat ng aking panalangin."

Everyone lifts their wine glasses for a toast. Uno gulps on his glass then reach my lips with his. Nalasahan ko ang wine na dumikit sa kanyang labi. I smiled and hug him.

I couldn't ask for more. He's all I want.

Lumipas ang mga araw namin ni Uno rito sa Ilocos. Everything went smooth. I am pregnant pero para kaming nasa honeymoon ni Uno. Madalas kami sa beach at doon nagre-relax. Malaking tulong ang pagkakaroon ko ng peaceful mind sa pregnancy ko.

Sinusulit na rin namin ang mga araw dahil oras na matapos ang holiday ay babalik na siya sa Manila para asikasuhin ang kasong isinampa kay Mrs. Valderama.

"Tumawag si General. Nahuli na si Cortez sa kapangyarihan ng warrant of arrest," sabi ni Uno habang inihahanda namin ang hapag para sa media noche. I still couldn't believe na magkakasama naming sasalubungin ang bagong taon.

"Mabuti naman. E ’yong kaso ni Valderama?"

"Mukhang kakailanganing bumalik ni Minnie ng Manila. Kakailanganin ang presence niya sa mga nakatakdang trial."

"Isn't that dangerous?"

"’Yon nga rin ang nasa isip ko, Madame. Kaya gusto kong ipagpaliban muna ang kaso. Kaya lang ay kailangan na talaga si Minnie. Kung hindi ay hindi magiging suspect si Valderama. Puwede siyang magpiyansa."

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon