Chapter 37

968 39 0
                                    

Chapter 37

— Minnie —

Katulad ng ipinangako ko kay Uno, hindi na ako muli pang naghanap ng anumang impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa Manila. Madalas naman pa rin kaming magka-usap pero hindi talaga niya binabanggit ang tungkol sa mga nangyayari.

Hindi na rin ako nagtatanong. Tita Mirasol left two days ago kaya kami na lang ulit ni Francine ang naiwan sa mansyon. Sampung araw na lang ay pasko na pero wala pa ring nasasabi si Uno tungkol sa pagbalik niya rito. Could he make it?

"Nagkausap kayo ni Uno?" tanong ni Francine nang hatiran kami ng meryenda ng kasambahay. Narito kami sa garden na abala sa laptop.

"Oo. Pero hindi tungkol sa... alam mo na." Tumango siya at sumimsim sa pineapple juice na nasa harap.

"I don't know kung nasabi niya ’to, pero nakausap ko si Tita Mirasol kanina. May press-con daw mamaya sa Valderama building. Isa sa babanggitin niya ay ang tungkol sa pagpatay kay Congressman?" Natigilan ako.

Gagawin na ni Uno? Isasapubliko na niya ang krimeng ginawa ni Mrs. Valderama? Handa na ba kami? Handa na ba ang mga ebidensya?

"Mamaya? Anong oras daw?"

"Four? He bought an airtime sa isang malaking network para mag-cover nang live ng buong press-con." Hindi ko mawari ang halagang inilabas ni Uno para sa press-con na ’to. He really wants the world to know. "Manonood ka ba?"

"Yes. I have an involvement there. So dapat lang siguro na mapanood ko iyon." Tumango si Francine at nagpahayag na sasamahan niya akong manood. Mag-a-alas kuwatro na rin naman kaya minabuti na naming pumasok sa mansyon.

Sa sala ay magkatabi kaming nanood ni Francine at hinintay ang pag-air ng mismong press-con. Ilang sandali lang ay ang malaking kuwarto na ang nasa screen kung saan unti-unting napupuno ng press ang mga upuan. Dito noon ipinakilala si Uno bilang bagong CEO.

Sunod-sunod ang flash ng camera nang pumasok si Mrs. Valderama. Umakyat siya sa maliit na platform at naupo sa nakatalagang upuan niya sa may gitna. Ilang minuto lang ang pagitan ay sunod na pumasok si Tita Mirasol. Umakyat din siya sa platform at umupo malapit kay Mrs. Valderama. May isang bakanteng upuan sa pagitan nila na siyang marahil uupuan ni Uno.

Ilang minuto ang nagdaan nang pumasok si Uno kasunod ang tatlong bodyguards. Bumati lang siya sa dalawang ginang at naupo na sa gitna nila.

"Maraming salamat sa pagpunta ngayong araw," panimula ni Uno. "This will be last time na sasagutin namin ang lahat ng issue tungkol sa V group of companies."

May ilan ding sinabi sina Tita at Anastasia bago nila in-entertain ang mga tanong na binabato ng press.

"Totoo bang iiwan mo ang kompanya dahil sa babae?" Napangiwi ako sa unang tanong.

"Yes." Ni hindi nanginig ang boses niya.

"Ang iyong nobyang si Miss Rizza—"

"No. It's not her. Bago ako mawalan ng alaala, may iba nang babae sa buhay ko." Napuno ng bulungan ang buong kuwartong iyon dahil sa pag-uusap ng mga press. Nabakas naman kay Mrs. Valderama ang pagkataranta.

"Mawalan ng alaala? You mean...amnesia?" paglilinaw ng isang press.

"Yes. More than four months ago, I got into car accident. Na-coma ng ilang linggo. Hanggang sa magkamalay nang walang alaala. My so-called mother brought me to America..."

"Dinala ka sa Amerika? Pero ang sabi noon ng mag-asawang Valderama na nasa Amerika ang anak nila. Paano ka dadalhin sa Amerika kung nasa Amerika ka naman talaga?"

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon