Chapter 26
— Minnie —
Sa paglalakad pa lamang nila rito ay nagtama na ang paningin namin ni Rizza. Bahagya pang napaawang ang kanyang bibig ngunit hindi niya magawang huminto dahil malalaki ang hakbang nito at pinipilit niyang makasabay. Kitang-kita ang pagkataranta sa kanyang mukha at mas lalong nadagdagan nang ma-realize na ang table na kinauupuan ko ang tinatahak ng sinusundan nilang si Kennedy.
"Mom," bati niya kay Tita at hinalikan ito sa buhok. Tumayo ako at nakipag-beso kay Ken. Nakita ko rin ang pagkabigla kay Uno nang makita ako. Bumalik ako sa pagkakaupo at binalingan si Rizza. Magkahalong inis at taranta ang nasa kanyang mga mata.
"Hey, ladies, this is my friend, Juancho Valderama. Nai-kuwento ko na siya sa iyo, mom, right? The friend I met in America," sabi ni Kennedy at tumango si Tita. Siya nga marahil ang kaibigan ni Kennedy na ayaw ni Tita. Now I know why. Dahil sa apelyidong dinadala ni Uno.
"Good afternoon, Madame," he greets her politely and extends his arm. Maging ang atensyon ni Rizza ay naagaw ni Tita at tinignan ito nang may paggalang. Just to be polite, Tita stood up and take Uno's hand.
"Pleasure," sabi lamang ni Tita.
"And by the way, this is Rizza...Juancho's girlfriend." Nalaglag ang panga ko sa pagpapakilala ni Kennedy kay Rizza. I look at her, and this time, nagawa nang salubungin ni Rizza ang tingin ko. Like the eyes she has on me in the prison. Binalingan niyang muli si Tita Mirasol at nag-offer ng kamay.
"Magandang tanghali po, Madame, it was really an honor to meet the respected Mirasol Montillano." Ngumiti lamang si Tita at tinanggap ang pakikipag-kamay.
"This is Minnie. I assumed Mr. Valderama met her already? She's my representative in the corporation hangga’t hindi pa rin ako pinapayagan ng feeling doctor kong anak na humawak ng maraming trabaho," biro ni Tita at naupo na sila.
"Mom, sa toy industry pa lang ay na-i-stress na kayo. Let Minnie handle everything in Valderama's. Alam kong kayang-kaya niya ’yan." Kennedy poked me on my cheeks kaya natawa ako. I was about to scold him pero nadaanan ng tingin ko si Uno. He saw it kaya nakataas ang kilay niya. Magkatabi sila ni Rizza sa isang side ng table at kaming tatlo naman ni Tita at Ken sa tapat nila. Nasa gitna ako ng mag-ina.
"Can we order?" inip na tanong ni Uno at napaayos ng upo si Kennedy na tila nakalimutan na niya ang um-order.
"Oo nga pala. Sorry." Sumenyas siya sa waiter at sinabi naman ang kanilang order. "Ikaw, Minnie? May gusto ka pa?" tanong niya at in-offer sa akin ang menu pero umiling ako.
"I'm fine," I said.
"Sa lahat ng buntis, ikaw ang mahinang kumain," sabi ni Kennedy kaya natawa ako.
"Mahinang kumain? Ang dami ko na ngang nakain," natatawang sabi ko.
"She even ate my pasta," kunwari ay pabulong ni Tita kay Kennedy na ako ang mas pinaka-nakarinig dahil ako ang katabi ni Tita. Hindi ko mapigilan ang mapahalakhak dahil sa hiya. Bago kasi dumating sina Kennedy ay hindi ko namalayang nagalaw ko ang pasta ni Tita.
"You're pregnant?" Natigilan ako nang marinig ang tanong ni Rizza. I almost forgot about her presence. At bakas na bakas sa mga mata niya ang pagkabigla. She should be. Alam kong may isang lalaki ang agad niyang paghihinalaang ama pero siyempre, itatanggi ko iyon.
"Yea," tipid kong sagot at hindi ipinahalata ang pagkataranta ko. Nakikita kong marami siyang gustong itanong na hindi niya magawa sa harap ni Uno. And that's the last thing I want her to do. To ask about my pregnancy in front of Uno. Wala man siyang alam, hindi ako magiging komportableng sumagot kapag kaharap siya.
BINABASA MO ANG
Quandary [Second Half]
Romance"Right or wrong? Yes or no? Your want or your need? Love or money? Life or death?"