Chapter 33
— Minnie —
"Francine..." Sinubukan kong lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang saloobin niya and I wanna hear her sentiments. Maiintindihan ko ang magiging galit niya sa akin kung sumbatan man niya ako.
"Miss Minnie..." I was caught off guard when she hugs me. Mahigpit ang yakap niya sa akin. Tila nakahanap siya ng kakampi. Unti-unting nadurog ang puso ko at hinagod ko ang kanyang likuran. She keeps on sniffing kaya batid kong bumalik siya sa pag-iyak.
"I'm sorry kung wala akong nagawa," sa wakas ay nasabi ko. Bumitiw siya sa yakap at umiling.
"Wala kang kasalanan..." she says.
"I promise to give him justice." Wala akong ibang magagawa para mapagaan ang loob niya kundi ang siguraduhing mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Riley.
"’Yan din ang gagawin ko. Pero ikaw, wala kang kasalanan. I know how dear you are with Riley." She smiles. Ngunit namumula pa rin ang kanyang ilong dahil katatahan pa lamang niya.
"I'm sorry, hindi ko alam na may relasyon kayo," nahihiya kong sabi. Natawa si Francine sa sinabi ko at umiling.
"We don't have commitments, we just had this sort of mutual understanding. I never knew na may...alam mo na, mabubuo," she says. I smiled at her. Muli kong niyakap si Francine. With Riley's child in her womb, hinding-hindi ko pababayaan ang babaeng ’to. Sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako kay Riley.
"Babalik ka pa ba sa Valderama's?" tanong ko nang malalim na ang gabi at mangilan-ngilan na lang ang bisitang nakikiramay.
"Hindi na. Maghahanap ako ng bagong trabaho pagkalibing ni Riley," sabi niya at tumango ako.
"I'm leaving, Francine. Kung gusto mo, sumama ka na lang sa akin sa Ilocos. Hindi sa tinatakot kita, pero delikado si Anastasia Valderama. At least in Ilocos, maraming magbabantay sa iyo."
"Naisip ko na rin ’yan, Miss Minnie. Pero wala akong sapat na halaga para makapagsimula ng bagong buhay sa malayo."
"Ako na ang bahala. Puwede kang magtrabaho sa Montillano's, huwag mo na rin problemahin ang tutuluyan mo dahil may mansyon doon," I said.
"Hindi ba nakakahiya kay Madame Mirasol?"
"Mabait si Tita, ako na ang bahala sa kanya." Tumango si Francine at nahihiyang ngumiti. I'm really determined na isama siya dahil alam kong mapapanatag si Riley at hindi na niya aalalahanin pa ang kanyang mag-ina.
Mabilis lang lumipas ang araw at naihatid na si Riley sa kanyang huling hantungan. Francine cried really hard. She even passed out. Maaaring wala silang naging relasyon ni Riley, pero sa luhang ibinuhos niya ay alam kong minahal niya ang aking kaibigan. I'm sure Riley feels the same way.
Nakakapanghinayang lang.
Patuloy na tinatahan ni Tita si Francine sa tapat ng puntod ni Riley kaya minabuti kong ako na ang humarap sa mga nagpapaalam na bisita. Lahat sila ay nag-uuwian na at paulit-ulit akong nagpapasalamat sa kanilang pakikiramay.
Tinapik ako ni Kennedy sa braso nang maubos ang mga nakipaglibing. He once told me na malabong makapunta si Uno sa burol ni Riley dahil nasa ospital pa rin ito. I smiled at Ken at binalikan sina Francine. She now looks calm at may suot nang sunglasses.
"Ngayon ang punta mong Ilocos, ’di ba?" tanong ni Francine.
"Oo. Gusto kong i-move para masamahan ka—"
"Ayos lang ako, Minnie. Susunod naman ako agad pagtapos ng pa-siyam ni Riley. You can go now. Mas magtagal ka rito, mas delikado." Nagkatinginan kami ni Tita at tumango siya.
BINABASA MO ANG
Quandary [Second Half]
Romance"Right or wrong? Yes or no? Your want or your need? Love or money? Life or death?"