Chapter 23

849 30 0
                                    

Chapter 23

— Minnie —

I stare at the mirror. I sighed when I see what reflection I have. Kahit ako, hindi ko na makilala ang sarili ko. Black dress pants, black pumps, white button down shirt and a coat. Napakalayo ng pananamit ko noon sa pananamit ko ngayon.

Pero mas gusto ko ang Minnie na nakikita ko ngayon. I touch my belly para maramdaman ang nag-iisang dahilan kung bakit ko ’to ginagawa. Kung bakit ako nagsusumikap. Dahil sa batang narito. Wala siyang ibang makakapitan kundi ako.

I get my handbag at bumaba na upang putulin ang sarili ko na isipin ang mga nangyari. As much as possible, ayokong balikan ang nakaraan. I need to move forward. At magagawa ko lang ito kung wala akong iniintindi sa nakaraan.

Sa mesa ay naroon na si Tita Mirasol at nagsisimula nang kumain. Humalik ako sa kanyang pisngi at ipinaghain ako ni Yaya Soledad.

"Hawak ko na ang contract, Tita." Tumango si Tita at sumimsim ng hot chocolate. "Pero okay lang po ba na sila ang magiging supplier natin?"

"Yes. Maganda rin naman ang quality ng produkto nila. Don't worry, you did a great job." Nagpasalamat ako kay Tita sa kanyang mga papuri. Pero sa ngayon ay kailangan muna naming ma-i-close ang deal sa Santos Enterprises nang mabili na ni Tita sa share nito sa corporation.

Matapos mag-almusal ay tumayo na kami ni Tita.

"We need to book a grab. Naka-off ang driver mo, ang driver ko naman ay may family emergen—"

"And where these beautiful ladies are going?" Napahinto kami ni Tita nang habang naglalakad palabas ng mansyon ay bumulaga sa pintuan si Kennedy—Tita’s son.

"Hey, son..." Sinalubong niya ang anak at mahigpit na niyakap.

"Mom..." natatawang reklamo ni Kennedy at inakbayan ang ina. "Mom, one week lang akong nawala," sabi nito at nilapitan naman ako para makipagbeso.

"Kumusta?" bati ko.

"Good. What now? Are you taking my offer? I'll give you a ride... for free," ulit niya sa amin ni Tita Mirasol. We took his offer para makaalis na rin at hindi ma-late sa meeting with Mr. Santos.

The deal got closed. Kitang-kita kay Tita Mirasol ang contentment nang makalabas si Mr. Santos ng function room. Masaya ako dahil nakuha ni Tita ang gusto niya. She now owns 35% shares in one of the biggest corporations.

"Are you ladies free today?" tanong ni Kennedy habang papalabas kami ng restaurant.

"I'm not, darling. May mga aasikasuhin ako sa opisina. Why?" tanong ni Tita Mirasol.

"Opisina? It's Saturday, Mom. Have a break," sabi nito pero umiling si Tita at tinapik lang sa mukha si Kennedy. "Plano ko pa naman kayong imbitahan sa exhibit ng kaibigan ko," sabi nito.

"Sorry, son. You can invite Minnie. She needs that," sabi ni Tita pero umiling ako.

"Naku, hindi na po, Tita, baka kailanganin po ninyo ako sa opisina. Sasamahan ko na lang—"

"I don't need you," mataray na pabirong putol sa akin ni Tita. "Samahan mo na ang anak ko, Minnie. Kaya kong mag-isa sa opisina. Dumiretso na kayo sa exhibit, I'll just hail a cab," sabi ni Tita at nauna nang maglakad. Kennedy and I both shrug. We both know na hindi namin mapipigil si Tita pagdating sa pagta-trabaho.

"Mom, ihahatid ka na muna namin sa office bago kami dumiretso sa—"

"I'm fine. Have fun, kids." Hindi na namin napigilan pa si Tita nang may huminto nang taxi sa tapat niya. Hinalikan niya lang kami parehas at sumakay na. Napabuntong-hininga na lang kami at dumiretso sa sasakyan ni Kennedy. He started driving.

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon