Chapter 32

811 30 0
                                    

Chapter 32

— Minnie —

Pinagulong ko ang aking wheelchair palapit sa kama ni Uno. I don't know how to feel. Gusto kong itanong kung kumusta siya, ngunit agad pumasok sa isipan ko ang pagkawala ni Riley. Bigla akong nahirapan na harapin siya. Parang hindi ko pa kaya.

Ngunit kinakailangan kong sabihin sa kanya ang sadya ko. I only came here to say goodbye. I know for sure na may plano na sina Anastasia Valderama. Kaya kinakailangan na naming makalayo ng anak ko. Pumwesto ako sa gilid ng kama niya at tinitigan niya ako. He lift his hand to touch my face.

"How are you, JLV?" tanong ko at binitiwan niya ako. Inirapan ako ni Uno at ngumisi.

"Stop it, Minnie. I'm Juancho Calixtro," aniya at natigilan ako. He remembers? Maybe Riley was right. He's retrieving his memories.

And this is bad. So damn bad for the scenario we have.

"Uno... Kailangan mong manatiling Juancho Valderama," I tell at tinaasaan niya ako ng kilay.

"What are you saying? Nandito na ako, Minnie. Ang dami kong gustong itanong tulad ng bakit ka pumayag na itago nina Anastasia sa akin ang totoo?" He reaches for my hand at dinala sa ibabaw ng kanyang tiyan.

Natataranta ako. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang pag-alis ko gayong nakakaalala na siya. Knowing Uno, maaaring hindi niya tanggapin ang pamamaalam ko. Pero isa lang ang sigurado ako, kailangan na naming makaalis ng bata.

At hindi kasama si Uno sa plano naming pag-alis. Hindi ko siya kayang makasama habang pinagluluksa ang pagkamatay ni Riley. Si Uno ang kapalit ng buhay ni Riley, at hindi iyon ganoon kadaling matanggap dahil para ko na siyang kapatid.

"I'm sorry." Binawi ko ang aking kamay. Dahil sa ginawa ko ay pinilit niyang bumangon. Ngunit dahil sa mahina pa rin niyang katawan ay hindi niya nagawa.

"Bakit ka nagso-sorry?" Muli na lamang niya akong nilingon.

I smiled. "Pumunta lang ako rito para magpaalam," I said, trying to hold back my tears.

"What? What do you mean?" Muli niyang sinubukang bumangon ngunit muli lamang lumalapat ang kanyang likod sa kama.

"Uno, marami nang nawala. ’Wag na nating dagdagan," I cried. My tears betrayed me. Namutla si Uno.

"Y-You knew?" he asks. I smiled bitterly.

"That you were the kid who didn't help my parents?" I tried not to sound sarcastic ’cause I really am not.

"Minnie, I can explain..." he says pero umiling ako. Hindi na niya iyon kailangang ipaliwanag pa dahil ako na mismo ang nagpaliwanag no’n sa aking sarili. I tried to understand na bata lang din siya noon at walang ibang magagawa kundi ang sumunod sa kanyang ama.

"I understand, Uno..."

"No, you don't. Minnie—"

"Uno!" I cut him. "Please, I lost Riley because I saved you. Hindi ko kayang mag-move on sa pagkawala ng mga kaibigan ko kung patuloy kitang makikita."

"Pinagsisisihan... m-mo bang ako ang niligtas mo at hindi si Riley?" mababa ang tinig niyang tanong. Mabilis akong umiling. How can he say that?

"Hindi ko iyon pinagsisisihan, Uno. Kung mangyayari man ulit iyon, ikaw pa rin ang ililigtas ko. Pero hindi iyon gano’n kadaling tanggapin."

"Please, Minnie. Nawalan ako ng alaala habang umaalis ka. Ngayong bumabalik na ito, umaalis ka pa rin. Ganoon ba ako kadaling bitiwan?" he cracks. Seeing him cry makes my heart broken more than it already is.

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon