Chapter 36
— Minnie —
Maghapon akong hindi lumabas ng kuwarto. Hinayaan ko lang ang maids na hatiran ako ng tanghalian. Gabi na nang may muling kumatok sa kuwarto ko. I thought it was the maid at may dalang pagkain. Pero nang buksan ko ang pinto ay si Uno ang naroon.
May dala siyang pagkain. Isasarado ko na sana ang pinto pero pinigilan niya iyon gamit ang paa.
"What do you want?" pagod kong tanong.
"I'm leaving tomorrow. Hindi pa ba malamig ang ulo mo?" tanong niya. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya at naalalang hanggang bukas nga lang pala siya rito. Bumuntong hininga ako at hinayaan na siyang tumuloy.
Nauna si Uno at naupo sa kama habang inaayos ang tray sa ibabaw. Umupo ako sa likuran niya at niyakap siya. Dama ng pisngi ko ang ang mainit niyang likod dahil sa nipis ng itim na tank top na suot niya. Ramdam ng nakapulupot kong braso ang matigas niyang tiyan.
"I'm sorry. Nagselos lang ako." Hindi ko na napigilan ang pag-amin. Napansin ko na natigilan siya sa sinabi ko. Mas ibinaon ko ang aking pisngi sa kanyang likod.
Tinanggal niya ang braso ko sa kanya para harapin ako. Ngumiti siya at hinawi ang ilang takas na buhok sa aking mukha.
"Silly girl. Why jealous? They got nothing on you." Iniangat niya ang aking baba para dampian ako ng mabilis na halik sa labi. Pero hinila ko ang kuwelyo ng damit niya para muli siyang mahalikan. I kiss him deeper.
Hindi naman ako nabigo dahil kinabig ako ni Uno paupo sa kanyang kandungan. Sumampa ako sa kama at lumuhod, nasa mga gilid niya ang aking mga hita.
Naramdaman ko ang kamay ni Uno sa aking tiyan. Hanggang sa mapasinghap ako nang maramdaman ang kamay niya sa ibabaw ng aking dibdib. Mahusay ang ginagawa niyang paglalaro dito. Pinaulanan ng halik ni Uno aking balikat. Tumingala ako upang bigyang laya si Uno sa aking leeg.
And he showers kisses there. Halik na kung minsan ay nararamdaman ko ang tila pagsipsip.
Pero matapos ang ilang minutong init ay bigla itong naapula nang bitiwan ako ni Uno. Habol ang hininga niya akong tinitigan.
"We should eat." Napairap na lang ako at tumayo mula sa pagkakakandong sa kanya. Pumwesto ako sa ulunan ng kama at ang tray na puno ng pagkain ang pumapagitna sa amin.
Kadarampot ko lang ng tinidor pero naramdaman kong muli ang kamay ni Uno sa aking baba. He planted another kiss on my lips.
"I asked your OB. She said, safe naman daw. But in your condition, it would be risky. Naging maselan ang pagbubuntis mo matapos ang aksidente sa dagat. At isa pa, it could be more painful than the first time. We'll make love when the baby's out." Why is he saying this? Halata ba sa mukha ko ang pagkabitin?
"Kaya ko namang tiisin," mahina kong sabi. Napaawang ang bibig ni Uno at bumuntong hininga.
"You haven't experienced sex for almost 21 years. Bakit parang hindi ka makapaghintay ng ilang buwan?" tudyo ni Uno. Kinuha na niya ang kanyang pagkain at nagsimulang kumain. Ganoon din ang ginawa ko. And again, he sleeps here in my room.
Kinabukasan ay hindi nag-jog si Uno. Pero sa gym ng mansyon ko siya naabutan. Inihinto niya ang treadmill nang makita ang pagpasok ko. Dinampot niya agad ang face towel at nagpunas ng pawis habang sinasalubong ako.
"Why?" tanong niya. Nakapantulog pa ako pero ang unang ginawa ko ay hanapin siya. I thought he's gone for a jog alone.
"I thought..." Kahit hindi ko naituloy ang sasabihin ko ay nakuha agad iyon ni Uno.
"Dito ko na napiling mag-exercise. Baka maulit ang nangyari kahapon. Paalis na ako mamaya, ayoko namang maghapon mo na naman akong hindi pansinin." Uminom si Uno sa kanyang bottled water.
BINABASA MO ANG
Quandary [Second Half]
Romance"Right or wrong? Yes or no? Your want or your need? Love or money? Life or death?"