Chapter 29
— Minnie —
Thirty minutes before five nang tumulak kami papuntang yoga class. My eyes are swollen. I just tell Uno na sumisid ako nang wala man lang anumang proteksyon sa mata kaya ito humapdi.
Wala namang traffic, fifteen minutes lang ay narating na namin ang studio. Maraming buntis kaming nadatnan doon na nakadamit pang-yoga na. Naghihintay sila sa labas dahil hindi pa bukas ang mismong studio.
Malalaki na ang tiyan nila kumpara sa akin at mukha ring magkakakilala na sila. Enrolled yata sila rito mula nung maliit pa ang kanilang mga tiyan.
"Magbihis ka na," suhestiyon ni Uno at tinuro ang namataan niyang locker room. Inihatid niya ako hanggang sa pintuan no’n at iniabot ang aking bag pero hindi ang mat. Nilagay niya iyon sa isang tabi para siya na raw ang magbubuhat.
Nagbihis ako ng mga ipinabaon sa akin ni Tita Mirasol. Loose white tank top and black knee-length leggings. Itinali ko ang aking buhok at lumabas na. Saktong paglabas ko ay nagsisipasok na sila sa loob.
"Pumapasok ’yong asawa ng mga buntis. Should I... hmm... go with you?" naguguluhang tanong ni Uno. Hindi ko rin alam ang dapat kong isagot. Pero siguro nga ay kakailanganin ko rin siya roon dahil kilala rin ni Tita ang yoga instructor namin at baka magtanong.
"Hey, Minnie, right?" Isang babae ang lumapit sa amin ni Uno. Nakasuot din siya ng pang-yoga at talagang physically fit siya.
"Yes," I said.
"I'm Maggie. Your instructor. Ibinilin ka sa akin ni Tita Mirasol." She offered her hand so I accept it. She's tough and probably on her late 30's.
"Nice meeting you, Miss Maggie," I said.
"I've talked to your OB to consult kung kaya ng pagbubuntis mo ang ganitong workout. And she said yes, physically fit ka naman." I nodded at nilingon niya si Uno. "Is he your Mister?" tanong niya.
"Yes..." Tulad kay Roxy, iyon din ang pakilala ni Uno kay Miss Maggie.
"Alright, good. Halina kayo sa loob," yaya niya. Pumasok kami sa loob at pumupwesto na ang mga kababaihan at tinutulungan naman ng kanilang mga asawa sa mga kakailanganin nila. "Mas mabuti pa siguro, Minnie, sa unahan ka since first time mo. Para matutukan kita."
"Naku, puwede po bang sa dulo na lang ako? Nahihiya ako, e." Ngumiti si Miss Maggie. Siyam kaming nandito at sa hulihan ako dinala ni Miss Maggie. Inilatag doon ni Uno ang mat at inilapag ang block.
Nang ayos na ang lahat ay naupo na sa bench ang mga lalaki at naiwan kaming mga buntis. The yoga session started. Sa una ay mga nakaupo ang ginawa namin. Nakaka-relax. Nagkakaroon ako ng peace of mind.
"Okay..." Nagmulat ako ng mata nang muling magsalita ang instructor. "Stand up," she said at tumayo naman kami.
She told us to shake our hands bago muling magsimula sa mga gagawin. I look at Uno at tumitipa ito sa kanyang cellphone.
"Husbands, please join us here." Kinabahan akong bigla nang tawagin ang mga lalaki. Natanaw ko ang pagkalito sa mukha ni Uno nang tignan ako. Ibinulsa niya ang kanyang cellphone. Hindi niya alam kung dadaluhan ba ako o mananatili sa kanyang puwesto. Pero nang siya na lang ang naiwan sa bench ay naglakad na rin siya papunta sa akin.
"Husbands, pakialalayan ang inyong mga Misis... We'll do the arabesque position." Dahil first time ko ito ay nilapitan ako ni Miss Maggie. Pinuwesto niya si Uno sa aking harapan.
"Spread your arms, Minnie," she instructs so I did. Kinuha ni Miss Maggie ang kamay ni Uno at inpinatong doon ang kamay ko. Ganoon din ang ginawa niya sa kabila kaya maging si Uno ay naka-spread ang magkabilang braso. And I just realized how close we are with each other. I can even feel his warm breath.
BINABASA MO ANG
Quandary [Second Half]
Romance"Right or wrong? Yes or no? Your want or your need? Love or money? Life or death?"