Chapter 22

912 30 1
                                    

Chapter 22

— Minnie —

May tatlong araw ding nanalagi si Mrs. Montillano sa ospital. Kahit hindi pa tuluyang naghihilom ang ibang sugat na natamo sa insidente ay pinili niyang magpa-discharge na. Tinutulungan ko siyang mag-impake ng ilan niyang gamit.

"Are you ready?" tanong niya kaya nahinto ako sa tinitiklop ko.

"Po? Saan?"

"Sa pag-alis. Babalik na ako ng Manila. Ang sabi mo ay ulila ka na at walang makakasama sa buhay. I'm planning to help you bilang pagtanaw ng utang na loob. Right after you give to birth, pag-aaralin kita sa—"

"Madame, salamat po kabutihan n’yo, pero gusto ko hong lumayo sa Maynila." Kumunot ang noo ni Mrs. Montillano sa sagot ko.

"What? Why? May iba ka bang mapupuntahan? ’Yong siguradong ligtas ka—kayo ng baby mo?"

"Maghahanap po ako ng matutuluyan—"

"On your own? You're pregnant, Minnie. Delikado sa iyo ang mamuhay mag-isa. Kailangan mo ng makakasama." Umiling siya na may bahid ng disappointment. "Bilang isang ina, hindi na sa iyo iikot kahit pa ang sarili mong mundo. Ang kapakanan ng bata ang dapat mong unahin. Mas makabubuti bang lumayo kayo at mamuhay nang walang nagbabantay sa inyo? Timbangin mo kung ano ba ang dahilan ng paglayo mo. Is it worth it to put your child's life at risk? Kung lalayo ka para sa isang walang kuwentang dahilan, why bother? You could care less," pagalit niya sa akin.

"Kasi Mrs. Montillano..." Nag-isip ako ng alibi pero walang lumabas.

"Look, I'm preaching you ’cause I can see the wall you built. But that wall should not be for everyone. Let some... or someone reach you. Let me reach you. I want to help you, Minnie. At first, I just felt oblige dahil sa pagligtas mo sa akin. But after how many days of having a small talk, I realized that you needed care."

Hindi ako makapagsalita. Sa ilang araw naming magkakilala ni Mrs. Montillano, parang kilalang-kilala na niya ako.

"Trust in me, Minnie. I will help you." Ngumiti siya at tinapik ako sa balikat. "Mag-aral ka, Minnie. Magsikap ka para sa kinabukasan ninyong mag-ina." Saglit akong natulala kay Madame.

"Sige po, mag-aaral ako. Pero sa ngayon, maghahanap po muna ako ng trabaho para makapag-ipon hanggang sa makapanganak ako," sabi ko. Matagal pa naman ang sinasabi niyang pag-aaral. Mas kailangan ko munang maghanap ng trabaho.

"No worries. I'll hire you as my assistant," sabi niya at napanganga ako.

"P-po?"

"Why?

"Assistant po?" gulat kong tanong dahil baka nabibigla lang siya.

"Yes. Go pack your things," ma-awotoridad niyang sabi at hindi ko na alam kung paano pa tatanggi. She has this intimidating aura na nagsusumigaw ng kapangyarihan lalo na ngayong naka-corporate attire siya. Hindi siya basta-bastang tao lang, mahahalata mo ’yon sa pananamit niya.

Wala naman akong mga gamit kaya saglit lang din ay lulan na kami ng van na naghahatid sa amin pabalik ng Maynila.

‘Maliit ang mundo. Kahit anong takas mo, magkikita at magkikita pa rin kayo ng tinatakasan mo. And when that moment comes, be ready. Save your face. Hindi kayo puwedeng magkita nang ganiyan pa rin ang estado mo sa buhay.’

Sa kalagitnaan ng biyahe ay naalala ko ang sinabi ni Mrs. Montillano. Tama siya, ito ang dapat kong gawin para maging handa. Oras na makapanganak ako ay babalik ako sa pag-aaral at magta-trabaho raw sa kompanya niya. Pero sa ngayon ay ang pagiging assistant na muna niya ang pagtutuunan ko ng pansin.

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon