Chapter 27

779 31 0
                                    

Chapter 27

— Minnie —

"Iiwan ko ba kayo, Ma'am Minnie?" tanong ng driver ko nang huminto kami sa tapat ng Valderama building at tumango ako.

"Opo. May kasama naman ako papuntang resort," sabi ko at bumaba na siya para pagbuksan ako ng pinto. Inilabas na rin niya mula sa trunk ang mga gagamitin ko sa yoga session after ng photoshoot. Pinabantayan ko sa guard ang duffle bag dahil may kabigatan ito at nakakapagod kung dadalhin ko pa sa paghahanap kay Riley.

"Miss, nandiyan ba si Attorney Quizon?" tanong ko sa nasa front desk.

"Yes po, Miss Minnie. Itatawag ko po ba?" tanong niya at tumango ako. Agad siyang nag-dial at hinintay ko na rin. Palinga-linga ako sa paligid dahil baka may Uno na namang paparating at magtatago ako. Clear naman ang area kaya nang paakyatin na ako sa floor kung nasaan si Riley ay sumakay na ako sa elevator.

He's on his office kaya doon na ako dumiretso. Sa hallway ay nakasalubong ko ang isang babae.

"Miss Minnie?" tanong niya at tumango ako. She's older than me, probably around Riley and Uno's age. She looks matured, too.

"Yes," I said.

"I'm Francine Mandras. Riley's secretary." Nag-offer siya ng kamay at tinanggap ko iyon. "I'll bring you to his office," sabi niya kaya sinundan ko siya. Napataas ang kilay ko nang binuksan niya ang isang pinto nang hindi siya kumakatok. Pumasok siya sa bukana.

"Your friend's here," untag ni Francine. Nilakihan niya ang bukas ng pinto para papasukin ako. Nakita ko si Riley na abala sa pagbabasa sa mga papel na nasa harapan niya. Nang makalabas si Francine ay saka pa lamang ako nilingon ni Riley.

Naglakad na ako palapit sa kanya at naupo sa tapat ng desk.

"I was surprised, Minnie. Hindi ko akalain na pupunta ka rito nang biglaan. What brought you here?" natatawang tanong niya.

"Are you busy?" tanong ko. He sarcastically look at the papers over his table.

"Yea? I can say that," he teases kaya inirapan ko siya. "Marami akong nire-review na legal matters ng company na iniwan ng legal counsel ni Congressman noong siya pa ang nakaupong CEO. May mga inaaral din akong contracts from new investors. Bakit ba?"

"Kailangan mo kasi akong samahan. I'm about to do a maternity photography and yoga session."

"Bakit ako?"

"Kaibigan kasi ni Tita Mirasol ’yong may-ari ng studio at yoga class. Itatanong niya kung may kasama ba akong lalaki. Gusto niya kasing samahan ako ng tatay nito." Tinuro ko ang aking tiyan.

"Okay," sabi niya at tumipa sa kanyang cellphone.

"Sasamahan mo ako?" tanong ko pero hindi na niya ako sinagot nang mag-beep ang kanyang cellphone. Nag-reply marahil ang ka-text niya.

"Anong oras ba ’yan?" mayamaya ay tanong niya at ibinulsa ang cellphone.

"Two PM ang photoshoot at five PM ang yoga session ko," sabi ko.

"Gabi naman na yata?"

"Okay na ’yon kasi every Friday ang yoga session ko. Nasa opisina ako every Friday kaya ’yon lang ang available time ko. Except now, dahil pinag-leave ako ni Tita for photoshoot." Tumango si Riley at bumukas ang pinto. I expected his secretary but I saw the last creature I want to see. Salubong ang kilay niya at mukhang mainit ang ulo. Napaawang ang bibig niya nang mapansin ako.

Pero dumiretso rin naman agad siya rito sa amin ni Riley at tumayo sa gilid ng desk nito. Padabog niyang inilapag ang bungkos ng papel sa table ni Riley.

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon