Chapter 38

992 50 0
                                    

Chapter 38

— Minnie —

"May plano ka ba ngayong araw?" mayamaya ay tanong ni Uno.

"Hmm, wala naman. Why? Gusto mong mamasyal?"

"Hindi. Let's go to your OB," he says.

"Today? Linggo ngayon."

"Nagpa-set naman ng appointment si Madame Mirasol. Halika na. Ipapalipat ko na ang gamit mo rito habang nasa ospital tayo." Kinaladkad na ako ni Uno palabas ng bahay kaya wala na akong nagawa pa. He has the direction kaya diretso ang naging biyahe namin. Wala pang 30 minutes ay narating namin ang hospital.

"Nurse, nasa loob ba si Doktora Tina?" tanong ni Uno.

"Yes po. May appointment po sila?"

"Yes. Under Mirasol Montillano."

"’Yong kay..." Chineck ng nurse ang papel. "Mommy Minnie Aguirre?" Tumango si Uno at inabisuhan na dumiretso na. Hinanap namin ang laboratory ni Doc Tina hanggang sa huminto kami sa pintong may naka-indicate na “Obstetrician Gynecologist”.

Isang nurse ang lumabas.

"Miss Aguirre?" she asks. Tumango ako kaya niluwagan niya ang bukas ng pinto para hayaan kaming tumuloy ni Uno. The nurse left at napasinghap ako nang makita ang doktorang nasa loob. Nilingon ko agad si Uno at nagtatakha niya akong tinignan.

"Miss Aguirre?" nakangiti niyang tanong.

"Yea," bagot kong sagot. She looks at Uno and mouthed ‘Oh...’

"It's you, right? We meet again." Mas lumapad ang ngiti niya. Napakunot ang noo ni Uno habang nakatingin sa babae.

"Pardon?" Uno utters.

"Ako ’yong nakabungguan mo noon," sabi ng babae. Uno looks so confused. Don't tell me hindi na niya naaalala ang magandang babaeng ’to?

"I'm sorry, but—"

"It's you. ’Yong nakausap niya noong nagja-jogging siya, ’di ba?" tanong ko at saka lamang naalala ni Uno ang babae. Sinuklay niya ang buhok at hinawakan ako sa baywang.

"I didn't know," bulong ni Uno. Mukhang fresh na fresh ang babaeng ’to habang ako ay wala na akong idea kung anong hitsura ang mayroon ako ngayon. Galing pa kasi kaming simbahan ni Francine at napagod sa paglalakad pauwi. Bakit hindi ko man lang naisip mag-ayos kahit papaano?

Ugh, damn this insecurities.

"Mahiga ka na, Miss Aguirre." Iminwestra niya ang paghihigaan ko at inayos ang mga aparatong gagamitin. Tahimik lang si Uno. Hindi ko alam kung anong iniisip niya dahil ngayon ko pa lang naman siya nakasama sa checkup ko.

"You're still a miss, Miss Aguirre? Sinong tatay ng baby mo?" Napairap ako sa tanong niya.

"I'm the father of the child," malamig na sambit ni Uno. She mouthed another ‘Oh...’. Iniangat niya ang suot ko at na-expose ang aking tiyan.

"Bakit hindi pa kayo kasal? Wala pang balak si mister?" natatawa pang usisa ng doktora.

"She rejected my proposal." Saglit na natigilan ang babae nang si Uno muli ang sumagot. But she immediately composes herself.

"Who would say no to you?" she chuckles. "Siguro ay alam ni Miss Aguirre na aksidente lang ang nangyari?" Binalingan niya si Uno at ngumiti. Ngumiti pabalik si Uno at halos sumabog ako sa sobrang inis.

"Walang aksidente sa nangyari. Sinadya ko siyang buntisin." Hindi sumagot ang doktora at ipinagpatuloy ang pag-asikaso sa akin. Dinungaw ako ni Uno at tinaasan ng kilay.

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon