Chapter 31

752 34 0
                                    

Chapter 31

— Minnie —

Inabot na kami ng dilim dahil lang sa pakikipaghabulan sa mga kalaban. Hindi ko na alam kung saan-saang kalsada na kami lumusot ni Riley.

"Huwag mo na munang isipin si Uno, normal lang ’yon dahil sa kondisyon niya."

"Hindi ko maiwasan, nag-aalala ako. Nakita mo namam siguro ang frustration niya kanina," I cried more.

"He has amnesia, Minnie. Walang araw na hindi sumasakit ang ulo niya. Oras-oras pa nga." Nilingon ko si Riley nang iniliko niya ang sasakyan sa isang pantalan dahil ito ang mabilis puntahan.

"I didn't know..." I said. Sumulyap ako sa rearview mirror at nakasunod pa rin sina Cortez.

"Dahil hindi naman sumusumpong ang headache niya kapag ikaw ang kasama niya. But believe me, Minnie, he suffers a lot kapag wala ka. That's the reason kung bakit gumagawa ako ng paraan para magkasama kayo. Dahil kumakalma ang isipan niya..."

"You should have told me!" pagalit ko sa kanya dahil hindi niya man lang sinabi na ganoon na pala ang mga nararamdaman ni Uno.

"Like what I've said, normal lang ’yon sa kondisyon niya. But his frustration awhile ago was the worst one..."

"See? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya..." hagulgol ko. Napangiwi si Riley dahil sa pagkarindi sa kakaiyak ko.

"Pregnant women and their sentiments..." bulong niya. "I think he's retrieving his memory kaya siya nagkaganoon, maaaring may ilang alaala ang bumalik sa kanya dahil sa pagbalik ninyo ng Serezo." Natigilan ako sa sinabi niya.

Maaari nga kaya?

Napatakip ako ng tainga nang may marinig na putok ng baril. Hinawakan agad ako ni Riley sa ulo para iyuko. May kinuha siya sa may dashboard at iniabot sa akin ang isang baril. Tumango ako at tinanggap iyon. I roll down the window at dumungaw para asintahin ang mga tumutugis sa amin.

Ilang putok ang iginanti ko. Nang makita ang pagsulpot ng kamay mula sa bintana ng minamaneho ni Cortez ay muli akong yumuko sa loob ng sasakyan namin. Ilang putok ang iginawad nila at dinig ko ang pagtama ng ilang bala sa kotse ni Riley at pagkabasag ng salamin sa likod. Riley started to drive in a zigzag direction para makaiwas sa mga bala.

Muli akong dumungaw sa bintana at gumanti ng putok. Hanggang isinuot ni Riley ang sasakyan sa pagitan ng naglalakihang container. Napahawak ako sa seatbelt dahil pagewang-gewang na kami sa kaliliko niya.

"We used to do this," Riley utters. The tip of his tongue touches his upper lip. Nanggigil siya sa pagpapaliko-liko niya sa bawat nakahilerang container. Sa kabila ng situwasyon namin ngayon na parehas kaming nanganganib, hindi ko maiwasang matawa. He's right.

Ganitong-ganito kami noong nasa grupo pa kami. Noong hindi pa siya abogado. Sa tuwing may hahabol sa amin dahil sa pagkakabulilyaso ng ilang transakyon, hindi kami papayag na magpapahuli ng buhay. Doon kami naging malapit ni Riley.

Ang sabi niya noon ay nakikita niya sa akin ang nakababata niyang kapatid na namatay dahil sa malalang sakit. So I told him na ituturing ko siyang para ko nang kuya. Kaya  noon pa man ay pinoprotektahan na niya ako na para niyang kapatid.

"Riley," tawag ko nang muling mapasulyap sa rearview. May dumagdag na isang sasakyan ang humahabol sa amin. Napadpad kaming muli sa pinaka-port at tanaw ko ang dagat.

"That's Uno's car..." Kinabahan ako sa sinabi ni Riley. Nilingon ko ang aming likuran at sa likod ng puting sasakyan nina Cortez ay ang itim ngang sasakyan ni Uno. "Yuko!" Sabay kaming yumuko ni Riley nang makitang umamba ng putok ang tauhan ni Cortez.

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon