Chapter 24
— Minnie —
Hindi ko masyadong inisip ang board meeting na sinabi ni Tita Mirasol. I focus myself on the business plan na pinapaaral sa akin ni Tita dahil mas mahalaga ito. Nasabi ni Tita na nagpatawag lang ng board meeting para ipakilala sa board of directors ang new CEO.
Matapos kong aralin ang ilang bahagi ng business plan ay sinarado ko na ang laptop ko. I stretch my neck dahil sa pangangalay.
"Ang aga-aga, Minnie, pagod ka na." Kabababa lang ni Kennedy rito sa patio pero sa likuran ko na siya pumwesto at minasahe ako sa may bandang balikat. Hindi naman na ako tumanggi dahil totoong pagod na ako. Kanina pa kasi ako tutok sa laptop habang nag-aalmusal. After few minutes ay sinaluhan na ako Kennedy.
"I only have one week for the presentation. Kailangan ko nang ma-finalize ang business plan." Nagsimula siyang kumain at ganoon din ako.
"Hindi kita masasamahan bukas, you know. Night life mamaya. Siguradong tatanghaliin ako ng gising bukas." Tumawa siya sa sariling sinabi kaya inirapan ko siya.
"That's given, jerk!" Muli siyang tumawa at nagpaalam na matapos naming kumain.
Mabilis lang lumipas ang buong Sunday ko pero pagod na pagod ang utak ko. Mabuti na lamang at gabi ko na rin naramdaman ang pressure ng board meeting dahil kung maghapon ko itong inisip, baka wala akong nagawa sa business plan na ni-review ko.
Kinabukasan ay pormal na pormal akong nanamit. Black pencil skirt, cream peplum top and white stilettoes. I tie my hair in a high ponytail. I get my coat at isinampay sa kaliwang braso ko. I grab my handbag at lumabas na ng kuwarto. Nagpa-drive ako papunta sa V building.
After a half hour drive, nag-park ang sinasakyan ko sa tapat ng isang building. It was towered at talagang tiningala ko. Pagpasok ko pa lang ng building ay nakita ko na sa front desk ang eleganteng ‘V Group of Companies’.
Ipinakita ko sa receptionist ang ID ko sa Montillano building at inabutan naman niya ako VIP ID at e-gate visitor's card. Matapos ko makalagpas sa e-gate ay sa elevator for directors naman ako dumiretso at pinindot ang floor na bababaan ko.
Sa 25th floor ang punta ko pero pagdating ng 20th floor ay may sumakay. At parehas kaming nagulat nang makita ang isa’t isa. Hindi niya inaasahang makita ako rito pero mas hindi ko inaasahan na makita siya.
"Riley..." sambit ko at sumakay siya bago pa man magsarado ang pinto ng elevator. Nang paakyat na kami ay saka ko siya hinarap. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Halatang napansin niya ang pagbabago sa akin at nakalatag na ang kanyang mga tanong.
"Minnie, what are you doing here?" tanong niya.
"I should be the one asking that. What are you doing here?" ganting tanong ko. Niluwagan ni Riley ang suot na tie para huminga mula sa pagkabigla.
"Do you even know where you are? Minnie, may kailangan kang malaman tungkol kay Uno." I compose myself at sinubukang hindi magpaapekto sa pagbanggit niya ng pangalan ni Uno.
"What? Is he dead?" walang interes kong tanong at tinignan ako ni Riley nang mabuti sa mga mata.
"I know you, Minnie. Hindi ka pa handang makaharap si Uno. So whatever business you have here, might as well just go—"
"Riley," putol ko sa kanya. "Stop it, okay? Stop saying that you know me. Hindi na ako ang dating Minnie na kilala mo." Hindi agad nakasagot si Riley. Muli niya akong hinagod ng tingin mula ulo hanggag paa. Tumango-tango siya na tila sumasang-ayon.
"Tama ka. Hindi na nga ikaw ang dating Minnie na kilala ko," sabi niya at bumukas ang pinto ng elevator. Ngayon ko lang napansin na dito rin sa 25th floor ang baba ni Riley. Pinauna niya ako sa paglabas pero ’di kalaunan ay sinabayan niya ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Quandary [Second Half]
Romance"Right or wrong? Yes or no? Your want or your need? Love or money? Life or death?"