Chapter 34

868 31 0
                                    

Chapter 34

— Minnie —

May ilang araw na rin mula nang dumating ako rito sa Ilocos. Kasama ang matandang bantay ng bahay na si Manang Josie ay naghahanda kami ng tanghalian para sa pagdating ni Francine.

Nagkausap na kami at humingi siya ng tawad sa mga binintang niya sa akin noong huli kaming nagkita. Pero hindi iyon kaso sa akin. I completely understand where she's coming from.

Sa pintuan ko sinalubong si Francine at niyakap. Buhat-buhat ng bodyguards ang kanyang maleta at ipinaakyat ko muna kay Mang Karlos.

"Kumain na muna tayo," anyaya ko at dumiretso na kami sa dining area.

"Pasensya ka na talaga sa inasal ko noong huli tayong nagkita, Minnie." Ngumiti ako at tumango. Hindi ko na iyon inungkat pa.

Saglit kaming nananghalian at dinala ko na siya sa kanyang kuwarto. Doon siya nagpahinga. I get my laptop at lumabas sa garden para magtrabaho. I answered some emails and review some proposals. I always make sure na makakatulong pa rin ako sa Montillano's kahit pa malayo ako.

Nang abutin ako ng gabi sa pagta-trabaho ay lumipat na ako sa kuwarto ko. Hindi pa nagigising si Francine kaya mayamaya na rin ako maghahapunan.

Hindi ko na namalayan ang oras at alas-otso na pala. I stretch my neck and arms dahil sa pagkangalay. Marami-rami akong nagawa ngayong araw kaya baka mabagot ako sa mga susunod na araw dahil mangilan-ngilan na lang ang nakapilang gawain.

Dahil mukhang tulog pa naman si Francine ay kinuha ko na muna ang cellphone ko at nag-download ng iba't ibang social media apps na maaaari kong paglibangan.

Gumawa ako ng FB, twitter at instagram. Para naman may iba akong mapagkaabalahan. Wala naman akong hilig sa ganito pero may FB account ako at ito ang binuksan ko. After creating twitter ay sinubukan kong mag-explore. Few minutes later, I got bored.

Kaya gumawa ako ng instagram. Nagsulputan agad ang account ng iilang friends ko sa FB na connected sa instagram. I've seen Francine's, I followed her. I've seen Kennedy's too. Binuksan ko ang account niya at tinignan ang ilang posts.

Ang latest post niya ay 10 minutes ago. It's a group photo na puro kalalakihan. Nasa isang bar sila at kasama roon si Uno. Sa hitsura ni Uno, parang hindi siya nalalayo sa mga kasama niya. Happy-go lucky. Siguro ay nanatili siya sa pagiging Valderama. Hindi ko alam ang plano niya pero maaaring bahagi ito ng sinabi niyang aayusin niya ang lahat ng banta sa Maynila.

Uno is wearing a white button down shirt na magulong nakatupi ang sleeves hanggang siko. He's holding a beer at bahagya lang ang ngiti sa camera. Sa limang lalaking nasa picture, siya ang pinakamatipid ang ngiti.

I accidentally tapped the photo at nakita ang pangalan ni Uno, naka-tag siguro. So, he has instagram, huh? Binuksan ko ang account niya at hindi naman naka-private.

May apat lang siyang posts. Ang unang post niya ay three months ago. So maaaring kagagawa lang niya nito at base sa date, mga panahong nagsisimula ako sa bago kong buhay. Ang background niya ay halatang hindi kinunan sa Pilipinas. Baka ito ’yong time na dinala siya sa Amerika matapos ang aksidente.

He has 17k followers kahit bago lang ang account niya. His last post was a photo with Rizza. The usual photo of a couple sa isang event. Hawak ni Uno ang baywang ni Rizza. Muling uminit ang ulo ko kay Uno. Nanginig ang kamay ko dahil sa galit at inis.

I accidentally double tapped the photo at may naghugis puso sa mismong photo. What the hell did I do? Was that liked? Tinap ko ulit ang photo pero nanatiling liked ito.

Pinuntahan ko si Francine sa kuwarto ngunit natutulog pa ito. Nakakahiya naman kung gigisingin ko siya para lang itanong kung paano i-unlike ang instagram post. Bumalik ako sa kuwarto ko at tinawagan na lang si Kennedy.

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon