Chapter 28
—Minnie —
Unti-unting sumasama ang pakiramdam ko dahil sa traffic. Pakiramdam ko pa ay male-late na ako kaya mas lalo akong nairita. Ang bagal kasi mag-drive nitong si Uno. Kahit nakalagpas na kami sa ma-traffic na lugar at maluwag na ang daloy ng mga sasakyan ay hindi kami bumibilis.
"Puwede bang pakibilisan. Male-late na ako." Hindi ko ipinaramdam sa kanya ang inis sa tinig ko dahil kung tutuusin ay hindi naman niya ito kailangang gawin. Masyado lang talagang nagmamagaling si Riley.
Ilang sandali ang lumipas ngunit hindi nagbabago ang takbo namin. Nilingon ko si Uno dahil baka naka-headset siya at hindi lang ako naririnig. Ngunit wala siya suot na ganoon kaya mas lalo akong nairita.
"Hindi mo ba narinig, Mr. Valderama? Pakbilisan nang kaunti, male-late ako sa—"
"To hell with your schedule. Mas mahalaga pa rin ang kaligtasan ninyong mag-ina," putol niya nang hindi man lang ako sinusulyapan at nakatuon ang buong atensyon sa express way. Hindi ako nakapagsalita at umayos na lang ng pagkakaupo.
Ala-una y media nang makarating kami sa resort at ipinakita ko sa receptionist ang VIP card sa na iniabot sa akin ni Tita. Habang naghihintay ako sa front desk ay nilingon ko si Uno. Seryoso niyang nililibot ng tingin ang lobby mg resort.
Napatingin ako sa grupo ng mga babae na kapapasok lamang ng resort at mukhang mag-a-outing. Pito sila at mukhang mga ka-edad ko lang. Nagbulungan sila nang mahagip ng tingin si Uno na kuryoso pa ring naglilibot ng tingin. Naghagikgikan pa sila at nagtulakan kung sino ang lalapit. Napairap ako dahil sa kakirihan ng mga babaeng ’to.
Why are they even here, anyway? It's October at tag-ulan. Mas lalo lamang nadagdagan ang pagka-irita ko kay Uno. Nakuyom ko ang aking kamao nang may isang babaeng mula sa grupong iyon ang naglakas loob na humakbang palapit kay Uno.
"Miss Minnie!" Mas nauna pang lumingon si Uno kaysa sa akin sa bagong dating gayong ako naman ang tinawag nito. May lumapit sa aking pamilyar na bakla at may nakasukbit na professional camera sa kanyang batok. Inalala ko siya at minsan ko na siyang na-meet sa mall with Tita. Siya pala ang sinasabi ni Tita.
Lumapit sa akin si Uno kaya nahinto ang babaeng dapat sana ay lalapit sa kanya. Pumwesto pa ito sa tabi ko samantalang lagpasan naman sa kaharap kong photographer ang aking tingin. Nakita ko ang bigong mukha ng mga babae nang sinulyapan ang aking tiyan. I am wearing a body con dress kaya halata ang umbok sa aking tiyan.
Kinamayan ko ang photographer at maging si Uno ay kinamayan niya.
"You're the father?" tanong ni Roxy.
"Yes..." sagot ni Uno at narinig ko ang bulungan ng mga babaeng kadaraan lamang sa puwesto namin dahil papasok na sila ng resort. Pero wala na sa kanila ang atensyon ko. Saglit na nagpaalam si Roxy para sabihan ang kanyang team na mag-i-start na kami.
Nilingon ko agad si Uno.
"Riley texted me. Kailangan daw sabihin kong ako ang ama dahil nasabi mo sa kanya na baka magtanong si Madame Mirasol," paliwanag niya. Nahagod ko ang aking noo. Sumasakit ang ulo ko kay Riley.
Pumunta kami sa mismong beach para ipakita ni Roxy kung saan ako kukuhanan. Ni-request daw ni Tita Mirasol na sa mismong dagat ang background ko kaya ito ang sinuggest ni Roxy.
Maganda siya. IG worthy. Very scenic. Tanaw ko mula rito ang mga bundok sa kabilang isla. It has fine white sand at bughaw ang karagatan. Mayroon ding rock formation sa ’di kalayuan.
"Si Madame ang mismong pumili nito. Puwede ka nang magpalit." Iniabot sa akin ni Roxy ang isang paper bag. Tumango ako at agad na nagprisinta si Uno na sasamahan na ako.
BINABASA MO ANG
Quandary [Second Half]
Romance"Right or wrong? Yes or no? Your want or your need? Love or money? Life or death?"