Chapter 25

796 28 0
                                    

Chapter 25

— Minnie —

"You look familiar... have we met before?" Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig dahil sa tanong niya. I don't know what to feel. Parang gusto ko na lang din mawalan ng alaala dahil sa pagkawala ng sa kanya. Para mawala na rin ang lahat ng alaala sa nakaraan ko.

Bakit kailangan niyang mawalan ng alaala?Gano'n na lang 'yon? Wala nang konsensya ang uusig sa kanya tungkol sa napakalaki niyang kasalanan sa akin-sa mga magulang ko dahil lang sa hindi na niya maalala? Mawawalan siya ng pakialam sa nakaraan, samantalang pinagdurusahan ko pa rin ang sakit?

No!

"No, we haven't," I answered at nagmamadaling sumakay sa papasara nang elevator. The moment I get in and it closes, I released the air that I didn't know I was holding. Napahawak na lang ako sa aking dibdib. Para akong kinapos ng hangin habang kausap at kaharap ko kanina si Uno.

Dahil sa halo-halong nararamdaman ay biglang sumama ang pakiramdam ko. Pagkarating ko ng lobby ay hindi ko na kinaya ang hilo kaya napakapit na ako sa pader habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan nag-park ang driver ko kaya kinakailangan ko pa siyang hanapin sa parking lot.

Kahit nanginginig ang mga kamay ay kinapa ko sa loob ng handbag ang aking cellphone. Nang makapa ko ito ay sumandal ako sa pader para sana kumuha ng suporta habang tinatawagan ang driver ngunit hindi pa man lumalapat ang cellphone ko sa tainga ay muntik ko na itong mabitiwan nang pagharap ko ay nasa tapat ko na si Uno.

Muli akong napahawak sa aking dibdib dahil sa pagkabigla.

"Are you alright, miss?" tanong niya. Gustuhin ko mang lumayo pero wala na akong lakas. Nang halos bumagsak na ako ay mabilis niya akong sinalo. "Miss?" tawag niya pero pikit na ang mga mata ko at unti-unti na akong nililisan ng aking ulirat.

-

Nagising na lang ako na nakahiga na sa isang kama. Napabalikwas ako ng bangon nang mabungaran si Uno na nasa gilid lang ng kama at nakamasid sa akin. He crosses his arms over his chest.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"You passed out at dito sa clinic kita dinala. May doctor nang sumuri sa iyo. Hinihintay ko na lang ang result-"

"What? Okay na 'ko." Tatayo na sana ako dahil wala namang kung anong nakasaksak sa akin pero pinigilan ako ni Uno.

"Tinawagan ko na si Attorney Quizon, pababa na siya to pick you up-"

"Salamat, pero kaya kong umuwi mag-isa." Sinubukan kong bumaba pero muli niya akong pinigilan. Napatingala ako sa sobrang inis.

"Attorney Quizon told me to not let you go. Maselan daw ang pagbubuntis mo." Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. That Riley is a jerk.

"He told you I'm pregnant?" hindi makapaniwalang tanong ko at tumango siya. Nang makita ko ang walang emosyong reaksyon ni Uno, doon lamang ako napanatag. Oo nga pala, malaman man niya o hindi, wala siyang magiging pakialam dahil wala naman siyang maalala. "Tell Riley to go. Magpapasundo na lang ako sa kaibigan ko-"

Bumukas ang pinto at sabay naming nilingon ang iniluwa nito. Nilapitan kami ni Riley at agad na hinarap si Uno.

"Salamat, JLV," sambit ni Riley at pormal na nakipagkamay kay Uno. "She's Minnie, by the way. She's bearing my child," sabi ni Riley na ikinagulat ko.

"Oh, I see. Now that you're here, I think I can go now? Nagkaroon ng problema sa gallery," paalam ni Uno at muling nagpasalamat si Riley. Nang makalabas si Uno ay saka bumuntong hininga si Riley at nagpunas ng pawis.

"Do you really have to say that?" tanong ko.

"I have talked to Mrs. Valderama. And we need to convince her that Uno has nothing to do with the kid. And I think Uno's knowledge about your pregnancy is more convincing. Hindi maghihinala si Mrs. Valderama. Mas makabubuti kung mapapansin niyang wala kang iniiwasan." Mahirap ang gustong mangyari ni Riley pero alam kong tama siya.

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon