Chapter 35

982 33 2
                                    

Chapter 35

— Minnie —

"Bakit namumugto ang mata mo, Minnie?" tanong ni Francine nang makababa kami ni Uno sa kusina para sa hapunan. Inihahanda nila ni Kennedy ang mesa.

"What did you do, man?" seryosong tanong ni Kennedy kaya agad na itinaas ni Uno ang magkabilang kamay.

"Relax, blame it all to the movies she watched," inis na sambit ni Uno. Parang sising-sisi na hinayaan niya akong manood.

"What did you watch?" tanong ni Francine at naupo na.

"The Notebook and Miracles From Heaven," sabi ko. Nagsimula kami sa pagkain.

Hindi pa man ako nakakahawak ng kutsara't tinidor pero puno na ang plato ko sa mga inilagay ni Uno. Siya ang namili ng mga dapat kong kainin. Kung hindi lang ako nagugutom, tatayo ako dahil binabantayan niya ang pagkain ko. He makes sure na walang unhealthy food ang mapupunta sa plato ko.

"Fresh orange juice?" tanong ni Uno at tumango ako.

"Ako rin," Kennedy teases pero inilapag lang ni Uno ang pitsel sa harap ni Ken matapos salinan ang baso ko. Naiiling na nagsalin si Ken ng sa kanya.

Tahimik ang hapunan namin. Even Uno didn't speak much. Nasa akin ang buong atensyon niya. Right after dinner ay sa kuwarto ako dumiretso para makapag-half bath. Paglabas ko ng bathroom ay nasa kama si Uno at nakaharap pa rito na tila inaabangan talaga ang paglabas ko.

"Jesus!" bulalas ko at bakas rin kay Uno ang pagkabigla nang masilayan ang hitsura ko. Puting towel lang ang nagtatago sa aking katawan at kaunting kilos lang ay talagang makikita ang kaluluwa ko lalo pa't nakaumbok ang aking tiyan. Hinigpitan ko ang kapit sa aking towel.

Ang kaninang gulat sa mukha ni Uno ay napalitan ng ngisi.

"Minnie, magkakaanak na tayo. May parte pa ba ng katawan mo ang hindi ko nakikita? I have touched, kissed and licked every inch of you," sambit ni Uno at tumayo. Natigilan ako sa mga pinagsasabi niya.

"Bastos ka talaga, Uno!" Dinampot ko ang mga damit ko sa kama at naramdaman ang mas lalong paglapad ng ngisi ni Uno nang nasa harapan na niya ako.

"Is making love in the last trimester of your pregnancy safe?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hindi ako makahinga nang ayos dahil sa mga maaaring ka-demonyohang naglalaro sa utak niya.

"What the hell, Uno?" pagalit ko sa kanya at tinalikuran ko na siya. Pigil ang hininga akong nagmartsa pabalik ng bathroom at nagbihis. Muli lamang akong lumabas nang naka-pyjama at loose shirt na ako. Ganoon pa rin ang puwesto ni Uno nang maabutan ko siya.

"Can I sleep here?" tanong ni Uno. Hindi ako sumagot at dumiretso lang papunta sa harapan ng salamin. I started to blow dry my hair. Sumunod lang sa akin si Uno at pumwesto sa likuran. He's looking at me sa reflection namin sa salamin.

"Ang labo mo talaga magbigay ng desisyon. But yea, I'll take it as a yes." Inirapan ko na lang siya at hindi na sumagot pa. Hindi na rin ako nagsalita pa nang maghubad siya at tanging boxer shorts na lang ang suot. Wala naman akong magagawa kung mas komportable siya sa ganyan.

Has he been this naked with Rizza? Did he allow her to see his god-like well-built body?

"Have you slept with Rizza?" Natigil si Uno sa pagdampot sa kumot para sana mahiga na. Binalingan niya ako ng tingin dito sa salamin at tinaasan ng kilay.

"No," tamad na sagot ni Uno bago tuluyang hinawi ang kumot at nahiga. He covers himself kaya tumayo na ako at nahiga. Hindi ko magawang maniwala na sa loob ng apat na buwan ay walang nangyari sa kanila ni Rizza.

Quandary [Second Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon