Prologue

71.2K 900 30
                                    

    “I hope it’ll work, but I will try to get used to this life with you.” It was his wedding vow.

    Ayun lang, sobrang simple pero pinanghawakan ko. Natutunan ko siyang mahalin. Minahal ko siya nang buong buo. Siya ang naging unang lalaki sa buhay ko na minahal ko nang sobra at nagparamdam din sa ‘kin ng pagmamahal na hinahanap ko.

    Ngunit may mga tao talaga na kayang pekein ang mga nararamdaman nila. Sa sobrang galing nila, mapapaniwala ka. Araw-araw, makakatulog ka na lang na pagod na pagod kaiisip kung saan ka ba nagkulang, nagkamali, o sumobra, para magawa nilang paglaruan ang damdamin mo.

    Bakit may mga taong bumabalik pa rin sa nakaraan nila at nagagawang kalimutan ang kasalukuyan?

    Kung kailan hulog na hulog ka na kung saan akala mo’y sasaluhin ka niya hanggang dulo, doon mo mapagtatantong iba na pala ang inaabangan ng mga bisig niya para saluhin.

    Totoo ngang ang tiwala ay parang isang babasaging bagay— kapag nabasag ito at sinubukang buuin ulit gamit ang mga pandikit, mabubuo, ngunit hindi na kasing ganda at kasing buo tulad ng dati. Sa madaling salita, mahirap na ngang buuin ulit, madali pang mabasag muli.

   

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon