— Cassandra —
“Dito muna tayo, Ana, ha? Pero hahanap ako ng malilipatan natin. Nakakahiya rin kasi kay Angel.”
Napatingin sa ‘kin si Ana habang nag-aayos na siya ng mga gamit niya. Hindi kasi kami nakapag-ayos kahapon pagka-uwi namin. Tumayo siya at umupo sa gilid ng kama, sa tabi ko.
“Opo, ma'am.” Tumango pa siya. “Thank you po, ma'am. Hindi n’yo po ako iniwan do’n. Umpisa pa lang po, ang sama-sama na ng ugali ng babae ni Sir Bryan, Shane po ba ‘yon? Na’ko! Pinaiyak talaga ‘ko, ang sarap hilahin ng buhok niya. Napakaarte niya tapos maganda nga, sumisingaw naman kapangitan ng ugali. Ma'am, nanggigigil talaga ako sa kaniya! ‘Di hamak na mas better ka po sa kaniya. Ano kayang ginawa niya kay Sir Bryan at nagawa ni sir na—”
“Ana.”
Napatigil siya at nagtakip ng bibig. Na-realize niya sigurong ang dami niya nang sinasabi. Napakamot na lang tuloy ako sa kilay ko.
“Huwag kang mang-judge agad-agad.” Napabuntong-hininga ako. “Malay mo meron talagang something sa kaniya na binabalik-balikan at gustong gusto ni Bryan.”
“Katawan po?” Kunot noong naibalik ko ang tingin sa kaniya. “Ay charot, sorry, ma'am. Hindi ko naman po sinasabing mas maganda katawan niya sa ’yo. Sabi n’yo nga po, baka natigang si sir.”
Napailing na lang ako at natawa rin ng mahina. Nakakatawa kasi lagi kung papakinggan mo ang tono ni Ana. Para siyang nagbibiro pero seryoso at may sense ang sinasabi.
“Basta, ang tatandaan mo, Ana, puwede kang umiyak sa harap ng mga tao pero huwag mo silanb hahayaang tapakan ka.” Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya ro’n. “Gano’n, Ana. Kapag nagkaasawa ka na, huwag mong hayaang saktan ka ng asawa mo physically or emotionally pa ‘yan. Lagi kang lalaban hangga't kaya mo. Pero sana hindi mangyari sa ’yo ‘yon.”
Napangiti siya at tumango nang ilang beses sa ‘kin. “Opo, ma'am.”
“Hindi tayo naging babae para lang ipagsisikan ang sarili natin sa mga lalaki. Puwedeng maging tanga pero hindi magpapamaliit at papaapak sa iba. Naiintindihan mo ba ‘yon?”
“Opo, ma'am.”
Ngumiti ako at niyakap siya saglit. “Parang kapatid na ang tingin ko sa ’yo, Ana. Sana totoong pagmamahal ang mahanap mo someday.”
May tumulong isang butil ng luha sa ‘kin na pinunasan ko agad para hindi niya makita.
“Ako rin po, ma'am.”
“Cass! Nandito na sina Frenz.”
Napatingin ako sa pinto ng kuwarto at tumayo na. Sinabihan ako ni Ana na hindi na raw siya lalabas at mag-aayos muna.
“Cass—”
“Alam mo ba’ng nambababae si Bryan?” agad na tanong ko kay Frenz na ikinatahimik niya. Nakita ko pang may pasa sa gilid ng labi niya at namumulang pisngi.
Napatingin siya kay Angel at mukhang nagulat pa nga si Angel sa tanong ko dahil napatitig siya sa ‘kin.
Hindi pa rin nakakasagot si Frenz kaya napahagod ako sa buhok ko at inis siyang tiningnan. “Ano? Alam mong pumupunta noon si Shane sa opisina niya!”
Napaiwas siya ng tingin bago dahan-dahang tumango. Napabuga ako ng hangin at nanatiling nakatayo sa harap niya habang naghihintay ng sagot.
“O-Oo.”
“At hinayaan mo lang?” hindi makapaniwalang tanong ko na agad niyang ikinailing.
Lumapit siya at umiling na naman nang dalawang beses. “No, Cass. Pinagsabihan ko siya, pinagsabihan ko siya na itigil niya na ang ginagawa niya kasi naiisip din kita. Alam kong mali na niloloko ka niya.”
BINABASA MO ANG
I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Romance(Revised Version) Fixed marriage- isang pagkakasundo na hindi inakala ni Cassandra'ng ginagawa pa rin pala sa panahon ngayon. Dinala niya ang apelyido ni Bryan Angeluz Caranza. Naging maganda ang pagsasama nila bilang mag-asawa hanggang sa natu...