— Cassandra —
Hinabol ko si Angel at tiningan sa office nila ni Frenz pero wala siya ro’n. Tumakbo ako papunta sa comfort room nang naisip kong puwedeng doon siya dumiretso.
“Angel!”
Napatigil ako nang nakita ko na siya. Nakatalikod pa siya sa ‘kin pero sigurado akong siya na ‘yon kaya dahan-dahan akong lumapit at hinawakan ang balikat niya.
“Cass,” mahinang banggit niya sa pangalan ko.
Huminto ako sa harap niya at tinitigan siya. Namumula ang mga mata niya at napasinok pa. Umiiwas siya ng tingin, halatang pinipigilan na maiyak sa harap ko.
“Ba’t ka tumakbo agad?”
Mahina siyang natawa at napatingin. “Bakit ako tumakbo agad? Cass, pareho nating narinig na ikaw ang gusto niya!” Punong puno ng sakit ang boses niya.
Napalabi ako at umiling. “Angel—”
“All this time, ikaw pala talaga ang gusto niya kaya hindi niya ako makita.” Pinahid niya ang luha niyang biglang tumulo. “Na hanggang dito lang pala talaga ako. Hanggang likod lang niya bilang kaibigan kasi ikaw ang nasa harap niya, sa ‘yo siya nakatingin.”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya o ano. Alam ko kasing kapag nalaman niya lahat ng sinabi ni Frenz, magugulat at mahihiya siya sa sinasabi niya. Umiyak-iyak pa siya, e siya naman ang gusto.
“Ang tagal ko nang umaasa pero Cass, hindi naman ako galit sa ‘yo.” Hinawakan niya ang kamay ko at malungkot akong tiningnan. “Hindi mo naman kasalanan na nagustuhan ka niya.”
“Angel, makinig ka muna kasi sa ‘kin.” Pinanlakihan ko siya ng mata pero tinaasan niya lang ako ng kilay. “Tinatanong kita kung bakit ka tumakbo agad, hindi mo pa pinapatapos si Frenz sa mga sinasabi niya.”
“Masakit—”
“Ang sabi niya, nawala na ang feelings niya para sa ‘kin. Ikaw na ang gusto niya, siguro nga raw matagal na pero ngayon niya lang na-confirm.”
Naitikom niya ang bibig niya at parang otomatikong tumigil ang mga luha sa pagtulo. Ang tagal niyang nakatitig lang sa ‘kin hanggang sa unti-unting nanlaki ang mga mata niya.
“Ano’ng sabi mo? G-Gusto na niya ‘ko?” malakas na tanong niya.
Natawa ako at tumango. “Yes, Angel! At hindi raw malabo na mahalin ka na rin niya sa mga susunod na araw o buwan. Huwag ka nang umiyak diyan at puntahan mo na siya. Confirm it!”
Napatakip siya sa bibig niya at tumalon pa nang isang beses. “Talaga?” hindi pa rin makapaniwalang tanong na naman niya na ikinatango ko ulit. “Thank you, Cass! Pupuntahan ko na siya!”
Hindi na ako nakapagsalita nang iwanan niya na ako. Tumakbo na siya paalis na parang teenager dahil nakataas pa nang kaunti ang mga kamay. Napangiti ako lalo at nagsimula nang maglakad pabalik sa office.
Great, thanks God for making my bestfriend happy like this.
Weeks had passed and my life with Bryan came back to normal. We work, eat, sleep, and bonding together. I knew to myself that I have been happy again. Parang ibinalik sa ‘kin ang asawa ko sa isang iglap lang— the sweet, patient, and caring husband. Wala na akong napapansing kakaiba sa kaniya na dapat kong paghinalaan.
Sa kabila nito, naiisip ko pa rin na baka sandali lang ‘to. Baka bumalik agad ang babae niya. I asked Frenz before if Shane left the Philippines again and he answered me yes.
BINABASA MO ANG
I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Romance(Revised Version) Fixed marriage- isang pagkakasundo na hindi inakala ni Cassandra'ng ginagawa pa rin pala sa panahon ngayon. Dinala niya ang apelyido ni Bryan Angeluz Caranza. Naging maganda ang pagsasama nila bilang mag-asawa hanggang sa natu...