Chapter 26

35K 580 100
                                    

    — Cassandra —

    “Ate, hindi mo talaga pagbibigyan si Kuya Bryan na makita ang mga anak n’yo?”

    Tumaas bigla ang kilay ko sa tanong ni Ana. Tiningnan ko si Cassidy na kasalukuyang pinadede ko.

    “Hindi ngayon,” sagot ko at bumuntong-hininga. “Ana, niloko ka rin ng boyfriend mo dati, ‘di ba?”

    Napatango siya bigla. “Oo, ate, grabe talaga! Ang sakit—”

    “Kaya siguro naman ay naiintindihan mo ako,” agad kong singit. “Niloko ako, Ana, alam mo rin ang pakiramdam ng niloko.” I sighed. “Gusto ko siyang pahirapan muna. Hindi ko ipapakita sa kaniya ang mga anak namin hangga’t ‘di ko siya nakikitang nagsisisi talaga sa ginawa niya.”

    Ito lang ang kaya kong iganti sa ‘yo, Bryan. Patawarin sana ako ng Diyos sa paggamit ko sa mga anak ko pero ginagawa ko rin ‘to para kahit papaano ay mabawasan ang dinadala ko.

    Gusto ko siyang magdusa at mangulila.

    “Naniniwala ka bang mahal ka pa niya?” panibagong tanong niya na ikinailing ko.

    Hindi na ako maniniwala muli sa kaniya. Mananatili siyang sinungaling at manloloko sa paningin ko. Kahit mapatawad ko pa siya, hindi ko makakalimutan kung anong klase siyang lalaki.

    “Cass! Cass!”

    Speaking of.

    Nasa labas na naman si Bryan. Tinapos ko na ang pagpapadede at inilagay muna sa crib si baby. Hinawakan ko isa-isa ang mga kamay nila bago ako lumabas ng bahay.

    Kunot noo kong nilapitan si Bryan na palakad-lakad sa labas ng gate. Mabilis siyang humawak sa gate nang nakita niya na ‘ko.

    “C-Cass! Sumama ka sa ‘kin!” agad niyang sabi na ikinamaang ko.

    “Bakit ako sasama sa ‘yo?”

    Napalabi siya. “Alam ko na kung sinong sumagasa noon sa ‘yo!”

    Napakurap-kurap ako at nawala ang pagkakunot ng noo dahil sa narinig ko. Mabilis kong binuksan ang gate para harapin siya sa labas.

    “Sino?” mariing tanong ko at nagkuyom ng kamay.

    Naalala ko na naman ang nangyari. Naalala ko na naman kung gaano kasakit ang pagkawala ng anim na buwan kong pinagbubuntis noon. ‘Yung anim na buwan na paghihirap kong ‘yon ay nawala nang dahil sa nangyari! Idagdag pa na pati si Bryan ay nagalit sa akin noon dahil iniisip niyang kasalanan ko ‘yon.

    “Sino siya, Bryan? Sabihin mo sa ‘kin!” Tumaas ang boses ko.

    Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “Si Shane, si Shane ang may gawa.”

    Mas lalong nagngitngit sa galit ang loob ko nang narinig ko na naman ang pangalan ng babaeng ‘yon. Napahinga ako nang malalim at sinapo ang noo ko.

    “H-Hayop siya!”

    Wala nang tanong-tanong kung paano niya nalaman na si Shane, naniniwala na agad ako dahil posibleng kaya talagang gawin ‘yon ng babaeng ‘yon!

    Knowing na kabit siya ng asawa ko, siguradong plinano niya talagang patayin ang anak ko sa sinapupunan ko para wala nang panghawakan si Bryan sa ‘kin.

    “Tara na, Cass. Nauna na ang mga pulis doon,” sabi ni Bryan at hinila ako.

    Hindi na ako umangal at sumakay na lang sa kotse niya. Nag-text agad ako kay Ana na siya na muna ang bahala sa mga anak ko.

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon