— Cassandra —
Maaga akong ginising ni Bryan kinabukasan dahil naalala niyang mamimili kami ni Ana ngayon. Nagluto lang ako ng usual breakfast namin at nagtimpla ng milk para sa ‘kin. Tinulungan at inalalayan ako ni Ana. Hindi niya ako iniiwan sa kitchen kasi babantayan niya raw ako dahil baka madulas o may mangyaring masama sa akin.
I just smiled and thanked her. “Samahan mo nga pala akong mamili mamaya, ha?”
“Opo, ma’am! Sure!” Nag-thumbs pa siya sa ‘kin.
Pinasabay ko na rin si Ana sa ‘min na kumain para hindi siya mag-isang kumakain. Busy naman si Bryan sa cellphone niya habang tahimik lang ding kumakain. Kami lang tuloy ni Ana ang nagdadaldalan.
“Paano po ba kayo nagkakilala?” biglang tanong niya na ikinangisi ko at napatingin kay Bryan na napapatingin din pala sa ‘min.
“Magkakilala ang pamilya namin. Nagkikita lang kami noon dahil sa kanila,” sagot ko.
“Naks, si sir! Siguro may gusto ka niyon kay ma’am, ’no?” Mapanukso niyang tiningnan si Bryan habang ngiting ngiti pa.
Naibaba ni Bryan ang phone niya at pareho kaming tiningnan. “No.” Napailing na lang ako sa sinagot niya.
“We? Ngayon ka pa nahiya sir, e mag-asawa naman na kayo!”
“Hindi nga!” Sumimangot si Bryan at tinitigan ako. Mapang-asar ko lang din siyang tiningnan. “Pero nagustuhan ko rin siya kaya nga kami masaya ngayon. Who wouldn’t be inlove with her? She’s kind, beautiful, and smart.”
“Wow, thank you!”
Inirapan lang ako ni Bryan na ikinatawa namin ni Ana.
“Ako na pala ang sasama sa ’yo, hon.” Tumaas ang kilay ko nang sabihin niya ‘yon. Tiningnan niya rin si Ana. “Dito ka na lang, Ana. Ikaw na bahala sa bahay.”
“Ano’ng oras ka ba aalis?” I asked dahil baka matagalan kami sa pamimili.
“Before lunch pa naman. Mas okay kung ako ang kasama mo,” sagot niya agad at uminom na ng tubig. “Or ako na lang ang mamimili? Huwag ka nang—”
“Hep! Sasama ako!” pigil ko agad sa gusto niyang mangyari. “I will be fine, hon. I’m with you naman.” I smiled na ikinatango-tango niya na lang.
Nag-ready na kami ni Bryan pagkatapos kumain. Binilinan namin si Ana na maglinis na lang ng bahay at ng garahe. Inalalayan ako ni Bryan habang nasa loob kami ng Super Market. Hindi niya hinayaang mabangga ako, siya na rin ang nagtutulak ng cart namin.
Kumunot naman ang noo ko nang pumunta kami sa alcoholic beverages section. “Bakit may alak?” takang tanong ko habang nakatingin sa mga alak na kinukuha at tinitingnan niya.
“Iinom kami ni Frenz, bawal ba?” tanong niya rin habang nasa mga alak pa rin ang paningin.
“Puwede naman.” Napatingin na lang ako sa paligid at nag-isip ng mga puwede ko pang bilhin for one week stock namin.
“Sha—Wait!”
Bigla akong napalingon kay Bryan matapos niyang sumigaw.
“B-Bryan!”
Naisigaw ko rin ang pangalan niya no’ng bigla siyang nagmamadaling lumakad paalis. Kumunot na lang ang noo ko at napapamaang dahil may mga nababangga na siya sa pagmamadali niya.
I don’t know what’s happening. Ano ‘yon? Bakit biglang umalis ‘yon? Parang may hinahabol pa nga.
Napabuntong-hininga na lang ako dahil nawala na siya sa paningin ko. Maraming taong nakaharang. Hinawakan ko ang handle ng cart at ako na ang nagtulak niyon para sumunod kay Bryan.
BINABASA MO ANG
I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Storie d'amore(Revised Version) Fixed marriage- isang pagkakasundo na hindi inakala ni Cassandra'ng ginagawa pa rin pala sa panahon ngayon. Dinala niya ang apelyido ni Bryan Angeluz Caranza. Naging maganda ang pagsasama nila bilang mag-asawa hanggang sa natu...