— Cassandra —
Bag agad ni Bryan ang tiningnan ko pagkagising ko. Gusto ko lang tingnan kung may makikita ba akong iba sa mga gamit niya. Wala naman siya rito sa kuwarto kaya walang susuway sa ‘kin. Lalo na’t alam kong pumupunta si Shane sa office niya. Hindi ko sure kung siya ba talaga ‘yung nakasalubong ko doon pero paano kung siya nga? Ang dami-dami kong tanong.
Bakit pumunta si Shane ro’n? Ano’ng ginagawa niya ro’n? Si Bryan ba ang pinuntahan niya? Lagi ba siyang pinupuntahan ni Shane sa opisina? Kaya ba parang balisa si Bryan noon dahil nanggaling si Shane doon?
Gusto kong masagot lahat ng iyan.
Wala naman akong nakita sa bag ni Bryan kun’di mga gamit niya lang kaya lumabas na ako ng kuwarto. Pinuntahan ko ulit siya sa kabilang kuwarto. Hindi na ako nag-abalang kumatok pa dahil bukas ulit ang pinto. Sumilip ako sa loob at natutulog pa pala si Bryan kaya hindi ako nag-ingay at maingat na pumasok sa loob.
Nakadapa siya sa kama habang nakasando at nakatakip ng comforter ang lower part ng katawan. Napahawak pa ako sa tiyan ko habang nakatitig kay Bryan. Gustong gusto ko talagang itanong sa kaniya lahat ng gumugulo sa isip ko para malinaw na ang lahat pero hindi e. Alam kong hindi niya ‘ko masasagot agad.
Kaya ako na lang ang gagawa ng paraan para malaman ko kung pumupunta nga ba si Shane sa office niya.
Napatingin ako sa study table matapos tumunog ng cellphone niya. Nagbukas din ‘yon. Bumalik ang tingin ko kay Bryan para tingnan kung magigising ba siya pero hindi naman siya gumalaw. Tinitigan ko ulit ang cellphone niya at nag-decide na lumapit do’n para tingnan.
May unknown message na naka-pop-up sa lockscreen niya.
“Let’s meet, I’ll go to your office after an hour.”
Kulang na lang ay magdikit na ang dalawang kilay ko sa pagkakasalubong dahil sa nabasa ko. Sinilip ko ulit si Bryan na tulog na tulog pa rin. Napalabi ako at ibinalik ang tingin sa cellphone niya.
Sino ‘to, ha?
Mariin akong pumindot para buksan ang lockscreen. Nilagay ko ang alam kong passcode niya pero nag-error ito. Napabuga na lang ako ng hangin at pumikit.
Pinalitan niya ang passcode niya? Seriously?
Ano ‘tong meet-meet na ‘to? Sino ‘tong unknown number? Babae niya?
Nambababae ba ang asawa ko? Nakakapanikip ng dibdib isipin.
I will find out.
This time, hindi ako magso-sorry sa kaniya dahil sa away namin kagabi.
Lumabas na ako sa kuwartong ‘yon at naghintay na lang sa baba. Sigurado akong magmamadali talaga ‘yon si Bryan at mayamaya lang nandito na ‘yon dahil sa text sa kaniya.
Hindi nga ako nagkamali. Wala pang 40 minutes ay bumaba na si Bryan dala-dala ang bag niya. Hinayaan ko na lang tuloy na si Ana ang magluto dahil siguradong hindi na kakain ng breakfast ngayon ‘tong si Bryan.
“I have to go,” paalam niya at mabilis na yumuko para halikan ako sa ulo.
Hindi ako sumagot kaya napatitig siya saglit sa ‘kin.
Way of sorry niya na ba ‘yon? Nagpaalam at humalik pa kahit nag-away kami kagabi?
Bumuntong-hininga lang siya at naglakad na paalis. Nakagat ko ang labi ko habang pinapanood siyang lumabas ng bahay. Tumayo ako at umakyat agad sa taas pagkaalis na pagkaalis ni Bryan. Hindi na ako naligo at mabilis nang nagbihis dahil gusto kong sundan si Bryan.
BINABASA MO ANG
I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Romance(Revised Version) Fixed marriage- isang pagkakasundo na hindi inakala ni Cassandra'ng ginagawa pa rin pala sa panahon ngayon. Dinala niya ang apelyido ni Bryan Angeluz Caranza. Naging maganda ang pagsasama nila bilang mag-asawa hanggang sa natu...