Chapter 20

35.6K 585 129
                                    

    — Cassandra —

    “Ano?” Mahina ang boses ni Bryan nang tanungin niya si Shane.

    Ngumiti muna ang babae sa ‘kin bago humarap ulit kay Bryan. Humawak siya sa magkabilang maskuladong braso ng asawa ko bago tumingala.

    “Yes, babe.” Pinanood ko lang sila habang may inilalabas si Shane mula sa pouch niya. “Look.”

    Napaiwas ako ng tingin at tumingala na lang nang maglabas siya ng pregnancy test. Napatakip ako ng dalawang kamay sa ilong at bibig ko para pigilan ang sarili.

    Masakit pa rin pala talaga na nakabuntis ng iba ang asawa ko. Hindi ko na naman matanggap dahil bunga ‘yon ng kababuyan nila. Para akong sinasaksak habang nandito ako at nakikita silang dalawa.

    Hindi ko pa rin naririnig na nagsasalita si Bryan kaya lumingon ulit ako sa kanila. Nanatili pa rin pala siyang nakatitig sa PT at mayamaya’y sa ‘kin agad dumako ang tingin niya.

    Napalunok ako dahil parang may kung anong hindi maipaliwanag na emosyong dumaan sa mga mata niya. Napalabi siya at inilipat na ang tingin kay Shane. Dahan-dahan siyang ngumiti pero hindi naging buo. Tipid pa siyang tumango.

    Si Shane na mismo ang yumakap sa kaniya. Dahan-dahan namang tumaas ang kamay niya para yumakap din pabalik.

    “We are having our first baby, babe.” Humiwalay si Shane at ngumiti nang malapad. “I want you to marry me as soon as possible after your annulment.”

    Muntik na ‘kong matawa kaya pareho silang napatingin sa ‘kin. Nagtaas ng kilay si Shane at naglakad palapit sa akin.

    Napatayo na rin ako at hinintay siyang makalapit. Tatlong hakbang na lang at huminto na siya.

    “Why?” tanong niya.

    Tipid akong ngumisi. “Patawa ka kasi. Halatang professional mang-aagaw dahil gusto mong pakasalan ka agad.” Ginaya niya ang pagngisi ko. “Wala kang konsensya. May asawa na ‘yung tao pero pinilit mo pa ring magpasawsaw sa asawa ko. Sawsawan ba ‘yang puke mo?”

    Natawa rin siya nang mahina at umiling-iling sa ‘kin. “Ano’ng gagawin ko, e nagmamahalan kaming dalawa?” tanong niya rin habang nakangiting-ngiti pa. “Rebound ka lang. Pampalipas, bed warmer, at hindi pinili.”

    Napahinga ako nang malalim sa pinagsasasabi niya. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at mabilis ko siyang nilapitan pero agad na humarang si Bryan sa harap ko.

    “Napakakapal ng mukha mo!” sigaw ko habang tinutulak si Bryan paalis sa harap ko.

    “Cass!” sigaw niya rin sa pangalan ko habang tinutulak ako palayo. Payakap niya ‘kong iniatras. “Buntis ka, huwag ka nang makipag-away! Gusto mo bang mapahamak kayo pareho?”

    Masama ko lang tiningnan si Shane na naka-cross-arm pa rin at nakangiti sa akin. Pang-asar talaga ang babaeng ‘yan.

    “Shane, paalala lang, ha. Hindi mga kabit lalo na ang kagaya mo ang mananalo. Walang lugar ang saya sa mga taong ‘gaya mo, hindi kayo magiging masaya!” Malakas kong itinulak ulit si Bryan at napalayo na siya. Pinagtutulak ko pa siya palapit kay Shane. “Oh, ayan! Magsama kayong dalawa, kung nagmamahalan talaga kayo, sabay kayong mabuhay sa impyerno.”

    Napairap lang si Shane at hinila na si Bryan. “Whatever.”

    Napahagod sa buhok si Bryan at hinarap na si Shane. “Mas mabuti kung umuwi ka na. We will talk about this tomorrow, okay?”

    “Ako na ang uuwi, Bryan,” mariing singit ko na ikinalingon niya sa ‘kin. “Kung ayaw mong magkagulo talaga tayo rito, hayaan mo ‘kong umuwi.”

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon