— Cassandra —
Hindi na nga kami nagpansinan kahapon matapos ng sigawan namin sa kotse. Ipinagluto ko pa rin siya ng dinner pag-uwi namin, sabay kaming kumain pero walang nagsasalita. Akala ko nga’y matutulog na naman siya sa kabilang kuwarto pero mas pinili niyang tumabi sa ‘kin.
Tiningnan ko ang maleta ni Bryan kung saan ko nakita noon ang pictures nila ni Shane pero wala na akong nakitang pictures doon. Napatayo na lang ako at inayos na ulit ang maleta. Hindi ko alam kung totoo bang sinunog niya na ang mga ‘yon o tinago niya lang din ulit sa ibang lagayan.
Maaga nga siyang umalis ngayon kahit na day-off niya. Hindi ko na tinanong kung saan siya pupunta dahil baka siya na naman ang magalit. Hinintay ko siya hanggang hapon pero hindi pa siya umuuwi. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi sumasagot.
“Ma’am, baka naman po may importanteng ginagawa si Sir Bryan. Huwag muna po kayong mag-isip ng kung ano-ano,” sabi ni Ana nang napansin niyang hindi na ako mapakali.
Sa dami ng tawag ko, walang sinagot si Bryan. Gano’n ba kaimportante ang ginagawa niya?
Umupo siya sa tabi ko. “Subukan n’yo pong tawagan ang kaibigan niya.”
Napatango agad ako at tinawagan nga si Dev pero hindi rin ‘to sumasagot. Napapabuga na lang ako ng hangin dahil sa kaba.
“Bakit ganito, Ana?” mahinang tanong ko at pahagis na inilapag ang phone sa sofa. Napahawak ako sa ulo ko at sumandal. “Bakit iba ang pakiramdam ko?”
“Bakit po, ma'am?” Hinawakan ako ni Ana na parang nag-aalala na naman sa ‘kin.
“Paano kung nandoon siya sa babae niya? Tapos may ginagawa sila?” sunod na tanong ko at napasinghap na lang. “Ayokong mag-isip ng ganito pero hindi ko maiwasan, e. The more na hindi ko siya ma-contact, the more na pumapasok ‘to sa isip ko.”
“Ma’am, huwag muna po kayong mag-isip ng ganiyan.”
Umiling-iling ako at napatakip na lang sa mukha ko. Maggagabi na kasi at wala pa siya.
“Hindi n’yo kasi ako naiintindihan. Mas maraming possibility na tama ang instinct ng isang babae at asawa.”
Simula nang nakilala ko ang Shane na ‘yon sa picture, no’ng sabihin ni Bryan na siya ‘yung nakita niya sa Market, at pumunta si Shane sa opisina niya, hindi na maalis sa ‘kin ‘yung pag-aalala na baka nagkabalikan silang dalawa. Nasabi pa ni Frenz noon na mahal na mahal ng asawa ko ang ex niya dati. Naalala ko pa ‘yung mga late na uwi ni Bryan galing sa trabaho.
Paano kung kasama niya si Shane no’ng mga oras na ‘yon? Hirap na hirap nga rin siya noon na sabihin sa ‘kin ang tungkol kay Shane. Paanong hindi ako mag-aalala?
“T-Takot lang naman akong mawala siya sa ‘kin,” naiiyak nang bulong ko at umiwas ng tingin kay Ana. “Alam naman natin pareho na hindi maiiwasan ang cheating sa isang relasyon kahit mag-asawa na kayo.”
Kakayanin ko ba kapag nalaman kong totoo nga ang mga hinala ko? I'm always praying and hoping na napa-paranoid nga lang ako at hindi ito totoo.
“Pakiramdam ko mas minahal niya si Shane noon. Ilang years din sila,” dugtong ko pa at nakasimangot na nilingon si Ana. “Aakyat muna ako.”
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at umakyat na agad. Pumasok ako sa kuwarto namin at pabagsak na humiga sa kama.
Galit pa rin ba siya tungkol sa away namin kahapon kaya hindi pa rin siya umuuwi?
Pumikit na lang ako para matulog. Mararamdaman ko naman siguro kung dumating na si Bryan. Bago pa ‘ko makatulog, tumunog na ang cellphone ko. Mabilis akong umupo at kinuha ‘yon. It was Dev, calling.
BINABASA MO ANG
I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)
Romance(Revised Version) Fixed marriage- isang pagkakasundo na hindi inakala ni Cassandra'ng ginagawa pa rin pala sa panahon ngayon. Dinala niya ang apelyido ni Bryan Angeluz Caranza. Naging maganda ang pagsasama nila bilang mag-asawa hanggang sa natu...