Chapter 16

35K 615 168
                                    

    — Cassandra —

    Hindi ko na nakasagot si Real pero nang hatakin ako ni Bryan papunta sana sa kotse niya, hinawakan niya ako.

    “Bitiwan mo siya,” mariing utos ni Bryan.

    “Saan mo siya dadalhin?”

    Napapikit na lang ako dahil sa pagkahilo. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa alak. Nagsimula na ring gumewang ang katawan ko at doon ko naramdaman ang pagpulupot ng kamay ni Bryan sa waist ko.

    “Mr. Real Rental, bitiwan mo ang asawa ko.”

    Natawa ako nang mahina at dumilat. Pareho silang napatingin sa ‘kin kaya tiningala ko si Bryan at sinampal siya, hindi ko alam kung masakit at malakas ba ‘yon. Nanghihina na rin ang mga kamay ko.

    “Asawa?” nakangiti at natatawang tanong ko. “Bitiwan mo nga ‘ko! Hindi mo ‘ko asawa!”

    “See? Ayaw niyang sumama sa ‘yo,” seryosong singit na naman ni Real habang ‘di pa rin ako binibitiwan.

    “At kanino siya sasama? Sa ‘yo?” Bryan tsked. “Nakikita mo ba? Lasing siya at wala akong tiwala sa ‘yo.”

    Si Bryan na mismo ang nagtanggal ng kamay ni Real. Wala na kaming nagawa ni Real nang hilahin ulit ako ni Bryan. Magpupumiglas pa sana ako pero sapilitan niya na ‘kong pinasok sa backseat.

    Napasinghot na lang ako at humiga na rin. Naitakip ko ang kamay ko sa mga mata ko para pigilan ulit ang pag-iyak. Ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin tumitigil ang sasakyan samantalang nakita ko kaninang malapit na kami sa bahay kaya umupo na ako at tumingin sa labas. Kumunot ang noo ko matapos kong makita ulit ang convenience store.

    Umikot ba kami?

    Binuksan ni Bryan ang pinto ng kotse pagkatigil namin. Maingat niya ‘kong hinawakan at hinila palabas. Hindi pa naman ako lasing na lasing kaya mabilis ko siyang tinulak palayo sa ‘kin pagkababa ko.

    “Cass—”

    “Kaya ko!” sigaw ko na ikinatahimik niya.

    Nauna na ‘kong pumasok sa loob at naabutan si Ana sa living room na nakaupo at mukhang kanina pa naghihintay. Napatayo siya matapos akong makita.

    “Ma’am—”

    “Cass, let’s talk!”

    Nakakuyom ang kamay at mariing nakatikom ang mga labing humarap ako kay Bryan. “Ayoko nang makipag-usap sa ‘yo. Sawang sawa na ‘kong marinig ‘yang mga sorry mo. Ayoko nang maniwala sa mga sasabihin mo pa. Oo na, alam ko na! Nasabi mo na kanina, ‘di ba? Na mahal mo pa ang Shane na ‘yon! Na mahal mo pa ang ex mo!” palakas nang palakas ang boses na singhal ko sa kaniya habang nagsisimula na naman magparamdam ang mga luha ko.

    Nakakapagod naman ‘to! Kanina pa ‘ko iyak nang iyak. Ayoko na pero ayaw nilang tumigil. Bakit kasi hindi na lang siya manahimik? Hindi ba obvious na ayoko siyang makausap dahil maiiyak na naman ako nang ganito? Nakakapagod makaramdam ng sakit. Sana alam niya ‘yon.

    Napahilamos siya sa mukha niya at hindi na naman nakasagot kaya tinalikuran ko na ulit siya. Napatingin ako kay Ana na nakatakip na ngayon ang dalawang kamay sa kaniyang bibig habang naguguluhang nakatingin sa ‘min.

    Nanginig ang labi ko at napaiwas ng tingin. Mukhang nakaramdam na si Ana at dahan-dahan na siyang naglakad papuntang kusina.

    “Cass, hindi ko naman alam na puwede pa palang bumalik ‘tong nararamdaman ko sa kaniya.”

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon